Matapos ang binyagan ay naisipan ni Elma dumalaw sa Puntod ng kaniyang mga magulang kasama niya rin ang kaniyang anak na si Elice.
"Hi po Lolo, hello po lola. I'm Your pretty apo po kumusta po kayu diyan? Kasama niyo napo pala si Papa God , 'Wag po kayung mag alala kay mommy ako na po ang mag aalaga po sa kaniya diba po mommy " ani ng anak at yumakap ito sa kaniya. Naka luhod siya sa puntod ng mga magulang at maluha luha niyang tinignan ang kaniyang anak.
Napaka swerte niya talaga sa kaniyang anak dahil kahit napaka bata Pa nito ay napaka talino naman at higit sa lahat ay sobra siyang mahal ng kaniyang anak. Na satwing may nag sasalita sa kaniyang masasama ay ito ang nag tatanggol sa kaniya.
"Iloveyou mommy wag kana po iyak, iiyak rin po ako " ani ni Elice kaya napangiti siya.
" I love you too anak. " sagot niya at binalingan ang lapida ng mga magulang.
Matapos mag alay ng dasal ay nag paalam narin sila.
Magka Hawak kamay sila ni Elice habang nag lalakad pabalik sa Bahay nina Rico dahil hindi naman iyon kalayuan sa bahay ng mga ito ang sementeriyo.
"Elma! " natigilan sa pag lalakad ang dalawa ng may biglang tumawag sa pangalan niya. Nilingon nila ito at kaagad naman niya nakilala ang mga ito.
"Wow akala ko kung sinong Ms Universe ang nakita namin. " sabi ng isa sa pinaka payat sa limang lalake
"Elma long time no see ah balita namin umasenso kana talaga. " ani naman ng walang damit na lalake na dinaig Pa ang pitung buwan na buntis sa laki ng Tiyan nito.
Lumapit ang pinaka leader ng lima. Matangkad ito Moreno at guwapo rin , at kung hindi siya nag kakamali ay mukha itong Basketball player
" Bonux " sambit ni Elma sa pangalan ng binatang lumapit sa kaniya.
Si BOnux ang Dating manliligaw ng kaniyang kaibigan na si Sherin. Ang kapatid naman nitong si Zonrox ay nanliligaw naman sa kaniya.
"Hi Elma nalaman naming dumating naraw si Sherin --
" Bonux may asawa't anak na ang kaibigan ko kaya --
"Alam ko, sisilipin lang naman namin saka gusto rin namin makita ang napang asawa niya. " putol ng binata sa sasabihin niya.
"Kuya bakit kayo tumigil? " sabi ng naka motor na lalaki nang maka lapit ito sa kanila. Hindi nito makita ang mukha ng babae dahil naka talikod ito kasama ng batang babae.
Habang si Elma naman ay kaagad na napalingon sa Lalaking nag salita sa Likod niya kasabay ng pag tigil ng makena ng Motor nito.
Napa tulala ang lalaki ng makilala siya nito habang nanlalaki ang matang naka tingin sa Kaniya. Habang siya naman ay kaagad niyang nakilala ang lalaki. Ito ang kapatid ni Bonux ang lalaking unang Naging Crush niya nung highschool Pa lamang siya ngunit kaagad nawala ang pag hanga niya dito ng malaman niyang playboy ito , niligawan siya nito ngunit hindi niya iyon pinansin dahil ayaw niyang mapa bilang sa mga babaeng niloko at pinag laruan lamang nito.
"Rox /Elma " halos magka sabay na sambit nila sa pangalan ng bawat isa.
"Oh napa tulala ka Bro, dyosang dyosa na ngayon ang dating Elma mo no " ani ni Bonux at nag apiran Pa ang mga ito.
"E- Elma pupunta kami kila Rico, nalaman naming durating kayo nina Sherin , kumusta kana? Ang tagal mong nawala dito sa Bariyo natin, la-lalo kang gumanda " sabi ni Zonrox o mas kilala sa pangalang Rox, bahagiyan Pa itong nauutal habang naka tingin sa Dalaga.
" ganun ba. Salamat, sige nag mamadali kasi kami ng anak ko " sabi ni Elma na ikina Gulat ng mga ito, dun lamang nila napansin na may batang babae palang kasama si Elma.
"Anak? May anak kana? " hindi maka paniwalang sabi ni Rox
"Ay hindi Kapatid niya ako! " sabat naman ni Elice.
"Nako utol sayang naunahan kana pala " sabi naman ni Bonux at tumawa ito ng mapang asar.
"Oo anak ko si Elice, sige mauuna na kami " ani ni Elma at ayaw na niya talagang makikipag usap sa mga ito dahil wala naman ibang alam ang mga ito kundi ang gumawa ng kalokohan
"Grabe ka naman Elma ngayon lang nga tayu nag kita -kita iiwasan mopa kami, parang dimo kami naging kababata ah " ani naman ng isang matabang lalakeng wala ring suot na Damit at May sigarilyo Pa sa bibig nito
"Hi bata. Napaka cute mo naman " ani naman ng lalaking may hawak na Bola. Pawisan ito at wala rin damit habang ngumunguya ng Bubblegum
"Ew! Don't Touch me Frog !" Inis na sabi ni Elice ng kurutin siya ng lalaki sa pisngi
"Aba'y inglisera pare. " sabi ng matabang lalaki
" oo nga naman napaka Cute naman ng anak mo Elma " ani naman ni Bonux at naki kurot rin sa pisngi ni Elice.
"Ew! I said don't Touch me ang papangit niyo! " nang gigil na sabi ni Elice at buong lakas nitong sinipa ang Ari ng matabang lalaki.
"Aray! P*tang*na kang bata ka! " daing ng matabang lalaki habang naka hawak sa Gitna nito.
"hahaha masakit ba Pare. " natatawang sabi ni Bonux at hinakbayan nito ang batang si Elice
"Sayang po guwapo ka sana kaso ang baho mopo " ani ni Elice at Tiningala si Bonux.
"Bonux tama na wag niyo pag tripan ang anak ko at alisin monga Yang kamay mo sa balikat ng anak ko! " ani ni Elma at tinabig ang kamay ng binatang naka hakbay sa Braso ni Elice.
"Aray! P*tang*na " daing naman ni Bonux ng kagatin ni Elice ang daliri nitong naka patong sa Balikat ng bata
"Kuya tama nayan! Elma pasensya kana ha " ani naman ni Rox
"Ikaw bata ka ! Pag hindi ako nagka anak lagot ka saakin! " sabi ng matabang lalaki.
"Bordo tama nayan bata lang yan! " sabi ni Rox sa matabang lalaki.
"hey what's a problem ?" Ani ng baritonong boses ang umagaw sa atensyun nila.
"Daddy Jey! " agad na sabi ni Elice ng malingunan nito ang nag salita. Patakbo itong lumapit kay Jeppy kaya lumuhod saglit ang binata upang salubungin ang yakap nito.
"Buhatin mopo ako " ani ng bata habang naka yakap kay Jeppy.
"Jeppy anong ginagawa mo di---
Hindi na natuloy ni Elma ang sasabihin ng bigla siyang halikan ni Jeppy sa Labi. Sa harap mismo ng anim na kalalakihan.
"Daddy gutom kananamn poba? " naka ngusong sabi ni Elice kaya natigilan sa pag halik si Jeppy sa labi ni Elma.
" Elma aalis na kami, kuya tara na " ani ni Rox na tinanguan naman ni Elma habang hindi naka tingin sa mga ito
"Wait! Wala naman kayung ginawa sa asawa at anak ko diba? " naka taas kilay na sabi ni Jeppy sa mga ito na ikina iling naman ng Mataba..
"Wa-wala , wala sir tara na Bonux " ani ng payat na lalaking may Sigarilyo sa bibig.
Kilala ng mga ito si Jeppy dahil, sino ba naman ang hindi nakaka kilala sa isang sikat na Jeppy Dalgan isang sikat na Negosyante. At laging lamang ito sa social media Maging ng Television sa mga balita.
"Asawa ha? Kailan mopa ako naging asawa? Ikaw ha nakaka rami kana ng halik. Basta basta ka na lang ng hahalik " ani ni Elma sabay kurot sa tagiliran ni Jeppy ng maka alis na ang anim na mga lalaki.
"Aray! Baby oh si mommy sinasaktan ako " naka ngiwing sumbong ni Jeppy kay Elice.
"Bad kapo kasi eh. Kinakain mo nanaman lips ni Mommy. " naka busangot na sagot ni Elice.
"Mommy uwi napo tayu. Gutom napo si Daddy Jey " baling ng bata kay Elma.
"Ikaw lalaki ka! kapag binuko ka ulit ng anak ko mamaya. At mapapahiya nanaman ako lagot ka saakin " gigil na sabi ni Elma at kinurot ulit sa tagiliran ang binata.
//continue