KABANATA 7

1635 Words
TUMAGAL lang ng isang araw ang lagnat ni Ianah. Kinabukasan ay maayos na agad ang kanyang pakiramdam. Kahit pinagbawalan pa siyang kumilos para hindi mabinat, hindi siya nakinig at hindi rin nagpapigil na pagsilbihan sila Alisha sa umagang ito. Ngunit sa hindi malamang dahilan, napansin niyang may kakaiba sa atmospera at kinikilos ng mga bata nang makasabay nilang mag-agahan si Gerode. Tahimik lang ang lahat. Maging si Gerode, na karaniwang nagtatanong o nagbibigay ng paalala sa mga anak, ay nanatiling tahimik. Umalis din ito agad, at ang nakakagulat ay ni hindi ito pinansin ng kambal o ni Alisha. Kalmado at naging masunurin din ang mga bata nang ginising niya ang mga ito at tinulungan sa paghahanda dahil may pasok pa. "May nangyari ba kahapon?" tanong niya agad kay Railey na naghuhugas ng mga pinggan nang pumasok siya sa kusina. Kagagaling lang niya sa paghatid sa mga bata sa eskwelahan. Kasalukuyang nasa Grade 3 pa lang ang kambal, habang Grade 6 naman si Alisha. Inaasahan niya kanina ay may panibago na naman silang kalokohan o pagtataray na ipapakita sa kanya, ngunit napansin niyang tila wala ang mga ito sa mood para magsalita man lang. Maging sa pagsagot sa mga tanong niya ay halatang wala silang gana. Ang mas nakakabahala pa, ay ang biglang paghingi ng tawad ng kambal--lalong-lalo na si Allendrex. Inisip niyang baka nakonsensya ito sa ginawang prank na naging dahilan ng pagkakasakit niya, kaya tinanggap niya ito at pinagaan ang loob sa pagsabi na ayos lang iyon sa kaniya at pinatatawad na ito. Napansin niyang tila nagdadalawang isip si Railey kung sasagutin ba siya o hindi. "What? Alam kong meron pero hindi ko alam kung ano. Kaya kung ano man iyan, baka pwede mong sabihin sa'kin, Rai?" Nakiki-usap ang mga mata niya itong tinignan. Bumigay naman ito. "Hindi ako sure kung dapat ko ba itong sabihin sa'yo..." Bumuntong hininga si Railey. "Pero alam na ni Sir, ang tungkol sa nangyaring insidenti sa pool no'ng isang araw, Aya. Kaya napagalitan ang mga bata at mukhang nagkasagutan pa sina miss Alisha at Sir Gerode. Masama rin ang mga loob nila kay Sir." Pagaamin nito ng totoo. Natigilan siya sa narinig. Nang makabawi ay agad siyang napakamot sa noo at napangiwi. Ramdam na ramdam niya ang namumuong stress. Nangyari na kasi ang kinatatakutan niya. Iyon ay malaman ni Gerode ang totoo at mapagalitan ang mga bata. Iniisip pa lang niya na baka mas lalo siyang mahirapan sa trabaho at ang balak niyang kuhanin ang mga loob nito ay sumasakit na ang ulo niya na parang lalagnatin na naman siya. Ipinaghahanda na rin niya ang sarili sa posibilidad na mas lalong hindi siya tatanggapin ng mga ito at ang mas masakit pa, baka kinamumuhian na siya bilang nanny nila. Kinalma niya ang sarili. "Pero pa'no nga pala nalaman ni Sir Gerode?" "Natanong kasi ng doktor na tumingin sa'yo kung ano ang posibleng dahilan ng pagkakaroon mo ng lagnat. Dahil sa sobrang taranta at pag-aalala ni Lea, nasabi niya na baka dahil 'yon sa pagkakahulog mo sa pool at baka nalamigan ka. Narinig naman 'yon ni Sir Gerode dahil kasama nila siya sa loob ng kwarto, kaya inusisa niya si Lea tungkol doon, at ayun, nalaman niya ang totoo," litanya nito. Malalim siyang huminga. "Mukhang good luck na lang talaga sa 'kin agad." Mahina niyang usal sa sarili. *** MAG-A-ALAS KUWATRO na ng hapon nang muli niyang sunduin ang mga bata sa paaralan. Nasa labas siya ng sasakyan habang hinihintay sila. Agad siyang naghanda ng isang ngiti nang makita niya ang mga ito, kahit natigilan siya sandali nang mapansing wala pa rin ang mga bata ito sa mood. Halata rin ang pagod sa kanilang mga mukha. "Good afternoon, young master and young ladies! Kumusta ang araw niyo?" bati niya sa kanila nang tuluyan na silang makalapit sa kinaroroonan niya. "Can you just shut up? Your voice is so annoying. Stop acting like you really care, two-faced." iritadong sabi sa kaniya ni Alisha. Nanigas ang ngiti sa labi niya at unti-unti itong naglaho. Ramdam niyang may kumirot sa isang bahagi ng puso niya. Tumikhim siya. "I really care, young lady. Because it's my job as your nanny, and I'm not a two-faced." mariin niyang tugon sa sinabi nito. Umikot lang ang mga mata ni Alisha saka sumakay sa backseat ng SUV. Pinili nitong umupo sa bandang likuran ng driver at agad isinalpak ang airpods sa mga tainga nito. Inalalayan naman niya ang kambal paakyat at tinulungan silang ikabit ang mga seatbelt. "How's your day, young lady?" tanong niya sa batang si Alessandra, at pagsisimula niya ng pag-uusap habang nagsisimula na silang bumiyahe. Akala niya'y hindi siya kikibuin nito, pero agad na lumiwanag ang mukha niya nang mahina itong sumagot. "Fine lang po," maiksi nitong tugon. Hindi niya napigilang mapangiti, ngunit natigilan siya nang may lumapat na bagay sa kaliwang braso niya. Tinignan niya ito at nakita niyang mahimbing na natutulog ang batang Allendrex habang nakasandal ang ulo sa braso niya. Halata sa mukha nito ang pagod dahil bahagya pa itong nakanganga at maririnig ang mahinang paghilik. 'Ang cute,' ani sa bahagi ng utak niya. Maingat at dahan-dahan niyang inayos ang pagkasandal ng ulo nito sa may braso niya. "Oh, he's sleeping?" Narinig niyang usal ni Alessandra. Bahagyang tinignan ang kakambal. Tumango siya. "Hindi ka ba muna iidlip, young lady?" pagtatanong niya rito. Umiling naman ito saka maayos na umupo. "No na po, yaya. I might have a hard time sleeping later po," halos pabulong nitong sagot. "Okay. Nagugutom ka na ba?" pagtatanong niya ulit. "A little bit po," pag-amin nito ng totoo. "Alright. Sa pagkaalam ko, ang paborito ninyong pagkain ay ang niluluto nila Lea para sa hapunan," mahina niyang sabi. Nakita niyang lumiwanag ang mukha nito. Bakas ang excitement at tuwa sa narinig. "Really? She cooked adobo po?" Natutuwa naman siyang tumango. Masaya siya dahil kahit sa ganito, ramdam niyang gumagaan ang pakikitungo nito sa kaniya. Sa tatlong magkakapatid, ay napansin niyang minsan mas matured si Alessandra kumpara sa edad nito. Mabilis ding sumaya kahit sa maliliit na bagay. Umabot ng sampung minuto bago nila narating ang mansion. Habang papalapit pa lang sa b****a ng mansion ang sasakyan ay may naanigan siyang pamilyar na postura ng lalaki na nakatayo sa may b****a ng pinto. Nang tuluyan silang makalapit at huminto ang sasakyan sa harap ng mansion. Nakita niyang si Gerode ang nakatayo, tila kanina pa ito naghihintay sa pagdating nila. Wala na itong suot na corporate coat at necktie. Nakatupi na rin hanggang braso ang manggas ng suot nitong white long sleeves, at may isang butones na nakabukas kaya medyo nalalantad ang makisig nitong dibdib. Nakita niyang lumapit ito sa SUV, at ito na mismo ang nagbukas ng pinto. Bahagyang nagtama ang kanilang mga mata ng ilang sandali at naputol lang ito nang tumayo si Alisha. Bahagya itong nakayuko dahil may katangkaran na ito. "Excuse me po," walang emosyon nitong sabi saka bumaba ng sasakyan na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Gerode. Tumabi naman ito sa isang tabi upang makadaan ang anak. Sinundan ito ng tingin ni Gerode hanggang sa tuluyang nakapasok na ito sa loob ng mansion. Nang ibinalik nito ang paningin sa loob ng SUV ay nakita niyang dumaan ang sakit sa mukha ni Gerode, ngunit agad din itong nawala. Malalim itong huminga. "Good afternoon po, Dad," bati ng batang Alessandra sa ama. Halata sa boses nito ang pag-aalinlangan, ngunit naglakas loob pa rin itong magsalita. Tila gumaan naman ang mood ni Gerode at tipid na napangiti, saka tinulungan si Alessandra na maalis ang seatbelt at pagkatapos bahagyang hinalikan sa ulo. "How's your day, princess?" mahinahon nitong tanong. Bahagya siyang natigilan sa nasaksihan at narinig. Nang tinignan niya si Alessandra ay nakita niya na maging ito ay nagulat din, pero agad ding nakabawi at malaki ang ngiti ang gumuhit sa labi. "Fine lang po. And by the way, we perfect the two quizzes po," natutuwa nitong balita sa naging resulta ng quizzes nila ng kambal--na kaklase rin nito. Proud naman itong tinignan ni Gerode. "I'm so proud of you. Come on, the dinner's ready," bahagya nitong kinarga at maingat na inilapag si Alessandra sa labas ng sasakyan. Tahimik lamang siyang nanonood sa mag-ama. Hindi niya inaasahan na may ganitong eksena siyang masisilayan. At mas lalong hindi siya makapaniwala na may ganitong side si Gerode para sa mga anak nito. Kung sabagay ay tatlong araw pa lang niya itong nakikilala. Halos mahigit niya ang sariling hininga nang tumingin ito sa kaniya, na para bang naramdaman nito ang paninitig niya. Nahihiya naman niyang iniwas ang paningin. Ramdam niya ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya alam kung magsasalita ba siya o hindi. Parang hindi gumagana nang maayos ang utak niya dahil sa intimidasyong nararamdaman mula kay Gerode. "G-good afternoon po, Sir," bati niya rito nang muli niyang matagpuan ang kakayahan na makapagsalita. "Good noon," tipid nitong bati pabalik. "Nakatulog nga po pala si young master. Gigisingin ko po ba siya?" Nakita niyang tila doon lamang nito napansin ang natutulog na anak. "No need. I'll just carry him." Tumango naman siya. Pigil ang hininga niya nang pumasok ito sa SUV. Bahagyang nakayuko si Gerode habang nasa harapan niya. Maingat nitong inalis ang nakakabit na seatbelt kay Allendrex at saka dahan-dahan itong kinarga. Halos mapuno ang baga niya ng mabangong amoy ni Gerode dahil sa sobrang lapit nito sa kaniya. Madiin siyang napasandal sa upuan, halos bumaon na sa kinauupuan sa takot na maging sagabal. Nang tuluyang nakababa--na waring walang kahirap-hirap habang karga ang anak ay bumaba na rin siya. Nakita niyang agad itong nilapitan ni Lea at nag-alok na ito na ang kakarga kay Allendrex para dalhin sa sariling silid, ngunit tinanggihan lang ito ni Gerode. Nagpakawala siya ng mahina at malalim na buntong-hininga saka tahimik na sumunod sa kanila mula sa likuran habang papasok sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD