Chapter -18.1

1088 Words
"Halika dito impakta ka! " mading sabi ni Sherin sabay sabunot sa buhok ni Adi at kinaladkad ito palabas ng bahay kung saan naka Tayo lamang si Elma "Aray! Awtch! Sino Ba kayo?! Bitiwan mo ko aray! " daing ni Adi ng mas lalong hinigpitan ni Sherin ang pagkaka sabunot dito Habang si Elma naman ay matalim na naka tingin sa babaeng nasa Harapan niya. Hindi ito maka galaw dahil hawak ni Marco ang dalawang kamay nito ,habang naka sabunot naman sa buhok nito ang kaniyang kaibigan. "Sino ka?!" Madiin na tanong ni Elma sabay Hawak ng mahigpit sa panga ng babae. Sinad'ya niyang idiin lalo ang kaniyang kuko sa pisngi nito dahilan kaya napa daing ang babae ng maramdaman nito ang pag baon ng Kuko ni Elma "Jeppy's Girlfriend " nahihirapang sagot ng babae. Saglit namang Natigilan sina Elma at Sherin ngunit mabilis rin sila naka bawi sa pagkaka gulat. Mas lalong tumindi ang galit ni Elma dahil sa kaniyang nalaman, kaya buong lakas niyang binigyan ng mag asawang Sampal ang magka bilang Pisngi ng Babae, at dahil nga sa umulan kagabi sa lugar na iyon ay naging maputik sa labas ng Gate. Pinag tulungan nina Elma at Sherin ang babae, sinabunutan rin ito ni Elma at kinaladkad palabas ng Gate kung saan walang semento "Aah bitiwan niyo ako mga Hayop kayo! " pag wawala ni Adi "Hayop? Ikaw ang Hayop! Bata lang ang Kaya mo? Pwes! Ipaparamdam ko sayo pano magalit ang isang ina. " galit na sabi ni Elma at hinawakan ng mahigpit ang buhok ng babae at pina luhod ito sa Tapat ng Dumi ng Kabayo. "No no no emmp! " hindi na natuloy ni Adi ang kaniyang sasabihin ng ilampaso ni Elma ang kaniyang Mukha sa Dumi ng Kabayo at nang matapos ay itinulak nila ito sa Putikan. Habang ang mga tauhan naman ni Jeppy ay nanunuod lamang at walang gustong umawat o tumulong dahil ang mga Armadong tauhan ni Jeppy ay kilala nila si Marco at Sherin. Tanging si Kiko at Karmen lamang ang hindi nakaka kilala sa mga ito. "Kiko tawagin mo si Senyorito bilis! " agad na sabi ni Karmen sa kaniyang katabi. - Katatapos lamang maligo ni Jeppy ng maka tanggap siya ng tawag galing sa kaniyang pinsan na si Paul. "Oh napatawag ka? " aniya habang pinupunasan ng hawak na Tuwalya ang basa niyang katawan. "Dumating naba sila d'yan? " ani ng nasa linya na ikina kunot nuo naman niya "Who? " "Ang asawa ko at si Elma " ani ng nasa linya na nag pagulat sa kaniya, bigla ay napa ngiti siya ng marinig ang pangalan ni Elma kasabay ng pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. "Dumating na siya? Kailan Pa? Hindi ko Pa alam nasa Kwarto Pa ako eh. Sige Thank-you cous" excited niyang sabi at kaagad na ibinaba ang tawag. "Woooh! Pupunta siya dito!. Ano Ba? Kailangan guwapo ako, teka guwapo naman ako ah, Ano nga ba dapat kung isuot? Tsssk dapat ba formal, ay hindi dapat yung Simple lang nasa bahay lang naman. Tama simple lang pero dapat malakas ang datingan natin Self " kausap niya sa kaniyang sarili. "Aaargh nababaliw na ako. Ay dapat mag pahanda ako. Tama dapat mag pahanda ako firstime nila maka punta dito " parang baliw niyang sabi habang kausap niya ang kaniyang sarili. Nag madali siyang nag ayos ng kaniyang sarili upang pag handaan ang muli nilang pag kikita ni Elma. Nang makontento ay agad na siyang lumabas nang kaniyang silid. At swerte namang naka salubong niya sina Manang Lara at Perla "Manang may mga bisita po akong darating mag handa po kayo ng maraming pagkain , Perla darating ang mam Elma mo, ayusan mo si Elice baka amoy pawis nayun kakalaro niya "Oh kiko bakit ganyan ang mukha mo pawis na pawis ka? bakit hinihingal ka? " ani ni Manang Perla sa Lalakeng kakalapit lamang. "Sir, may Gulo po sa labas! " hinihingal na ani ni Kiko "Ano? " si Manang Perla " may Dalawang babae pinag tutulungan nila si Mam Adi " sabi Pa ng Lalake. At dahil sa narinig ay kaagad na nag panik ang isip ni Jeppy. Naalala niya ang sinabi ni Paul, darating ang asawa nito kasama si Elma " s**t !" Agad niyang sambit at nag madali ng bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Agad siyang nagulat ng una niyang makita si Adi na halos hindi na niya makilala dahil sa Puno ng putik ang katawan nito maging ang mukha nito ay meron ring dumi "Sherin Elma! " tawag niya sa Dalawang Babae upang agawin ang atensyun ng mga ito "Sherin ano to? Anong kaguluhan ito? " agad niyang tanong ng unang lumapit si Sherin. Ngunit nagulat siya sa ginawa nito "Ah! Bakit? " daing niya ng bigla siyang Suntukin ni Sherin sa Sikmura. "Bakit? P*tang*na sinaktan ng babae mo si Elice! Nasaan ka? " galit na sabi ni Sherin sa kaniya "Huh?! Nasaan si Elice? " agad niyang sabi na may halong pag-aalala. Akmang sasampalin siya ni Sherin ng biglang may mag salitang babae sa likod nito na ikina gulat niya dahil sa Galit na nakikita niya sa mata ni Elma "Sherin ako na ang bahala " ani ni Elma sa kaibigan "Mag uusap Pa tayo Jeppy! " madiing sabi ni Sherin sa kaniya at tinalikuran na siya nito. "Elma so-- Natigil sa pag sasalita si Jeppy ng bigla itong sampalin ni Elma. "Sorry?! p*unyeta! kainin mo ang Sorry mo G*go! Nag tiwala kami sayo. Tiwala ako na hindi mo pababa-yaan ang anak ko. Walong araw akong nawala. Walong Araw na palagi mong kasama ang anak ko !. Ilang araw mona dinadala ang anak ko sa pamamahay mo at p*nyeta nandito Pa sa bahay mo ang Girlfriend mo!. Ilang araw naba sinasaktan ng impakta mong Girlfriend ang anak ko ha!? At nasaan ka pag sinasaktan niya si Elice? Kanina nasaan ka? Kung hindi Pa kami dumating hindi namin malalaman na sinasaktan na pala ng ibang tao ang anak ko! " nang gagalaiti sa galit na sabi ni Elma sa kaniya "Elma " tanging sambit na lamang niya sa pangalan ng babae "Hinding hindi kona ipag kakatiwala sayo ang anak ko! " umiiling habang nag liliyab sa galit ang matang ipinukol ni Elma sa kaniya bago siya tinalikuran nito. Naiwan namang napa tulala si Jeppy at hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Ang kaniyang Excitement niya ay biglang gumuho at napalitan ng takot at galit. "Babe please help me hindi ako maka alis napaka dulas ew!" nahihirapang sabi ni Adi //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD