"Baby anong gagawin mo? " nag tatakang tanong ni Perla sa kaniyang Alaga
"Basta po Nana, wala kapong gagawin manuod kalang po, tapos kapag dumating po si Daddy Jey sumigaw kapo ha. Para po marinig ko. " ani ng bata habang tinataas baba nito ang dalawang kilay habang naka ngiti ng Pilyo na ikina salubong naman ng kilay ni Perla.
"Baby ha. kinakabahan ako sa ngiting yan "
"I love you nana ,babalik na po ako kay Froggy "ani ng bata sabay hawi nito ng buhok.
" Start napo Tita Adi " naka ngiting sabi ni Elice at nilambingan Pa nito ang pagkaka bigkas sa pangalan ng babae.
Habang si Adi naman ay biglang kinabahan sa uri ng pag kaka-ngiti ng bata at nagulat Pa siya ng tawagin siyang Tita nito.
"Oh okey" sagot na lamang niya kaya ginawa nanga ng bata ang pag lagay nito ng Lotion sa likod niya
" can I Call you Tita po? " magalang at malambing na sabi ni Elice sabay tahimik na Dinuraan ang Likod ng babae.
"Sure why not, Girlfriend naman ako ng Daddy Jey mo " ganting sagot naman ni Adi habang nag tataka parin sa kinikilos ng bata.
" Tita emmp , Do You know how to swim po? " malambing na tanong ng bata habang nilalaro lamang ang kamay sa Likod ni Adi.
"Yes, why? "Tipid na sagot ni Adi na ikina ngiti naman ng lihim ni Elice
" Tita Can you teach me how to swim po? " ani ng Bata at mas lalo Pa nilambingan ang pakiki pag usap dito.
"Are you sure? "
"Yes po Tita, I wish na matuto rin po ako pano mag swimming kaya po pwede po bang turuan niyo po ako ngayon na? " ani ng bata at humarap ito kay Adi.
"Okey" nag aalin langan man ay tumango na lamang si Adi. Kung ang kalooban ng bata ang sulusyon para balikan siya ni Jeppy ay gagawin niya. Kukunin niya ang loob nito at ngayon ay sisimulan na niya.
"Yehey! , Nana Perla. tita Adi Teach me How to Swim po" masayang sabi ni Elice na ikina kunot. Nuo naman ni Perla.
' ano mag papaturo siya pano lumangoy? eh napaka galing nanga niya lumangoy 'ani ng kalooban ni Perla habang naguguluhan parin sa pina-plano ng Alaga , alam niyang Magaling Lumangoy si Elice dahil 8'months Old Pa lamang ay palagi na ito isinasama ni Elma , kapag naliligo sa Swimming pool ang kaniyang Amo ay sinasanay na nito si Elice. Hanggang sa Mag 2 years Old na ang Bata ay marunong na ito lumangoy, pag tungtong naman nito sa ika-Apat na Taon gulang ay sinanay na ito ni Elma kung pano maging matagal sa ilalim ng Tubig ng Hindi humihinga. Kaya naman pag tungtong ng ika- Limang Taon Gulang ay isinabak na ito ni Elma sa isang Kids Swimming competition sa Australia at ito ang naging Champion. Kaya mukhang nakukuha na niya ang plano ng kaniyang alaga, kaya gusto niyang mapa iling sa Plano nito.
"Sige , Mam Adi paki ingatan po ang Alaga ko , hindi po iyan marunong lumangoy " ani na lamang ni Perla
"Tssk i know , Come baby I'll teach you " ani ni Adi at hinawakan na nito ang kamay ng bata palapit sa pool
"Duon po tayu Tita" turo ng bata sa malalim na bahagi ng tubig.
"Masyado iyon malamim Elice. Dito na lamang kita tuturuan dahil bata kapa. " ani ni Adi kaya napa simangot ang bata dahil ayaw niya sa Hanggang kili-kili lamang niya ang tubig.
" Hindi niyo naman po ako papabayaan po diba? Saka po ayaw kopo dito, gusto kopo duon matuto. " ani ni Elice sabay turo ulit sa pinaka malalim na bahagi ng Tubig
"Okey -okey " pag suko ni Adi sa Kakulitan ng Bata. Kung Hindi lang naman dahil Kay Jeppy ay Hindi siya makiki pag Plastikan dito sa bata, sa loob -loob niya ay Gustong gusto na niyang Lunurin ang bata upang wala ng maging sagabal sa kanila ni Jeppy
"Yehey! Thank-you po " masiglang sabi ni Elice at hinila na ang kamay ng babae patungo sa malalim na tubig. At nang masigurado na ng Bata na nasa Malalim na sila ay sumilay ang mala demonyong ngiti sa kaniyang Labi
Habang si Adi naman ay masyado siyang kina-kabahan ,dahil Hindi na naabot ng mga paa niya ang ilalim ng tubig.
"Elice bumalik na tayo duon nalang kita tuturuan, masyado itong malalim para sayo. " nag aalalang sabi ni Adi ,dahil kapag napa hamak ang bata ay mas mahihirapan siyang mapa lapit ulit kay Jeppy at baka Hindi na talaga siya balikan ng binata.
Luminga muna sa Paligid si Elice. Natanaw niyang palabas na ng Pinto ang Daddy Jey niya kaya mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ni Adi at huminga siya ng malalim bago nilusom pailalim ang sarili sa tubig.
"Hey what are You Doing Elice?! " tarantang sabi ni Adi ng hilain ng bata ang kaniyang Dalawang kamay pailalim sa tubig kaya napa ilalim narin siya at Hindi niya iyon napag handaan kaya napa singhap muna siya kasabay ng patuloy na pag hila sa kaniya ng bata pailalim sa Tubig. Naramdaman niyang inilagay ng bata ang dalawang kamay niya sa ulo nito kaya napa sabunot siya sa buhok ng Bata
"Ahh Tulong! Sir -Sir ang Alaga ko Sir!, si Mam Adi Nilulunod ---- " tili ni Perla nang makita niyang papalapit na si Jeppy
"What?! damn! " si Jeppy at nabitawan ang hinada niyang Strawberry Juice at Chocolate cake para sa kaniyang anak. Natagalan siya sa kusina dahil biglang tumawag ang kaniyang kaibigan na si Alan. Mabilis siyang napa takbo at napa mura siya ng makita niya na hawak hawak ng babae ang ulo ni Elice. Maliw ang tubig kaya nakikita niya si Elice na naka pikit na ,kaya mabilis siyang tumalon .
Habang si Elice naman ay narinig niya ang pag tili ng kaniyang nana Perla kahit nasa tubig siya, patunay lang na naka lapit na ang daddy Jey niya, kaya ipinikit niya ang kaniyang mata at nag kunwari na siyang walang Malay. naramdaman niya naman ang pag bitaw ni Adi sa kaniyang Buhok kasabay ng pag layo nito. Kaya naman ay pasimple niyang nilagyan ng tubig ang kaniyang bibig at naramdaman na lamang niyang may mga Bisig na kumuha sa kaniya.
"Perla help me " sabi ni Jeppy upang maiahon sa tubig ang bata na kaagad naman sinunod ni Perla. Maging si Adi ay umahon narin at parang lantang gulay na napa upo kaagad sa malamig na semento dahil sa panghihina nito.
"Baby Baby Baby, Elice " tarantang banggit ni Jeppy kasabay ng pilit na pag salba sa bata kung ano na ginawa niya upang magising ang bata ngunit nanatili lamang itong walang Malay.
"Perla tawagin mo si Jun. Dadalhin natin sa Hospital ang anak Ko! " malakas na sabi ni Jeppy na kaagad namang nag pamulat kay Elice kasabay ng pag ubo nito dahil sa nalunok nito ang tubig na inipon nito sa kaniyang bibig.
"Elice! " gulat na sabi ni Jeppy at kaagad niyang nayakap ang kaniyang anak ng makita niyang nag mulat ng mata ito.
"Ayaw kopo sa Hospital " ani ni Elice habang inuubo parin kaya panay hagod naman si Jeppy sa likod nito.
"Yes baby Hindi na. " ani ni Jeppy at hinalikan sa nuo at pisngi ang kaniyang anak. Sobra siyang natakot , Natakot siya na baka mawala na ang kaniyang anak, ilang araw Pa lamang niya ito nakakasama at Hindi na niya kakayanin kung pati ang kaniyang anak ay mawala Pa.
"daddy Jey, gusto niya po akong patayin. Huhuhu kung Hindi po kayo dumating siguro po ay nalunod na po ako. I'm so scared daddy Jey " naluluhang sabi ni Elice habang naka turo na ito kay Adi.
Agad naman nanlaki ang Mata ni Adi sa Narinig.
"Hindi, No Babe that's not true, nag sisinungaling ang bata nayan! " nang-gagalaiti sa galit na ani ni Adi habang naka Turo ito kay Elice
"Perla paki dala sa loob si Elice " tiim bagang na sabi ni Jeppy habang nag liliyab sa galit ang mga matang naka tingin sa babae.
Dali dali naman lumapit si Perla upang buhatin ang kaniyang alaga at nang maka talikod na ang binata ay nakita Pa ni Adi kung pano siya nginitian ni Elice
"Babe let me explain nag sisinunga---aarg" Hindi na natuloy ng babae ang kaniyang sasabihin ng mabilis itong nilapitan ni Jeppy at sinakal sa Leeg
" papatayin muna kita, bago mo masaktan ang anak Ko! " ani ni Jeppy at mas lalong hinigpitan ang pagkaka sakal sa Leeg ng babae.
"Jeppy iho, tama na Yan Jusko mapapatay mo siya! " agad na sabi ni Manang Lara ng Maka labas ito ng Pinto , nasa kuwarto ito ni Jeppy upang mag linis nang maka rinig ito ng pag tili ng babae at mga sigawan kaya nag madaling bumaba at lumabas ang matanda kasama rin nito ang anak na si karmen
" talagang papatayin ko ang babaeng ito! Baka nakaka limutan niyo kung sino ako! Damn this Woman " galit na sabi ni Jeppy at buong lakas na itinapon nito sa Tubig ang babae. Bumama rin siya sa tubig at mahigpit na hinawakan ang buhok ni Adi, katulad ng nakita niyang ginawa nito kay Elice ay ginawa rin niya sa babae.
"Jusko, anak tama na !" Natatakot na sabi ng matanda at napa hawak na ito sa puso kaya napa sigaw na si Karmen dahil intake nanaman sa sakit sa puso ang kaniyang ina
"Inay ! Seniyorito si Nanay.! " umiiyak na sigaw ni Karmen kaya natigilan ang binata sa ginagawang pag papahirap kay Adi
Mabilis na umahon sa Tubig si Jeppy at kaagad na binuhat ang matanda. "Tawagan mo si Doc Kris !" Aniya na mabilis naman sinunod ni Karmen
Naiwan namang wala ng malay sa tubig si Adi ,dahil sa panghihina at sakit na dinulot ng pagkakasakal ng binata
"Kiko si Mam Adi tulungan mo " ani ni Karmen ng maka salubong niya ang lalake
---
" Elma!" Tili ni Sherin sa pangalan ng kaibigan ng sunduin nito sa Airport
"Sherin " naka ngiting ganti ni Elma ng makita niya ang kaniyang kaibigan
"Akala ko bukas kapa uuwi, nagulat ako sa pag tawag mo kanina" ani ng Kaibigan
"Namimiss kona masyado ang anak ko eh, kaya Hindi kona hinintay ang Bukas. " sagot niya
"So Hindi kana babalik ng Paris?"
" emmp siguro , at naka usap kona si Sir Sandoval pati si Mrs Vanessa, sa pag aari nilang hospital na ako mag tatrabaho" sagot niya
" maganda kung ganun" ani nito
" ang anak ko Best, kumusta siya? Excited na akong mayakap ang makulit Kong anak sobrang namiss ko, ngayon lang ako nalayo sa kaniya ng ilang araw"
" nandun kila Jeppy kasama rin si Perla. Mamayang hapon ay ihahatid rin ni Jeppy iyon" sagot ng kaibigan kaya natigilan siya ng marinig ang pangalan ng binata.
//Continue...
"Ang pag haharap nina Adi At Elma sa tagpong sasaktan na ni Adi Si Elice ABANGAN! "