"SHE has a cold and a fever. Pero kung hindi pa rin bumaba ang lagnat niya mamaya hanggang bukas, mas mabuting dalhin na siya sa ospital, Mr. De Guzman. Painumin din siya ng gamot kapag nagising na siya at pagkatapos kumain. I also suggest na magpahinga siya buong araw at huwag munang pagtrabahuhin," sabi sa may katandaan na family doctor ng De Guzman na si Leo.
Agaran na pinatawag ito ni Gerode sa mansion upang tingnan ang kalagayan ni Ianah matapos niya itong dalhin sa kanyang kwarto niya dahil nawalan ito ng malay at napansing inaapoy sa lagnat.
Pababa na sana siya kanina upang kausapin ito tungkol sa naging unang araw nito sa mga bata, nang mapansin niya ang tila kakaibang kinikilos nito habang paakyat sa hagdan. Mabuti na lamang at kaharap niya ito kaya agad niya nasalo bago pa man ito mawalan malay. Kung hindi, baka nahulog ito at mas malala pa ang nangyari rito.
Tipid siyang tumango.
"Thank you, doc. Leo," pasasalamat niya rito.
Nagpaalam naman ang doctor na aalis na ito. Hinatid ito ni Lea na isa sa mga tumingin sa kalagayan ni Ianah. Mula sa pagkuha ng temperatura gamit ang thermometer hanggang sa paghanda ng basang bimpo para mailagay sa noo nito nang makita ang mataas na temperatura nito.
"What's really happen yesterday, Lea?" seryosong tanong niya nang makabalik ito sa silid niya.
"K-kasi po, Sir Gerode. Ayaw sanang ipaalam ni Ianah, pero..." Kahit lubog man sa kalooban ay inamin nito sa kanya ang totoong nangyari kahapon na naging dahilan para magkasakit si Ianah.
"Call the three siblings to my office now," walang emosyon na utos niya rito.
Alam niyang maloko ang kaniyang unico hijo niya at mailap ang mga anak niya pagdating sa ibang tao. Ngunit hindi makatarungan ang ginawa ng mga ito, at hindi niya kayang palagpasin iyon nang hindi sila pagsasabihan sa kanilang maling ginawa.
"D-dad," halata ang nababahid na kaba sa boses ng batang Allendrex nang makapasok ito sa pribadong opisina ng ama kasama ang dalawang kapatid. Maging ang katabi nitong kakambal na si Alessandra ay halos hindi makatingin sa kaniya ng deritso, habang wala namang ka-reaksyon na nakatingin sa kanya si Alisha.
"Allendrex De Guzman, tell me what you did yesterday," seryoso at malamig sa boses na utos niya sa anak.
Alam niya na ang buong pangyayari, pero gusto niyang marinig pa rin mismo sa anak at malaman kung bakit nito nagawa sa kanilang bagong nanny.
Nakita niyang namutla ito at tila nanginginig pa sa kaba. Gusto niyang pakalmahin ito ngunit mas pinili niyang magmatigas. Dahil kung agad siyang lalambot, baka hindi nito seseryosohin ang sitwasyong kinakaharap.
"I-I did a few small p-pranks on yaya, po," magkandautal-utal nitong sagot. Halos pumiyok pa ito sa labis na kaba at takot.
Tumiim ang bagang niya. Madiin din niyang ipinikit ang mga mata para pigilan ang galit.
Bumuntong hininga siya.
"Then, was it fun, Allendrex? Pranking other people and laughing at their miseries? Do you even understand the consequences of your actions?" Mariin niya itong tinignan sa mata. "I didn’t hire her just so you could play around with her and disrespect her. I hired her to take care of you three while I’m not around. What have you learned all these years? Why does it seem like you have no respect for your elders? I didn’t raise you three to be like this." Bakas sa mukha niya ang pagiging dismiyado para rito.
"I-I'm sorry po, D-dad." Basag ang boses na sabi ng batang Allendrex. Nakita niyang naluluha na ito.
Pakakalmahin na sana niya ito nang magsalita si Alisha.
"Obviously, you didn't really raise us. because you were more focused on your work than on being a parent,"puno ng sarkasmong sabi ni Alisha, ngunit dama niya ang hinanakit.
Hindi makapaniwala niyang tinignan ang nakakatandang anak.
"What did you say?" nanghihina niyang tanong. Ramdam niya na tila may dumagan sa puso niya.
"You heard what I said. No need to repeat it." tugon nito, deritso sa mata siyang tinignan.
Nagpanting ang tainga niya. Uminit din ang likod ng batok niya. Hindi siya makapaniwala na magawa siyang sagutin nang ganito sa anak.
"Alisha De Guzman, what's kind of attitude is that?! And you're proud of talking back to your father?" Malakas na ang boses niyang sigaw niya rito na agad niya namang pinagsisihan nang makitang tila nagulat ito sa pagtaas niya ng boses maging ang dalawang kapatid na katabi nito ay nanigas at nanginig sa takot.
Huminga siya ng malalim. Pinapakalma ang sarili. Aminado siyang ito ang unang beses na nasigawan niya sila. Kahit siya ay nagulat din sa nagawa. Dahil pagdating sa kanila ay pinili niyang maging kalmado sa dahilanang ayaw niyang masaktan ang mga ito, gayun siya na lamang ang tumatayong magulang rito at palaging hindi nakakasama dahil abala sa pagtatrabaho para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
"D-Dad, w-we know na mali 'yung ginawa namin, and pinagsisisihan na rin namin 'yon. But we're still in the process of accepting the fact that Manang Julie resigned and left. It was just so sudden for us to have a new nanny after her. I thought you knew us better than that, Dad." Umiiyak na sabi ng batang Alessandra.
Para namang may lumukot sa puso niya. Bumigat din ang kalooban niya at nahihirapang makahinga.
'Did I already fail them as a father?' tanong niya sa isip, habang ramdam ang sakit.
Pagkatapos mamatay si Ayesha, ang asawa niya. Ipinangako niya sa sarili na aalagaan at pupunuin niya ng pagmamahal ang kanilang mga anak. Hindi niya sila pababayaan. Ngunit sa nakikita at naririnig niya kung paano sila umasta sa kaniya, tila dismayado na sila sa kaniya.
"I-" bago niya pa natuloy ang sasabihin ay pinutol siya ni Alisha.
"We will apologize to her, if that's what you want, Dad. And I'm sorry for disrespecting you, but I'm not sorry from what I said. Now, excuse us. May pasok pa po kami." Pumauna itong maglakad paalis. Hindi man lang siya hinintay na makapagsalita.
Nagdadalawang isip naman siyang tinignan ng kambal, pero sa huli ay pinili ng mga ito na nagpaalam sa kaniya at sumunod na lumabas sa pribadong opisina niya.
Ramdam niya ang kawalan ng lakas. Dama niya na tila may nawalang importanteng bagay sa kaniya. Doon niya lang din napansin ang kalamigan sa loob ng opisina niya at maging kalooban niya.
Huminga siya ng malalim.
Gusto niya lang namang itama ang mga anak habang maaga pa, at bago pa lumala ang maaaring ng mga ito dahil akala nila ay ayos lang ang inasal nila. Gusto niya lang gampanan ang kanyang tungkulin bilang ama at nag-iisang magulang. Pero mukhang nabigo siya doon.
***
NALILIYONG inilibot ni Ianah ang kaniyang paningin nang magkamalay siya. Hindi pamilyar sa kanya ang silid na bumungad sa kaniya. Medyo madilim ang loob ng kwarto dahil patay ang ilaw at may malaking kurtinang nakatabing sa wall glass. Ngunit sa bandang ibaba ng wall glass na hindi natabunan ng kurtina, nakita niyang padilim na sa labas.
"Nasaan ako?" mahina niyang usal.
Sapo ang ulo at akmang babangon siya nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon niya agad ito at nakita ang kapapasok lang na si Gerode.
"You're in my room," usal nito na tila narinig ang sinabi niya.
Ilang sandali siyang napatulala sa nalaman. Nang makabawi siya, kahit nanghihina ay nagawa niya parin na mabilis bumangon dahil sa taranta.
"Sorry po, sir." Paghihingi niya ng paumanhin rito.
Aalis na sana siya sa kama nang pigilan siya nito.
"You can lie down again. You're still not feeling well," anito.
Umiling siya. "Salamat po, pero sa kwarto ko nalang po ako magpapahinga ulit." Pagtanggi niya.
Hindi ito umimik. Kaya ginamit niya naman ang pagkakataon na iyon para tuluyan ng bumaba sa kama.
Halos mabuwal siya sa kinatatayuan nang maramdaman ang kawalan ng lakas sa mga tuhod niya.
Mabilis naman lumapit si Gerode sa kaniya para tulungan siya ngunit umiling lamang siya at pinilit na inayos ang pagkakatayo.
Ramdam niya parin ang kabigatan ng ulo at ang buong katawan niya, ngunit isinawalang bahala niya iyon. Dahil sa kagustuhang makaalis sa silid na ito. Ayaw niya ng makaabala pa ng ibang tao, lalong-lalo na sa amo pa niya.
"Bakit nakabukas ito?" Narinig niya ang boses ni Railey. Hinanap niya ito at nakitang kakarating lang nito.
Nakita niyang kinapa nito ang switch ng ilaw sa silid saka pinindot ito.
"Susmaryosep, Ianah!" Gulat nitong sigaw nang makita siyang nakatayo. "Ba't bumangon kana? Hindi kapa magaling!"
Natataranta itong pumasok ng silid. Halos mapatalon pa ito sa gulat nang doon palang nito napansin si Gerode. "Ay sorry po, Sir Gerode. Nandito po pala kayo," nahihiya nitong ani.
Napakagat naman siya sa ibabang labi. "R-Railey, pwede mo ba akong tulungan para pumunta sa kwarto ko?" Mahina sa boses niyang sabi rito.
Napatingin naman ulit ito sa kanya at nagtatakang tinignan siya.
"Babalik kana sa kwarto mo? Bakit hindi ka nalang dito magpahinga?"
Halos mapangiwi siya. Hindi man lang ba nito naalala kung kaninong kwarto ang kinatatayuan nila ngayon?
"Nakakahiya kung manatili pa ako rito, lalo na't gising na rin ako at medyo mabuti-buti na ang pakiramdam ko. Pa-gabi na rin, at silid ito ni sir Gerode..." pahina nang pahina ang boses niya, at hindi magawang tingnan si Gerode.
"Eh? Ano naman kung silid ito ni Sir Gerode?" tanong nito sa kaniya na tila walang kamuwang-muwang.
'Seryoso ba siya? Nagbibiro lang ba siya?' sunod-sunod niyang tanong sa isipan.
Pa-simple siyang napalunok sa sariling laway nang makaramdam ng pagka-ilang dahil ramdam niya ang mga mata ni Gerode na nakatutok lang sa kaniya.
Tumikhim siya.
"Babalik na po ako sa silid ko, Sir. Thank you at sorry nga po pala ulit sa abala," aniya nang hindi na matagalan pa ang panititig nito.
Tipid lang itong tumango.
Halos malakas siyang mapabuntong-hininga dahil sa kaginhawaang naramdaman. Akala niya talaga na hindi na naman ito papayag at ipipilit na manatili siya sa silid nito para makapagpahinga.
Nakita niya ang kalituhan sa mukha ni Railey. Palipat-lipat din ang tingin nito sa kaniya at kay Gerode.
"Halika kana, Railey." Untag niya rito at hinawakan ang braso nito, saka marahan itong hinila.
Tila natauhan naman ito at umayos.
"Labas na po kami, Sir Gerode. Ipapaayos ko rin po ang silid niyo, ihahatid ko lang po muna si Ianah sa silid niya. At nga po pala, nakahanda na ang hapunan niyo," sunod-sunod na sabi ni Railey bago ito mismo ang humawak sa kaniya para alalayan siya sa paglalakad.
Hindi naman umimik si Gerode, kaya naging hudyat iyon para tuluyan na silang lumabas sa silid nito.