KABANATA 15

1771 Words
"OF COURSE NOT," malakas ang boses na sabi ni Gerode kay Ianah. Kailanma'y hindi sumagi sa isip ni Gerode na tanggalin si Ianah sa trabaho. Kahit na clumsy ito sa mga gawain at nakakaubos ng pasensya ang pagiging pasaway nito, hindi kailanman pumasok sa isip niyang sisantehin ito. Mabait si Ianah sa mga anak niya, at kitang-kita niya kung gaano kasaya ang mga bata kapag kasama ito. Ayaw niyang ipagkait iyon sa kanila. Bukod pa roon, matapos niyang mapagtanto ang tunay niyang nararamdaman para kay Ianah, matagal niya itong pinag-isipan hanggang sa makapagdesisyon siyang hindi siya aamin. Naglagay din siya ng hanggangan sa pagitan nila at alam niyang hindi siya dapat lumagpas doon. Gusto niya man bilang babae si Ianah pero hanggang doon lang iyon. Mas prioridad niya ang kapakanan ng mga anak niya kaysa sa sariling damdamin. Ayaw niyang sumugal, sa takot na baka siya pa ang maging dahilan ng pagkawala ni Ianah. At higit sa lahat, ayaw rin niyang saktan ang alaala ng kaniyang yumaong asawa. "Bakit naman hindi po, Sir Gerode?" may pagdududang tanong ni Ianah habang tinitigan siya. Stress na bumuntong-hininga si Gerode. Bahagya niyang minasahe ang sentido nang sumakit ito. "Are you not happy anymore with your job, Miss Gamboa?" Hindi niya kasi maintindihan kung bakit naisip ni Ianah na sisantehin niya ito. At tila wala itong tiwala sa naging sagot niya. Hindi na ba ito masaya piling nila? Masyado ba siyang naging marahas dito nitong mga nagdaang linggo? Hindi niya mapigilang sisisihin ang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga, ramdam ang nabubuhay na kaba sa puso. Tumayo siya at umikot sa mesa upang lapitan ito. Napansin niyang bahagyang nataranta si Ianah. Huminto siya sa harapan nito. Nahihiyang iniwas ni Ianah ang paningin mula sa kaniya. Gusto sana niyang titigan ito sa mata—dahil sa ganoon ay tila mababasa niya ang iniisip nito. Hindi rin niya maitanggi na nagagandahan siya sa mga mata nito. "H-hindi naman sa gano'n, Sir Gerode. Masaya po ako sa trabaho ko--masayang pagsilbihan ang mga bata, at satisfied rin po ako sa pasahod ninyo. Sadyang alam ko po ang mga pagkukulang ko pagdating sa trabaho ko, at ang totoo ay medyo nahihiya na po ako..." pahina nang pahina ang boses ni Ianah habang nagsasalita. Agad na nakaramdam ng kauntig ginhawa si Gerode sa narinig. Gusto sana niyang ngumiti sa tuwa, ngunit nagpigil siya. "I really understand what you mean, Ms. Gamboa. Nannying is not an easy job. But I hope you won't resign. My children like you, and they're happy when you're around," tipid siyang sabi, sabay bahagyang ngiti. Gusto sana niyang idagdag na gusto rin niya si Ianah, at masaya rin siya sa tuwing nakikita ito, ngunit kinagat na lamang niya ang gilid ng loob ng labi niya upang pigilan ang sarili. Hindi niya maiwasang muling kabahan nang makita ang tila pag-aalinlang sa mukha nito. Gusto sana niyang hawakan ang kamay nito, ngunit pinigilan niya ang sarili, baka matakot pa ito o isipin pa na creepy siya. "Thank you po, Sir Gerode." Humugot ng malalim na hininga si Ianah. "Kakapalan ko na po ang mukha ko. Sana'y mabigyan niyo pa po ako ng isa at huling pagkakataon. Pangako po, gagawin ko na po nang maayos ang trabaho ko," mabilis na sabi ni Ianah sabay yuko sa harapan niya. Halos gusto nitong yakapin ni Gerode sa sobrang tuwang naramdaman, ngunit nagpigil siya. Ayaw niyang mapahiya o magpadala sa damdaming pilit niyang itinatago. Tumikhim siya. "Stand properly, Ms. Gamboa. You don't need to bow just to please me. If anything, I should be the one trying to please you. I'm always grateful to you, Ia—Ms. Gamboa," mahinahon niyang sabi. "Maraming salamat po, Sir Gerode," nakangiti sagot ni Ianah, puno ng pasasalamat sa tinig. Hindi na rin niya napigilan ang mapangiti. "Thank you also, Ianah. You can go back to your room now and take a rest," usal niya. Tumango naman ito. "Sige po, Sir Gerode. Have a good night nga po pala," tugon nito bago naglakad paalis. Sinundan niya ito ng tingin. Nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan niya hanggang sa tuluyan itong makalabas ng opisina. "You too. Good night, Ianah," mahinang bulong niya, tila maririnig siya nito. *** "ARE you comfortable in your clothes, young lady?" tanong niya sa batang si Alessandra. Naka-swimsuit ito na pambata—handa na para sa kanilang planong mag-swimming ngayong araw at dumalo sa isang munting salo-salo bilang pagdiriwang ng kaarawan ni Lea. Sa tuwing may kaarawan ang isa sa mga tauhan ng mga De Guzman, nakagawian na nilang ipagdiwang ito sa pamamagitan ng isang simpleng handaan. "Yes, Yaya. Maliligo ka rin po ba?" tanong ni Alessandra sa kaniya. Umiling siya. "I'm not, young lady. You know I can't swim," sagot niya, halos mapangiwi nang maalala ang muntikan niyang pagkalunod sa unang araw sa trabaho. "I'm really sorry for my kuya's behaviour, Yaya," nahihiyang sabi ng bata. "Ayos lang, young lady. Matagal na 'yon at wala na sa 'kin 'yon," nakangiti niyang sagot. Nang makitang tapos na ito sa paghahanda, napagdesisyunan nilang magtungo na sa likod ng mansion. Tanging ang kambal lamang ang pumayag na sumama sa salo-salo, dahil ang batang si Alisha ay kasalukuyang wala sa mansion. Nagpaalam itong bumisita muna sa bahay ng lola nito. Samantala, nasa pribadong opisina si Gerode at piniling hindi makisalo dahil may kailangan pa itong tapusin na trabaho. Pagkarating nila sa may swimming pool area, nakita niya ang ilan sa mga tauhan ni Gerode. Nandoon sina Lea, Railey at Chelsea na abala sa paghahanda ng pagkain. Maging si Thomas ay tumutulong sa pag-iihaw ng barbeque. May mga pamilyar ding mukha ng ibang kasambahay na naroon at hindi niya masyadong nakakausap. "Nandiyan na pala kayo, Aya. Halikayo rito at baka gusto niyo munang kumain," sabi ni Lea sa kanila nang mapansin sila. "Gusto niyo ba munang kumain, young lady and young master?" tanong ni Ianah sa kambal. Umiling naman si Allendrex at mas piniling maligo. Tumakbo ito at agad na tumalon sa pool. "Careful, young master," paalala niya, ngunit tila hindi siya pinansin. "Yaya, I'm kinda hungry po," sabi naman ni Alessandra. Alas tres na rin ng hapon at hindi pa sila nakakapagmeryenda. Mabuti na lamang at hindi masyadong mainit ang panahon, kaya masarap pa ring maligo. Hawak ni Ianah sa kamay si Alessandra habang lumalapit sila sa mesa ng pagkain. Nang makalapit sila agad silang kumuha ng makakain. Habang kumakain, nagkukuwentuhan sina Ianah at Lea. Naibahagi pa ni Lea kung gaano ito kasaya at kasuwerte sa pamilyang De Guzman. "Aya, gusto mo ba ng barbeque?" tanong ni Thomas, na kalalapit lang sa kanila. Nilingon ito ni Ianah. "Salamat, Thomas. Pero busog na kasi ako," nakangiti niyang pagtanggi. Isa sa na rin ito sa naging matalik niyang kaibigan. Noong una, akala niya'y seryoso at mahirap pakisamahan si Thomas, pero kalaunan ay napagtanto niyang mahiyain lang pala ito. Tumango ito. "Ganoon ba? How about drinks?" tanong muli nito nang mapansin ang basong hawak niyang wala nang laman. Umiling siya. "Hindi na, Thomas. Baka mamaya. Thank you ulit," magalang niyang sagot. Magta-tatlong buwan na rin mula nang magsimulang magtrabaho si Ianah sa mga De Guzman. Sa nagdaang mga buwan, masasabi niyang malaki na ang naging pagbabago at improvement niya sa trabaho. "Yaya, I want to swim po," sabat ni Alessandra kina Ianah at Thomas. Napalingon si Ianah sa bata nang maramdaman ang yakap nito sa kaniyang baywang, tila naglalambing. "Sige, babantayan kita sa may gilid ng pool, young lady," pagpayag niya, sabay haplos sa ulo ng bata. Excited na tumango si Alessandra. "Alis muna kami, Lea," paalam ni Ianah sa kausap. "Sige, Aya. Mag-ingat ka, ha. Huwag masyadong lalapit sa pool, baka mahulog ka pa," paalala ni Lea. Tumango lang siya bilang tugon at inakay na si Alessandra papalapit sa pool. "Magiging maayos ka lang ba, Aya?" may pag-alalang tanong ni Thomas, dahilan para bahagya siyang magulat, hindi niya kasi namalayang nakasunod pala ito sa kanila. Tipid siyang ngumiti sabay tango. "Oo naman. At isa pa, bakit naman hindi,eh,nandito ka naman para iligtas kami kapag nalunod," biro niya, sabay kindat. Nahihiyang ngumiti si Thomas, at bahagyang namula ang mga pisngi nito. "Ikaw talaga, Aya," tanging usal nito, sabay iling. *** MAG-A-ALAS SINGKO na ng hapon nang makapagdesisyon silang tapusin ang selebrasyon at magligpit na. Lumalamig na rin ang ihip ng hangin at kumikilimlim ang langit—halatang na anumang sandali. Papasok pa lang si Ianah sa loob upang ihatid ang kambal sa kani-kanilang kwarto para makapagpalit ng damit at makapagpahinga, nang mapahinto sila sa tawag ni Thomas. "Ianah, pwede ba kitang makausap mamaya?" tanong ni Thomas habang nakahawak sa batok. Halata sa mukha ang pamumula at kaba. Gusto sana ni Ianah magtanong kung tungkol saan, pero napansin niyang tahimik na nakatingin sa kanila ang kambal. Sa takot na malamigan ang mga ito, wala na siyang nagawa kundi pumayag kay Thomas at nagpaalam na aasikasuhin muna niya ang mga bata. "Yaya, are you in a relationships with Kuya Thomas?" tanong ni Alessandra habang paakyat sila ng hagdan. Natigilan si Ianah sa paglalakad at gulat na tumingin sa bata. "What? In a relationships with who?" gulat at litong tanong niya. "With Kuya Thomas po. You look so sweet po kasi kanina," sagot ni Alessandra, na may bakas ng kilig sa boses. Halos mapanganga si Ianah. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. "We're not, young lady. Magkaibigan lang kami," taranta niyang sagot. "You mean not yet?" seryosong tanong ni Allendrex. Agad na napatingin si Ianah kay Allendrex at umiling. "Hindi nga, young master. We're really just friends," giit niya. "But it looks like he didn't feel the same way," ani Allendrex. "Huh? What do you mean?" takang tanong ni Ianah. "What a numb," tanging usal ni Allendrex bago nagkibit balikat at naunang naglakad papunta sa silid. Nalilitong sinundan ni Ianah ito ng tingin. Napansin niyang bahagyang napahinto ang bata sa paglalakad nang makasalubong ang ama, ngunit nilagpasan lang ito. "Oh, Dad? Where are you going po?" tanong ni Alessandra nang makita si Gerode na tila patungo sa hagdan pababa. Natigilan sila Ianah sa paglalakad. "There's something I need to do at the company," walang emosyon na sagot ni Gerode. Halatang wala ito sa mood. "Okay po. Ingat po, Daddy," sabi ng batang babae sabay tango. Tipid lamang na tumango si Gerode sa kanila bago sila nilagpasan. "I think Daddy is not in the mood," nag-aalalang sabi ni Alessandra. 'Mukha nga,' pagsang-ayon ni Ianah sa isip, lalo na't hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Gerode. "Baka may nangyari lang sa trabaho," aniya, pilit na pagpapagaan ang loob ni Alessandra. Hindi naman ito umimik, tanging buntong-hininga lang ang naging tugon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD