Chapter -13

1326 Words
" Elma sigurado kaba? "Ani ni Sherin sa kaniya ng sabihin niya ang oras ng alis niya sa araw na iyon. Hihintayin niya lang sumapit ang alas-syete ng gabi dahil iyon ang kinuha niyang oras ng Kaniyang Flight. "Oo best. Ipag kakatiwala ko muna sa inyo ang anak ko , hindi rin naman ako mag tatagal ruon eh dahil aaysusin kulang yung mga dapat Kong ayusin sa pag alis ko sa Trabaho , pag okey na ay babalik rin ako basta wag niyu lang pabayaan si Elice. ", sabi niya habang naka tingin sa kaniyang anak na inaayusan ng asawa ni Rico "Okey, nasabi muna ba kay Elice na aalis ka? Baka hanapin kaniya? " ani ng Kaibigan habang panay parin ang lamon nito sa Hawak na Suman. " oo nasabi kuna. Sinabi kulang na may Trabaho ako at hindi ako makaka uwi ng ilang araw " sagot niya "Bunso pupunta kami sa Bahay sasama kayo? " ani ni Sharina habang palapit ito sa gawi nila kaya natigil sila sa pag uusap. " oo naman namiss korin ang Dating bahay natin nila nanay eh. " sagot ng kaibigan at binalingan siya nito. "Ikaw Elma sasama kaba? " ani nito Umiling siya at ngumiti "Hindi na Best mag papaalam narin ako kina kagawad at kuya Rico. " aniya kaya tumalikod na ang dalawa. "Aalis ka? " ani ng pamilyar na boses ang nag pahinto kay Elma sa akmang pag talikod niya. "Jeppy?" Aniya ng maka harap siya sa binata "Aalis ka? " pag uulit ng binata, marahil ay narinig nito ang usapan nila ng kaibigan tungkol sa kaniyang pag alis. "Ha? Ah oo, mamaya ang Flight ko pabalik ng Paris. Marami akong naiwang importante duon, isa na ang trabaho ko-- "Pano si Elice? " putol ng binata sa sasabihin paniya. Saglit siyang Naki pag titigan sa binata, ngunit siya rin ang unang bumawi, hindi niya alam kung tama ba ang nabasa niya sa mga mata nito o nag mamalik-mata lamang siya Pag tutol at kalungkutan ang nakita niya sa mga mata ng binata. " iiwan ko muna siya kina Sherin, hindi naman ako mag tatagal duon. Aalis ako sa pinag tatrabahuan ko sa maayus na paraan kailangan kupang maki pag usap kay Tita Betina at ayusin ang mga naiwan ko duon " mahabang paliwanag niya. Ewan baniya kung bakit Pa siya nag papaliwanag sa binata. Samantala hindi naman kailangan. Tumango ang binata bago sumagot "siguradihin mulang na babalik ka pag naayus muna dahil, susundan ka namin duon ni Elice " ani ng binata na ikina taba naman ng puso niya. Pakiramdam niya tuloy ay napaka halaga niya sa Binata Lumapit ito at niyakap siya ng buong higpit na buong puso naman niyang tinanggap at niyakap rin niya pabalik ang binata. Matapos ang sandaling usapan ay nag paalam narin siya sa mga kasama dahil kailangan niyang maka habol sa kaniyang Flight patungong Paris. "Anak be a good girl okey, wag kang pasaway sa mga ninang at ninong mo. " aniya sa anak at hinalikan ito sa pisngi. "Opo mommy good girl po ako, 'wag po kayung matagal ha I love you mommy " ani ng anak at yumakap ito sa kaniya. Nasa Airport na sila upang ihatid siya nina Sherin at ang asawa nito, maging si Jeppy ay sumama rin habang buhat nito ang kaniyang anak Bumaling siya kay Jeppy at ngumiti siya ng matamis sa binata " Jeppy salamat " sabi niya at akmang tatalikod na siya ng bigla siyang hilain ni Jeppy hawak ang kaniyang Siko. Kaya nayakap siya nito patalikod. "Huwag kang mag tatagal sweetheart " bulong ng binata sa kaniya at ramdam niya ang pag halik nito sa kaniyang leeg kaya napa pikit siya "Aheem sige na Elma, kami na ang bahala kay Elice mag iingat ka. " ani ni Sherin kaya para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Agad siyang napa hiwalay sa binata at walang lingong nag patuloy siya sa pag lakad. "Mommy I love you " rinig niyang sigaw ng kaniyang anak kaya napa lingon siya sa mga ito, ngumiti siya at nag flying kiss sa kaniyang anak -- "Manang si Jeppy bumalik naba? " ani ng babaeng kaka pasok lamang sa Bahay ng Binata , nadatnan niyang nag hihiwa ng kalabasa si Manang Lara sa kusina, napa angat naman ng ulo ang matanda at napa tigil ito sa ginagawa. "Mam Adi, mula kaninang umaga hindi parin naka balik ang Seniyorito. Baka hindi napo iyon makaka uwi ngayon --- "Lagi bang wala dito sa bahay si Jeppy? " naka taas kilay na ani ni Adi sa matanda "Dalawa minsan tatlong beses lang nakaka uwi dito si Seniyorito sa isang buwan mam " sagot naman ni Manang Lara at napa tingin ito sa dalang maleta ng panauhin. Marahil ay napansin ng babae ang pag tataka sa mukha ng matanda kaya nag salita ito "Paki dala itong mga Gamit ko sa kwarto ng Boyfriend ko " ani ng babae at tinalikuran na ang matandang nag pipigil lamang sa inis. Mula paman nuon ay mainit na ang dugo ni manang Lara sa babae, hindi niya ito gusto para sa kaniyang alaga. Dahil sa sobrang kaartihan at napaka sama Pa ng ugali , Ngunit wala siyang magawa kundi ang sumuporta nalamang sa Kung anong Disisyun ng binata. - Sa kabilang banda naman ay ginabi na ng uwi sina Jeppy maging ang mga kasama nitong pumunta ng Mindoro, naka tulog narin ang mga bata dahil sa haba ng Biyahe at taging siya lamang ang nanatiling gising, siya narin ang nag maneho ng sinasakiyan nilang Puting Van. "Jeppy paki dala nalang si Elice sa Kwarto ni Sheryl, ipina handa kona rin ang Goes room dito kana matulog. Masyado ng gabi kung mag mamaneho kapa pauwi " ani ni Sherin sa Binatang buhat buhat ang natutulog na si Elice. Tumango na lamang siya at tinungo na ang kwarto ng mga bata. Nang mailapag na niya ang bata ay tinitigan niya ito ng ilang minuto hanggang sa Sumilay ang ngiti Sa kaniyang labi. Parang kailan lang na tinutukso siya ng kaibigan niyang si Alan na magiging matandang binata na siya dahil malapit nanga siya mag Forty ay wala parin siyang asawa at anak, ngayon ay heto siya . Nakatitig sa mala anghel na mahimbing na natutulog na si Elice. "Daddy's love you too much my princess, babawi ako sa mga panahon at oras na hindi mo ako naka sama, ang lahat ng Akin ay para sainyo lamang ng mommy mo anak " mahinang sabi niya sa natutulog na bata, hinalikan niya ito sa Nuo bago tumayo at lumabas na ng Silid ng mga ito. Kina umagahan " Daddy Jey, Daddy Jey open the door! daddy Jey !" Ang matinis na boses ni Elice ang nag pagising kay Jeppy, napangiti kaagad siya dahil sa naisip niyang, ganun pala ang pakiramdam kapag ang Boses kaagad ng anak mo ang unang maririnig mo sa umaga. Bumangon siya at hindi na nag abala pang mag hilamos, kinuha nalang niya ang kaniyang damit at isinuot iyon . Pagka tapos ay tinungo niya ang Pinto upang pag buksan ang kanina pang tawag ng tawag sa kaniya. "good morning baby --- "Ang tagal niyo pong buksan ang Pinto. " naka busangot nitong sabi kaya napangiti siya at ginulo niya ang buhok nito. "Okey I'm sorry, masarap lang tulog ni Daddy Jey. -- "Gawaan mopo ako ng corned beef omelette, tulog papo sina ninang, si Nana Perla po ay diko po alam kung saan po ang maidsroom . " sabi ng bata, kaya napa kamot siya ng kaniyang ulo at napatingin sa Orasan na nasa bisig niya. Napa maang siya ng makitang alas-singko palang ng umaga. 'Napaka aga naman magising ng anak ko , teka pano ba mag luto ng Corned beef omelette? Naloko na wala akong alam sa pag luluto ' pag wawala ng kalooban niya //Continue.. *** (GO JEPPY! HAHA first-time mag request ang anak mong ipag luto mo siya ng paburito niyang Breakfast ??)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD