Chapter -11.1

1107 Words
Kinuha na lamang ni Jepyy ang kaniyang Phone at ang kaniyang Wallet, hindi na siya naligo o nag bihis man lang dahil nag mamadali siya. Iniwan niyang naiinis ang babae sa kaniyang silid. At mabilis na bumama "Iho nag mamadali ka ata may problema ba? " ani ni manang Lara ng maka salubong niya ito. "Aalis po ako manang. Kayu napong bahala kaya Adi. " sagot niya " sa ganyang ayos? Aalis kang naka ganyan? " ani ng matanda ng mapa tingin ito sa Suot niyang Pajama at hapit na kulay puting T-shirt " opo manang. Sa mansyon nalang ako nila Tito maliligo. Nandito si Adi kaya Hindi ako matatapos kung dito Pa ako maliligo. Bye po manang " sabi niya at hinalikan sa Nuo ang matanda at tumalikod na "Sige mag iingat ka " pahabol Pa ng matanda. " manang saan pupunta si Jeppy? " naiinis na sabi ng Babae ng makababa ito. " hindi sinabi eh " kibit balikat namang sagot ng matanda. " manang may ibang babae naba si Jeppy? " agad na sabi ng babae na ikina tahimik naman ng Matanda " the he'll I kill them !" Ng gagalaiti sa galit na sabi ng babae kaya naman ay kinabahan ang matanda. Sa nakikita niya sa babae ay mukhang hindi Pa ito magaling. -- "Tito Leo pretty napo ba ako? " naka ngiting Tanong ni Elice sa katabi ni Elma Ngumiti ito at hinalikan sa Pisngi ang bata bago sumagot " ofcourse darling ako kaya ang nag ayos sayo kaya bonggang bongga ka inaanak " sagot naman ni Leo 6-AM palang ng umaga ay nasa bahay na sila nina Sherin dahil iyon ang kagustuhan ng kaibigan Para iisang sakayan lamang sila. Dalawang Van ang ginamit nila, ang isa ay para sa kanila ang isa naman ay Para sa mga Bodyguards "Leo paki pasok nasa sasakiyan Si Elice please, Perla ang nga gamit ni Elice ?" Ani ni Elma sa Dalawa "Nasa Van napo mam kasama ng mga gamit niyo po mam " sagot naman ni Perla. Habang nasa Biyahe ay tahimik lamang naka masid sa nadadaanan nila si Elma , iniisip niya kung tutuloy ba siya mamayang hapon sa Paris, Habang ang mag asawang Paul at Sherin naman ay pareho itong naka tulog, sina Sheryl at Elice lamang ang gising sa mga bata dahil sina Patrick at Kenneth ay naka tulog na rin. - "Oh insan hindi ka naman siguro nag lalakad ng tulog diba " birong sabi ni Paulo ng maka Salubong ito ni Jeppy. "Loko sina Tito Tita? " aniya "Natutulog Pa, hindi nga Jeppy bakit ganyan ang ayus mo? " natatawa paring sabi ni Paulo " tssk pano ba naman kasi Nandun si Adi sa Bahay. At gusto Kong maka habol kina Elma papuntang Mindoro. Kaya dito na ako mag bibihis. " naiiling na sagot niya. "Adi sinong Adi? Aba mukhang mas matindi kapa saakin ah." " she's not important at 'wag kanga d'yan saatin dalawa mas Womanizer ka. " sagot niya at tinalikuran na ito. Tinungo niya ang Goes room at duon na naligo at nag bihis. Pagkatapos ay bumaba na siya at nakita niyang nag aalmusal na ang dalawang mag asawang matandang Santiban "Oh iho narito ka pala. Hindi ko alam na dito ka pala natulog?" Ani ni Mr Pablo at ibinaba ang hawak na D'yario " Good morning titi, Tita. Kanina lang po ako dumating. Si Paulo ho? " sagot niya ng maka lapit siya sa Dalawa " umalis na kasama ni Romuel " sagot naman ni Donya Paulyn " ganun po ba, hindi napo ako mag tatagal tito Tiya aalis na ho ako " sabi niya at bumeso sa Donya. "Hindi kana ba mag aalmusal iho? " ani naman ni Pablo. "Hindi na may hinahabol po akong importante" iyon lang at lumabas na siya , tinungo niya ang kaniyang sasakiyan at pina harurut ito na para bang makikipag karera. "Kuya Rico! " masayang sabi ng kaibigang si Sherin ng maka pasok sila sa hindi kalakihang bahay ng mga ito. Sobrang namiss ni Elma ang lugar na iyon. Ang lugar kung saan siya isinilang at nagka isip, kahit napaka tagal na ng panahon ay wala parin pag babago sa Bayang Sinilangan niya. Tahimik at presko parin ang simoy ng Hangin "Aba nandito na ang mahal Kong pamangkin, mukhang asensadong asensado kana ah " ani ng pamilyar na boses ng babae na kahit napaka tagal na ng panahon ay hindi parin niya nalilimutan ang Boses ng kaniyang Tiya Rona. Ang nag papahirap at nanasakit sa kaniya nuon nung nasa poder Pa siya ng mga ito. Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay, wala parin pag babago ang kaniyang tiyahin mukha parin itong salbahe at sakim, kasama nito ang dalawa niyang pinsan na babae. pareho ring naka taas ang kilay na naka tingin sa kaniya. Kahit kailan ay wala siyang naramdaman na pag mamahal galing sa mga ito. Tanging Pananakit at pag papahirap lamang ang naramdaman niya sa mga ito. "Bakit? " malamig niyang tanong sa mga ito ng lingunin niya. " aba umasenso kalang nakalimutan muna kung sino ako at ng mga pinsan mo! " nang uuyam na sabi nito "Hindi syempre, kayu ang hinding hindi ko makaka limutan. Pano koba naman makaka limutan ang mga taong Sakim na tulad niyo. " naka taas kilay na sagot niya. " aba matapang kana ngayon ha! Ano bang pinag mamalaki mo? Eh naka tikim kalang ng kararampot na yaman nina Sherin at Sharina ay akala mona kung sino ka. ---- "Elma may problema ba dito? " ani ni Sharina ng maka lapit ito sa kanila. Lihim siyang nag papasalamat na lumapit ito dahil baka kung saan umabot ang bangayan nila ng Tiyahin. "Nako Sharina, wala iha kinu-kumusta kulang ang pamangkin ko. Ikaw iha kumusta kayo? Sobra kang gumanda ah. " ani ng Tiya Rona niya at pilit na ngumiti sa Harapan ni Sharina "Maayus naman ho. Mawalang galang na ho, maiiwan ho muna namin kayo. Hinahanap na kasi ni Elice ang mommy niya" sagot ni Sharina na ikina kunot nuo naman ng Tatlo " sinong Elice iha? " tanong ni Rona "Anak ko " malamig na sagot ni Elma "May anak kana? Pero wala kang asawa?! Aba'y mana mana nga naman oh. Namana mo ata ang kalandian ng nanay mo, nag pabuntis kapa talaga. Nakaka hiya ka " pauyam na sabi ni Rona na siyang. Lalong ikina Galit nina Elma at Sharina. " wala akong pakealam sa inyo kaya wag niyo narin akong pakealaman. Kung wala kayung magawa sa buhay Tiya Rona. Kagatin niyo po ang Siko niyo ! " ani ni Elma at tinalikuran na ang Salbaheng Tiyahin. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD