Chapter -17

1028 Words
"Ikaw pala ang may ari nito? " naluluhang sabi ni Elma habang hinihimas ang nag iisang bagay na naiwan sa kaniya ng binata. Iyon ang isang business suit , hindi niya iyon nilabhan sa Loob ng mahigit anim na taon. Ngunit kahit na ganoon ay wala parin pag babago sa amoy n'yon, sobra niyang iningatan at itinago ang bagay na iyon dahil iyon ang nag iisang bagay na naiwan sa kaniya ng Daddy ng anak niya Hindi niya mapigilang mapa ngiti habang siya ay lumuluha dahil sa kaniyang naiisip, tignan munga naman ang mapag larong kapalaran. Hindi niya akalain na ang lalaking iyon ang tutulong sa kaniya, ang lalaking labis na nahumaling sa kaniyang kaibigan nuon ay ngayo'y siyang ama pala ng anak niya. Wala siyang maramdamang galit para sa binata dahil kung tutuusin ay utang paniya ang buhay niya sa binata , kaya labis siyang nag papasalamat at kung meron mang magandang naidulot ang isang gabing iyon ay 'yon ang dumating sa buhay niya ang isang napaka gandang anghel at mapag mahal na anak. Buo na ang disisyun niya, tutal ay naka usap narin niya ang Tita Betina niya na sa pilipinas nalang niya ipag papatuloy ang kaniyang trabaho Habang si Jeppy naman ay naka ngiting pinapanuod niya ang anak na pabalik-balik sa paglangoy sa Swimming pool , napaka bata palang ni Elice ay napaka galing na mag swimming Mag mula ng umalis si Elma ay palagi na niyang kasama si Elice araw-araw, hindi narin siya pumapasok sa kaniyang opisina dahil mas gusto niyang nakakasama niya palagi ang bata. Satwing uuwi siya sa kaniyang Penthouse o Condo unit niya ay dirin siya nag tatagal dahil kagaad niyang nami-miss ang bata. Namimiss niya lagi ang kadal-dalan nito , kung pao siya lambingin ng bata at ang pagiging Spoiled brat nito satwing may nakaka harap siyang ibang babae. Napaka bata palang ay marunong ng kumilatis ng tao. Napipili lang ang mga taong nilalapitan nito, at hindi na siya mag tataka kung bakit napaka possessive ng pag uugali nito. Marahil ay maging ang ugali niya ay namana rin ng anak niya Kasalukuyan silang nasa kaniyang bahay sa Paranaque dahil iyon ang kagustuhan ng kaniyang anak. Namimiss raw nito sina Manang Lara at Karmen, maging ang pag sakay nito sa kabayo ay hina hanap-hanap rin nito. Ayaw maniyang bumalik habang nasa bahay paniya si Adi, ngunit hindi naman niya matanggihan ang kaniyang nag iisang anak Hinahayaan na lamang niya si Adi na manirahan sa kaniyang bahay dahil alam niyang wala na itong ibang pamilya o kaibigan siya lamang ang meron sa babae, at kahit wala na sila nito ay hindi parin niya kayang pabayaan o paalisin ang babae. Labis parin niyang sinisisi ang kaniyang sarili dahil sa pagka sira ng buhay nito. "Daddy Jey hindi po marunong si Nana Perla mag swimming "tumatawang sabi ni Elice habang naka tuon ang atensyun sa Nana Perla nitong hirap na hirap sa pag langoy at pinag tatawanan ito ni Elice dahil mas nauuna Pa ang balakang nito sa pag pigkwas sa tubig kaysa sa paa nito, na animo'y isang bulateng mas nauuna Pa ang balakang sa pag taas kaysa sa ulo Pag gumagapang "Hi guys can I join " Si Adi na kakalapit lamang sa kanila. Naka suot lamang ito ng manipis na Short at tanging b*a lamang ang pang-taas nito. Walang ni isang sumagot dito kaya naupo na lamang ito sa tabi ng Binata "Babe paki lagyan naman ng likod ko" malambing na sabi nito kay Jeppy sabay abot ng hawak nitong Lotion "Ako na po! ako na po ang mag lalagay, Daddy Jey gusto ko po ng Strawberry juice" naka ngiting prisita naman ni Elice at binalingan nito ang binata. "Si Perla nalang ang kukuha" malumanay ngunit halatang nag titimpi lamang sa inis si Adi dahil sa pagiging pakelamera ng bata sa pag lalambing niya sa binata "No! nag pa-practise po si Nana Perla mag swimming don't disturb her, ako nalang po magaling po ako mag massage "sabi ng bata at napa taas naman ng kaliwang kilay si Adi ng hindi maka ligtas sa kaniyang mata ang pasimpleng pag irap ng Bata sa kaniya. "Okey baby, strawberry Juice lang ba? " ani ni jeppy at tumayo na ito "At chocolate cake po para saamin po ni nana Perla " naka ngiting sagot ng bata "Elice bakit mo inuutusan si Sir Jeppy? Ako nalang ako kukuha baby " agad na sabi ni Perla ng marinig nito ang sinabi ng kaniyang alaga. "No! d'yan kalang pag umalis kapo diyan nana, sasabihin ko po kay kuya Jun na may kina usap ka pong Boy duon sa Mall" kunwaring pananakot ng bata kay Perla na ikina tigil naman ng babae. Ang boy na tinutukoy ng alaga ay ang ex-boyfriend niya at hindi iyon dapat malaman ni Jun na Boyfriend niya dahil napaka seloso nito. " nako ikaw talaga g**g bata ka , Sir pasensya napo" hinging paumanhin ni Perla sa binata. "Akin napo ang lotion niyo po ako napo ang mag lalagay " baling ni Elice kay Adi. Naisip naman ni Adi na marahil ay ito na ang simula ,simula ng kaniyang plano upang mapa sakaniya ulit ang binata , ilang araw na niyang napag isipan mag mula ng prangkahin siya ni Jeppy. Sinabi ng binata sa kaniya na anak nito ang batang nasa Harapan niya , ayaw niyang mawala sa kaniya ang binata at gagawin niya ang lahat upang bumalik lang ang dating pag mamahal ng binata sa kaniya. At uumpisahan niya iyon kay Elice. Kukunin niya ang loob ng bata kahit gustong gusto na niya itong saktan. Kailangan niyang mapa-amo ang bata upang bumalik rin sa Normal ang pakikitungo sa kaniya ng Binata. Kaya naman ay ngumiti siya ng matamis sa bata sabay abot nito ng hawak na Lotion. "Wait po " agad na sabi ni Elice at pununta ito sa gawi ni Perla. Napa kunot nuo naman si Adi ng makitang may ibinulong ang bata sa yaya nito. " Nana may gagawin po ako, I'll do anything mapa alis lang po dito ang Froggy Adi na yan " bulong ni Elice kay Perla //continue ABANGAN ang pag haharap nina Adi at Elma. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD