Chapter -18

2398 Words
"Baby anong ginagawa mo? " tanong ni Perla ng malapitan niya ang kaniyang alaga na seryoso lamang na naka luhod sa ibabaw ng kama naka pikit rin ito habang pinag daop Pa nito ang mga palad "Ssssh quiet Nana I'm praying " saway ng bata sa kaniya kaya naman ay napa tahimik na lamang si Perla. "Okey Nana I'm finish " ani ng bata kasabay ng pag harap nito sa kaniya "Ano ba gi Pray ng baby Elice namin? " "Nag sorry po ako Kay Papa God, sabi niyo po diba pati ni Mommy na masama po ang mag sinungaling " " Manang nasaan ang mga gamit ko? " nag tatakang tanong ni Adi kay manang Lara, kakagising lamang niya at pag bangon Pa lamang ay napansin na niya kaagad ang kaniyang kasuotan , T-shirts na kulay yellow at ang kaniyang Cotton pajama na kulay Yellow rin, nag tataka siya kung pano siya napunta sa Kwarto at ganun na lamang ang pag ahon ng galit ng maalala ang mga nang-yare. ,bigla ay naisip nanaman niya ang Binata "P*nyetang batang yon! siniraan pa ako Kay Jeppy arrg! May araw karin" nag titiim bagang na ani ni Adi, bigla ay naisipan niyang kausapin ang binata at mag papaliwanag siya. Alam niyang nadala lamang ng galit ang binata kaya siya nasaktan nito. Dahil kahit kailan ay hindi Pa siya nito nagawang saktan nuon, ngayon lamang kung kailan may anak na ito. Bumaba na siya ng kama at naisipan niya rin mag palit , ngunit pag bukas Pa lamang niya ng Cabinet kung saan niya inilagay ang kaniyang mga gamit ay wala na ang mga iyon. "Nasa baba na mam, ipina baba ni Senyorito" agad na sagot ni Karmen ng mapansing walang balak sumagot ang kaniyang nanay Lara Naka salubong ni Adi ang mga ito galing sa kabilang Kuwarto na may dala-dalang mga labahan. Nag taka naman siya sa sinagot ng dalagita. "Bakit nasa baba ang mga Gamit ko? " pag tatanong niya habang naka pamewang Pa. "Dahil aalis kana!, Meron akong Unit sa Makati, kaya duon kana maninirahan at kompleto na lahat ng mga kakailanganin mo duon, nasa baba narin mga gamit mo" seryosong sabi ni Jeppy habang buhat-buhat nito si Elice. "But babe please let me explain -- "Umalis kana Adi, huwag mo nang hinataying ipa-kaladkad Pa kita palabas ng Bahay ko "nag titimping ani ni Jeppy "Babe please! " nag mama-kaawang sambit ni Adi ng talikuran na ito ng binata at nang makitang huminto sa pag lakad ang binata ay mag sasalita Pa sana siya ng biglang mag salita ang binata kaya napa tigil siya, ngunit hindi pala para sa kaniya ang pag hinto nito at ang ikina iinis niya lalo ay hindi man lang siya nito nilingon "Manang mag pahinga muna po kayo. "Yun lang at nag patuloy na sa paglalakad ang binata - "Sherin bakit wala Pa sila? " ani ni Elma sa kaibigan, tatlong oras narin siya sa bahay ng mga ito at kanina Pa niya hinihintay ang pag hatid ni Jeppy sa kaniyang anak. "Sandali tatawagan ko muna. " sagot ni Sherin ilang Segundo lang ay sumagot narin ang nasa liya. "Hello Jeppy anong oras mo ihahatid si Elice? " "Bukas na lang ng umaga ,biglang umulan eh check your email " sagot ng nasa linya "Ganun ba sige, mas mabuti panga agahan mulang ha" yun lang at pinatay na ang tawag "Oh bakit daw? " kunot nuong lapit ni Elma sa kaibigan "Bukas nalang daw niya ihahatid si Elice, biglang umulan daw. So mas mabuti panga na ipag Pa bukas nalang Elma dahil baka mapano Pa sila sa Daan. " ani ng kaibigan at iniharap ang hawak na Cellphone sabay pakita ng picture na nag papatunay na umuulan nga sa Paranaque Napa buntong hininga na lamang si Elma bago tumango sa kaibigan "Sige bukas nalang, at sasamahan mo ako. Tayo na ang susundo sa anak Ko bukas " yun lang at tinalikuran na ang naiwang kaibigan na nag tataka Kinabukasan alas-singko palang ng umaga ay nagising na si Elma, katulad ng naka sanayan na niya ay ang mag jogging sa umaga pagka tapos gawin ang morning routine niya, pag katapos ng dalawang oras na pag papa-pawis ay bumalik narin siya sa bahay ng kaibigan, sakto namang nakita niyang palabas na ng Pinto si Paul, kasunod ang tatlong lalake na lagi nitong kasama. "Good morning" bati niya sa mga ito "Good morning rin po Ms Elma" bati rin sa kaniya ng tatlong lalake. Habang si Paul naman ay tinanguan lamang siya nito 'Tsk kay aga-aga ang sungit na kaagad' ani ng kalooban niya. "Paul sasama pala ako mamaya kay Sherin sa bahay ni Jeppy, hindi ko alam yun --- "Hindi rin alam ng asawa ko. Rayan, Marco mag paiwan kayo dito samahan niyo sila sa bahay ni Jeppy " ani ni Paulo habang naka talikod sa Tatlo at nag patuloy na sa paglakad kasunod nito si Jayson "Ok boss" magka sabay na sagot ng Dalawa. "ang sungit ng amo niyo " sabi niya sa Dalawa at nag patuloy na sa pag pasok . " good morning besty! " bati niya sa kaniyang kaibigan na kakalabas lamang ng kwarto nito "Morning" matamlay nitong sagot. "Oh may problema ba? " aniya at sinipat ang nuo ng kaibigan ngunit hindi naman ito mainit "Si Tanda kasi eh" "Oh anong problema niyo? Napaka aga busangot na kaagad yang mukha mo " aniya "Haaays mamaya na natin pag usapan yan Elma, sandali sisilipin kulang mga anak ko" sagot ni Sherin at nag lakad na ito patungo sa kwarto ng mga triplets nang makitang natutulog Pa ang mga bata ay kinausap ng kaniyang kaibigan ang mga yaya ng mga ito " mag almusal muna tayo, sasamahan Pa kita kay -ay sandali hindi konga pala alam ang bahay ni Jeppy sa Paranaque hindi Pa ako nakaka punta duon. Sa Bacolod lang ang napuntahan ko" ani ng kaibigan "Okey lang iniwan naman ng asawa mo ang dalawang tauhan niya upang masamahan tayu sa bahay ni Jeppy, pero ang mga bata hindi kaba nila hahanapin? " aniya Tumango ito "okey saka Inabilin kona sa mga yaya nila, na pagka tapos nilang mag almusal ay dalhin ang mga bata sa bahay ni Ate, saka hindi naman tayo magtatagal duon diba? " "Hindi Syempre susunduin lang natin ang anak ko-- " bakit kasi hindi nalang natin hintaying ihatid ni Jeppy si Elice dito, Ano bang kinaka takot mo e mag- ama naman yung dalawa" putol ni Sherin sa sasabihin Pa niya " Sherin ang bibig mo" agad niyang saway sa kaibigan. "Tssk OA mo eh tayo lang naman dalawa ang nandito , tara nanga mag almusal na tayo baka magising Pa ang mga anak ko at mangu-ngulit nanaman silang sumama. " ani ng kaibigan ,at tinungo nanga nila ang kusina. Pag pasok Pa lamang nila ay nakita na nilang naka handa na sa lamesa ang kanilang almusal. "Magandang umaga ho Mam Sherin, Ms Elma" bati ng dalawang kusinera sa kanila "Magandang umaga rin po Manang Tenia at Pamela, ang Sir Paul niyo nag almusal ba siya bago umalis? " ani ng kaibigan at naupo na sila sa harapan ng pagkain. "Hindi po Mam " mag kasabay na sagot ng mga ito , kaya napa tango na lamang ang kaniyang kaibigan. Nang matapos sa pagkain ay naligo narin sila - "Sh*t I hate this place, hindi ako nababagay dito!. Sa manyon dapat ako hindi ang batang bastarda na iyon! " nang gagalaiti sa galit na ani ni Adi, habang nasa Harapan siya ng Salamin at pinaka titigan ang kaniyang Sarili Kasalukuyan na siyang nasa Golden Hotel na pag- aari ni Jeppy. Hindi kalakihan ang Condo na binigay sa kaniya ng binata kaya naiinis siya sa isiping pina alis na siya ng binata sa mansyon nito. Huminga muna siya ng malalim bago niya Napag pasyahang bumalik sa Bahay ng Binata upang ipaliwanag sa binata, na nag sisinungaling lamang ang bastarda nitong anak. Hindi niya hahayaang tuluyang malayo sa kaniya ang binata lalo na't ito ang dahilan kung bakit siya tumakas ng Rehab. Sobrang miss na miss na niya ito at walang araw na hindi niya hinihintay ang pag dalaw sa kaniyang ng binata . Kaya nang umabot ng ilang taon na hindi na siya binisita nito ay naisipan na niyang tumakas upang balikan ang lalaking pinaka mamahal niya. "Akin kalang Jeppy! Akin kalang! Papatayin ko kahit sinong humadlang o magiging sagabal saatin, kaya ang bastarda mong anak ay dapat kunang tanggalin sa Landas natin dahil isa siyang malaking sagabal saatin! " kausap niya sa kaniyang sarili kasabay ng pag ngisi niya sa Harapan ng Salamin. - "Nana Perla bakit hindi mo po dinala ang shoes ni Snow? " naka busangot na ani ni Elice sa kaniyang yaya at tukoy nito sa malaking manika na si SnowWhite "Sorry baby nakalimutan ko, mamaya ay uuwi narin naman tayo" ani ni Perla sa kaniyang alaga. "Perla kumain naba si Elice ?" Pag lapit ni Manang Lena "Lola mano po , good morning " naka ngiting ani ni Elice ng matapos nitong mag mano sa matanda "Opo Nay Lena sinabayan kona rin po" sagot ni Perla Tumangon naman ang matanda at sabay pisil sa kanang pisngi ng Bata "magandang umaga rin sa napaka gandang Prinsesa namin " naka ngiting sabi ng matanda at hinalikan sa nuo ang bata bago binalingan si Perla " Perla samahan mo muna ako sa Bodega may Kukunin lang tayo duon , hindi ko kayang ibaba yung malaking kahon na pinag lagyan ng mga dating Gamit ni Senyorito " ani ng matanda "Okey po Nay LenA , Baby dito kalang ha. Tutulungan kulang si Nanay Lena , mag behave ka dito .huwag masyadong makulit baka maka basag ka ,mamaya ay bababa narin si Daddy Jey mo " ani ni Perla na tinanguan naman ng Bata. "Okey po " sagot ni Elice at nag patuloy na ito sa kaniyang pag lalaro, ilang minuto lang ay may biglang mag Doorbell kaya napa angat ng ulo ang bata at kunot nuo itong tumayo upang pag buksan kung sino ang nasa labas. "Oh the little devil " ani ng babae habang naka taas ang kaliwang kilay nito, kaya naman ay naki pag taasan rin ng kilay ang batang si Elice nang mapag buksan niya ng Pinto si Adi "What the hell are you doing Here Bitchy Frog? " naka taas kilay na ani ni Elice na ikina galit agad ni Adi "Anong tinawag mo saakin? Sinabihan mo akong Frog?! " tiim bagang na ani ni Adi sabay hawak ng mahigpit sa panga ni Elice. "Ay Hindi, Palaka! You look like a frog! ay Hindi pala, Palaka. Mukha ka pong palaka! " ani ni Elice kahit na nahihirapan na dahil sa pagkaka hawak sa kaniyang panga na lalo na ang Hinigpitan ng Babae "Ano?! " madiin ngunit mahina lamang na sabi ni Adi at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa panga ng Bata. "Ay bingi? Tssk binging Palaka" ani ng bata sabay ikot ng Eyeballs nito. "inuubos mo talaga ang pasensya Kong maldita ka! " ani ni Adi kasabay ng pag hawak naman nito ng mahigpit sa Buhok ng bata. "Bitiwan mo ako! " galit naring sabi ni Elice dahil sa Sakit na pagkakasabunot sa kaniyang buhok at ang isa namang kamay ng babae ay naka Hawak ng mahigpit sa kaniyang panga. "Sige matapang ka diba? Sige labanan mo ako !" Naka ngising sabi ng babae at tinangal ang pagkaka hawak nito sa panga ng bata at buong lakas na Sinampal nito dahilan kaya natumba ang bata. - "White lady nandito napo tayo " sabi ng Driver na si Rayan ng maka hinto ang sasakiyan sa tapat ng bahay ni Jeppy . "Sige bumaba narin kayo" ani naman ni Sherin. Agad naman bumaba ang dalawa at Pinag buksan sila ng Pinto Pagka baba Pa lamang nina Sherin at Elma ay Kaagad silang nagka tinginan ng makita nila ang babaeng naka Talikod habang hawak-hawak nito sa panga ang batang babae. Ngunit ang ikina bigla nila ay nang sampalin ng matangkad na babae ang bata dahilan upang bumagsak ang bata at dahil naka harap sa gawi nila ang bata ay kaagad nila itong nakilala. Nasa tapat lamang ng naka bukas na Pinto ang mga ito kaya kitang- kita nila ang ginawa ng babae kay Elice "ELICE!" magka sabay na tawag nina Sherin at Elma sa pangalan ng bata kaya napalingon sa Gawi nila ang babae ganun rin si Elice. ang kaninang pinipigilan ni Elice ay tuluyan ng bumuhos ng makita niya ang kaniyang mommy Elma " MOMMY! " agad na sigaw ng bata ,dali- dali itong tumayo at patakbong sinalubong ang kaniyang Mommy. Lumuhod naman si Elma upang pantayan ang anak na papalapit. At nang maka lapit ay mahigpit itong yumakap "Mommy huhuhu mommy thank-you po dumating po kayo mommy " umiiyak na sabi ng bata na nag padurog naman sa puso ni Elma. "Hash na anak nandito na si Mommy " ani ni Elma sa Anak at hiniwalay ito sa pagkaka yakap upang maka harap niya ito. Habang si Sherin naman ay mahigpit na naka kuyum ang kaniyang mga kamao habang dere-deretsong nag lakad patungo sa babaeng nanakit kay Elice. At nang maka lapit ay agad niya itong sinuntok na ikina gulat naman ni Adi. " s**t Who are you! " ani ni Adi habang naka hawak sa Dumudugo nitong ilong "You Animal! Anong karapatan mong saktan ang bata ha! Bata lang ba ang kaya mo?!" Sigaw na ni Sherin. Dahilan upang mag upang mag silabasan ang mga tauhan sa loob ng bahay. Maliban lamang kina manang Lara at Perla na nasa Bodega parin. Tanging ang mga lalaking tauhan ni Jeppy maging sina Karmen at kiko ay napa labas rin galing ng kusina. Habang si Elma naman ay kaAgad na kumulo ang kaniyang Dugo at nag init ang kaniyang ulo ng makita ang marka ng kamay ng babae sa mukha ng kaniyang anak. Maging ang marka ng mga kuko nitong bumaon sa pisngi ng bata ay kitang kita niya dahil sobrang namula iyon "Rayan paki pasok sa Kotse ang anak ko. " "Mommy " pigil naman ni Elice sa kaniya ng akmang tatayo na siya "Baby tuturuan lang ni mommy ng leksyon ang babaeng bad na iyon okey sa kotse ka muna. Mabilis lang si Mommy " ani ni Elma sa anak Tumango naman ito " okey po mommy " sagot ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD