KABANATA 13

1580 Words
SARIWA at may kalakasan ang ihip ng hangin. Bahagyang nitong nililipad ang buhok ni Ianah, kaya maingat niya itong inipit sa gilid ng kaniyang mga tainga para hindi tumakip sa mukha niya. Kasalukuyan silang nasa isang parke, may maliit itong mini-playground at matatayog na punong pwedeng silungan. Malawak ang parke, at magandang puntahan para mag-bonding kasama ang pamilya o mag-picnic. Sa ngayon, ay wala masyadong tao na makikita lalo na't weekdays pa lamang at medyo mainit ang panahon. "Kuya, push mo 'yung swing for me, please," pakiusap ni Alessandra sa kakambal. Tamad namang sinunod ni Allendrex ang sinabi. "Huwag masyadong malakas, young master. Baka mahulog pa 'yang kakambal mo," ani Ianah nang mapansing may kalakasan ito sa pagtulak. Nakaupo lang siya nang mag-isa sa ilalim ng puno, hindi nag-aalala na madudumihan ang suot dahil may bermuda grass. Halos mapapikit siya habang nakasandal sa mataba at mataas na katawan ng punong akasya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng antok dahil sa malamig na ihip ng hangin. Kahit medyo tirik pa ang araw ay halos hindi niya maramdaman ang init. "Yaya, come on, let's play," aya sa kaniya ni Alessandra, na balak sanang makipaglaro sa isang seesaw. Una nitong inaya si Allendrex ngunit tumanggi ito. "I'm tired, Sandy. Play with Yaya nalang muna," narinig niyang sabi ni Allendrex. Napabuntong-hininga siya at walang nagawa kundi tumayo. Bahagya niya munang pinagpagan ang suot niyang jeans bago nilapitan si Alessandra. Mariin siyang napapapikit nang masilaw sa araw. "Hindi ba mahapdi ang balat mo, young lady?" tanong niya sa batang babae nang malapitan niya ito at mapansin ang namumula nitong balat. "It's not po. Enough lang po siya for me," sagot ng bata. "Hurry up, Yaya! Sit on the other side," pagmamadali pa nito. Tumango naman siya at umupo sa kanang bahagi ng seesaw. Bahagya siyang napangiwi nang mapansing mas mababa sa kaniya ang seesaw at umupo. "You look so out of place, Yaya," pang-aasar ni Allendrex nang makita ang itsura niya, sabay mahinang tawa. Muli siyang napabuntong-hininga at sinimulan nang pagalawin ang seesaw. Tinutulungan niya si Alessandra sa tuwing nagpapababa ito sa kabila. Nakatapak lang ang parehong mga paa niya sa lupa habang halos mapasigaw naman si Alessandra sa sobrang tuwa kapag masyadong mataas ang pag-angat ng kinauupuan nito, samantalang siya, ay napapangiwi na dahil sa unti-unting nangangalay ang tuhod at sumakit ang likod niya. "Higher pa, Yaya!" utos pa ni Alessandra. "Hindi na pwede, young lady. Sumasayad na yung kinauupuan ko sa lupa. At masakit na rin ang mga tuhod ko," sagot niya habang pilit pa ring nakangiti. Napailing-iling siya nang marinig ang tawa ni Allendrex, halatang natatawa ito sa tuwing nakikita siyang nahihirapan. Si Allendrex mismo ang pumalit sa kinauupuan niya. Napakagaling na bata nga e', dahil ito ang nagyaya pumunta sa park, pero ito pa yung hindi nakikipaglaro sa kapatid. "Young master, ikaw naman. Sumisigaw na yung balakang at mga tuhod ko," sabi niya rito. Ngumisi lang ito nang nakakaloko. "Kaya mo na 'yan, Yaya," sabi nito sabay bigay ng thumbs-up. Bumuntong-hininga siya at walang nagawa kundi bantayan si Alessandra nang monkey bars naman ito naglaro. Halos mag-iisang oras din ang lumipas bago nagsawa si Alessandra sa pagbibilad sa araw. Masyado na ring namumula ang balat nito kaya napagdesisyunan nilang magpahinga muna bago umuwi. Mag-a-alas kuwatro pa lang ng hapon at unti-unti nang kumakalma ang sikat ng araw. Ninamnam nila ang katahimikan habang dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Nakasandal siya sa puno habang si Alessandra naman ay nakahiga sa bermuda grass, gamit ang kaniyang mga hita bilang unan. Habang katabi rin niyang nakaupo si Allendrex. "Yaya, are you happy to be with us?" biglang tanong ni Alessandra. Natigilan siya sa pagtatanaw sa malayo at yumuko upang tingnan ang batang babae. Ngumiti siya. "Oo naman. Kayo ba, masaya ba kayo na ako ang naging Yaya niyo?" balik-tanong niya. "I'm not," mabilis na sagot ni Allendrex. Dapat sana siyang masaktan sa naging tugon nito ngunit mahina lamang siyang napatawa. Nakita niyang ngumiti si Alessandra, ngunit agad din itong napawa. "Honestly, at first, I'm not happy po. Because ever since we were babies ni Kuya Drex, it's Manang Julie was the one taking care of us. And then, because of one unexpected accident, she resigned and replaced with a stranger woman po. We were really against it po talaga," pag-amin nito. "Paano naman ngayon?" nakangiti niyang tanong. "Of course, we are happy po. Kuya may seem like he's bullying you, but he likes you a lot po," pambibisto nito sa kakambal. "Sandy," pagsusuway ni Allendrex sa kakambal, ngunit hindi ito pinansin. "I like you also po. And I think Ate Alisha still seems gaurded from you po. So I hope you can bear with her po. She's sweet naman to the people that she likes. Don't worry, Yaya. She will also slowly to like you as time goes by, just like what we did," pagpapatuloy ni Alessandra. Ngumiti siya. "Don't worry, young lady. I also used to be like her when I was her age. Kaya naiintindihan ko nang mabuti ang ate niyo," aniya, saka napangiti ng mapait. Hanggang ngayon ay mailap pa rin siya sa mga tao. Hindi agad binibigay ang loob sa kung sino-sino lang. "Really po?" hindi makapaniwalang tanong ni Alessandra. Nakita rin niya sa gilid ng mga mata niya na nakatingin na rin sa kaniya si Allendrex. Tumango siya. "Oo naman. And until now, I'm still guar--" hindi niya natapos ang sasabihin nang maamoy ang isang pamilyar na pabango. "Why did you stop, Yaya?" naguguluhang tanong ni Alessandra sa kaniya. "Nandito ang Daddy niyo," mahina at halos bulong niyang sagot. Ramdam niyang unti-unti nang nabubuhay ang kaba sa puso niya. Magtatanong sana si Alessandra kung paano niya nalaman, ngunit nang maamoy din nito ang pabango ng ama. Nanlalaki ang mga mata nito at agad bumangon saka umupo ng maayos sa tabi niya. Maging si Allendrex ay tila napaayos din ng upo. "We're doomed again," mahinang usal pa nito. Nakita niyang nagtuturuan ang kambal gamit ang mga mata kung sino ang magsasalita para kausapin ang Ama na nanatili pa ring nakatayo sa likod ng puno. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Alessandra. "Dad, we know that you're hiding behind the tree po," malakas ang loob nitong pagsasalita. Narinig nila ang pagtikhim ni Gerode. Halos nanigas sila sa kinauupuan nila, lalo na nang nagpakita ito sa kanila. "You're really stubborn," sabi ni Gerode. Kararating lang ni Gerode sa parke at agad siyang dumeritso matapos ang isang business meeting kasama ang isang client. Balak niya sanang bumalik sa kompanya nang mabasa niya ang natanggap na mensahe mula sa driver na kasama nila Ianah. Agad niya itong tinawagan at nalamang hindi pa nakakauwi ang mga ito at mas piniling dumaan muna sa isang parke. Galit na galit niyang sinabihan ang driver na namamaneho sa sinasakyan niyang sasakyan na mag-iba ng ruta para puntahan ang kinaroroonan nila Ianah. Mainit na ang ulo niya dahil sa loob ng meeting ay hindi siya masyadong nakapag-concentrate nang mabuti. Dahil ginugulo ang isip niya mula sa malungkot na mukha ni Ianah nang iwan niya ito kasama ang kambal at malamig ang pakikitungo niya rito. Alam niyang hindi siya dapat nagpapaapekto, at gawing big deal iyon, ngunit hindi niya mapigilan na mag-aalala tungkol sa naging trato niya kay Ianah; kung naging masyado ba siyang naging harsh, o baka nasaktan niya ito. Aminado siyang nagulat siya nang makita ito kanina kasama ang kambal, at may naramdamang tuwa sa puso niya, ngunit pinilit niyang huwag ipahalata at piniling umakto nang normal, kahit na sa bahagi ng utak niya ay sumisigaw na gusto niyang yakapin si Ianah. Lalong-lalo na't ilang araw niya rin itong iniiwasan, dahil sa sobrang kaguluhan na nararamdaman sa tuwing nakikita niya ito. Ramdam niya ang iritasyon at inis sa sarili. Ayaw niya mang aminin sa sarili, ngunit masasabi niyang malaki ang pinagbago ng takbo ng buhay niya nang makita at makilala ito. Hindi siya kahapon lang ipinanganak at minsan na rin niyang naranasan ito, kaya nang maramdaman niya ang kakaibang pagtibok ng puso niya, alam niyang may nararamdaman na siya para kay Ianah. Subalit hindi niya ito agad matanggap at pilit na binubura. Para sa kaniya, ay masyadong mabilis, at pakiramdam niya'y tila pinagtataksilan niya ang dating asawa. Dahil buong akala niya'y kasamang namatay na ang puso niya nang mawala ang asawa. Akala niya'y hindi na ito titibok para sa iba, at hindi na muli matatamaan ng pana ni Kupido. Pero 'eto siya, hindi magawang matiis kapag nahihimigan niya ang kalungkutan sa boses ni Ianah at sinisisi ang sarili dahil inaakalang siya ang may kasalanan. "I really hired a troublemaker nanny this time," wala sa sarili niyang usal. "What did you say, Dad?" nagugulohang tanong ni Alessandra sa kaniya. Agad siyang natauhan at mabilis na umiling. "Let's go home first and we will talk," seryoso niyang sagot, at pinilit niyang walang kahit na ekspresyon ang mababasa sa mukha niya. Tinulungan niya itong tumayo, habang kusang tumayo si Allendrex. Akmang ilalahad sana niya ang sariling kamay kay Ianah nang taranta itong mabilis na tumayo upang hindi mapansin ang kamay niya. Nahihiya niyang kinuyom ito at tumikhim. Umakto na tila walang nangyari. Napansin niyang akmang magsasalita pa si Alessandra, ngunit mas pinili nitong itikom ang bibig at manahimik. Hawak sa kanang kamay niya si Alessandra, habang katabi naman nito naglalakad si Allendrex. Tahimik lang nakasunod sa kanila si Ianahsa may bandang likuran. Pa-simple niyang nilingon ito at nakitang tila malalim ang iniisip. Napabuntong-hininga siya nang maramdaman ang pagbigat ng kalooban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD