Chapter -13.1

1195 Words
"Watch me baby, ipag luluto ka ni Daddy Jey mo okey " naka ngiting sabi ng binata kay Elice. Kahit kinakabahan man ay susubukan parin niyang maipag luto ng Breakfast ito. Wala siyang alam sa Pag luluto kahit simpleng pritong itlog lang ay hindi paniya maipasa. Naalala paniya ang minsang sinubukan niyang mag Luto ng kaniyang sariling ulam. Kamuntikan ng Bumaha ng Sabaw sa kusina dahil sa Dami ng Tubig na nailagay niya samantalang gusto lang naman niya mag luto ng Sinigang. "Yes po daddy Jey behave lang po ako dito " inaantok pang sabi ni Elice. At nilagay ang hawak na Teddy bear sa lamesa at duon ipinatong ang kaniyang ulo. Habang si Jeppy naman ay pilit inaalala kung pano mag luto ng Corned beef omelette si Elma nuon. At iyon ang ginaya niya. Nag prito muna siya ng Anim na itlog at napangiwi Pa siya ng makitang sunog na agad ang ilalim ng itlog , ng mabaliktad niya na ang scramble eggs ay tinungo niya ang cabinet kung saan naka lagay ang mga Delatang Corned beef. Napangiti siya ng makita niya ang hinahanap , ngunit sa kaniyang pag balik ay nakita niyang umuusok na ang kaniyang nilulutong itlog. Kaya dali dali siyang lumapit dito para patayin ang apoy. "Damn " sambit niya ng makitang sobrang itim na ng pritong itlog na niluluto niya. Napalingon siya sa gawi ni Elice. Nakita niya itong naka tulog na ulit sa kakahintay ng almusal nito. "Jusko! Jeppy susunugin mo ata ang bahay namin! " nag mamadaling sabi ni Sherin ng maka pasok ito ng kusina " eh kasi " hindi alam ni Jeppy kung ano ang sasabihin sa babae ,napapakamot na lamang siya ng kaniyang kilay. "Mag piprito ka ng itlog ng walang mantika? "Kunot nuong sabi ni Sherin nang maalala nitong hindi Pa nila nabubuksan ang galon ng mantika "Kailangan ba may mantika? " nahihiyang sabi ni Jeppy "Jusko! Ano ba lulutuin mo? Ako na ang gagawa. Hindi Pa umabot ng limang araw ang bahay namin susunugin mona kaagad" ani ni Sherin at tinalikuran na siya nito. Nang maka bawi sa pagka pahiya ay napa buntong hininga na lamang siya bago nilapitan ang anak na tutulog. Binuhat niya ito at ibinalik ulit sa kwarto Pag-katapos ay bumalik siya sa kwartong inuukopa upang maligo nang matapos ay bumalik siya sa Kwarto ng mga bata upang silipin si Elice. Napangiti siya ng makitang gising na ang kaniyang anak. Naka upo ito sa kama habang naka pikit 'Ano naka pikit ? Tulog ba ito o gising na? ' pagtataka ng isip niya. Walang ingay siyang pumasok ng silid at naupo sa tabi ni Elice . Mukhang tulog nga ito dahil hindi man lang nag mulat ng mata nang maupo siya sa kama. "Elice " sambit niya sa pangalan nito. Ngunit hindi parin ito nag mumulat. Akmang hahawakan niya ito sa balikat upang ihiga ulit ng biglang tabigin nito ang kaniyang kamay, napa maang siya sa ginawa nito dahil malakas ang pagkaka tabig nito sa kaniyang kamay. "Elice baby " sambit niya ulit sa pangalan nito. Nakita niyang kumunot ang nuo nito habang naka pikit parin kaya hindi naniya napigilang haplusin ang makapal at maitim nitong kilay. Dahil sa ginawa niya ay napa mulat ito ng mata, at naka tulalang naka tingin sa kaniya "Good morning my baby princess " naka ngiting sabi niya at hinalikan niya ito sa pisngi. Mukha naman itong nagising sa ginawa niya. "Daddy " malambing nitong sabi at yumakap Pa ito sa kaniya. " magandang umaga po Sir, good morning baby " ani ng babaeng kakapasok lamang kaya napa lingon siya rito. "Morning " tipid niyang sagot ng makitang si Perla ang pumasok "Baby Ready na ang Breakfast mo. Maligo ka muna bago bumaba okey " malambing na sabi ni Perla sa alaga. " morning too po nana, daddy ligo po muna ako wait niyo po ako ha sabay po tayu mag breakfast " ani ng bata at humiwalay na ito sa pagkaka yakap kay Jeppy - "Manang wala paba si Jeppy? Hindi ba siya umuwi kagabi? " ani ni Adi ng maka baba ito ng hagdan at nakita nito si Manang Lara na nag lilinis ng Salamin. Sandaling natigilan ang matanda bago nag kibit balikat na sumagot "hindi siya umuwi --- Hindi na natuloy ng matanda ang sasabihin ng padabog itong tinalikuran ng dalaga. " sana hindi na muna umuwi si Jeppy dito " piping dalangin ng Matanda habang napapailing na naka tingin lamang sa babaeng palakad palayo patungo n Kusina. "Manang! " sigaw ni Adi, kaya dali daling lumapit ang mag inang Lara at Karmen "Bakit po mam" magalang na tanong ng dalagang si Karmen "Manang ano ang number ni Jeppy at ng Secretary niya ?!" "Hindi namin alam --- Hindi na matuloy ni Manang lara ang sasabihin ng bigla itong sampalin ni Adi "Sinungaling! " sigaw ng babae sa matanda "Sumusobra napo po kayu mam Adi! Anong karapatan niyong saktan ang nanay ko?! " pagalit na ani ni Karmen sa babae. "Lumalaban kayo? Baka nakaka limutan niyong girlfriend ako ng amo niyo! ---- "Hindi namin iyon nakaka limutan. Pero sumusobra na kayo! Hindi ikaw ang nag papasahod saamin kaya wala kang karapatan na saktan kami lalo na ang nanay ko! " galit na sabi ni Karmen at inalalayan palabas ng kusina ang matandang ina "Mga walang silbi! " pahabol na sigaw ni Adi sa mag inang palabas ng kusina , hindi na siya nilingon ng mag ina . Galit na galit siya dahil ilang beses na siya pumupunta ng bahay ay wala ang binata. Nang makita naman niya ito ay nag mamadaling umalis , kaya naisipan niyang duon muna tumira sa bahay ng binata dahil kapag umuwi ang binata ay makikita na niya ito at makaka-sama. Hindi naman niya alam kung saan hahanapin ang binata dahil sa napaka Daming Properties nito at negosyo ay diniya alam kung saan niya ito unang hahanapin, wala naman siyang alam na kaibigan ng binata o ibang kamag anak nito dahil ang alam niyang Jeppy ay tanging negosyo lang ang inaatupag kaya wala itong kaibigan. - " daddy Jey nanaginip po akong pinag luto mopo ako ng favorite breakfast ko po" ani ni Elice ng maka upo na ito sa tabi ni Perla. Napa maang naman si Jeppy dahil sa narinig. Hindi niya inaakala na panaginip lang para kay Elice ang kaninang pag papaluto nito. Samantala kamuntikan na siyang maka sunog "Ganun ba, sige mag pa- practice ako mag luto para mai-pag luto kita ng Breakfast mo nextime " sagot niya bago humigop ng mainit na Kape "Sherin, mamaya hihiramin kulang si Elice, isasama ko siya sa Bahay kasama rin si Perla. --- Hindi na natuloy ni Jeppy ang sasabihin ng biglang mag salita si Elice "Talaga po Daddy Jey isasama mo po ako sa House niyo po ? Yehey! " masayang sabi ni Elice "Kami rin po Tito " sabat naman ni Patrick "No anak ,dahil pupunta tayu kila Grandpa mo " ani naman ni Paul sa anak. "Sige Jeppy basta tumawag kalang pag may problema, baka bukas Pa makaka tawag si Elma eh " sagot naman ni Sherin na ikina tango naman ng binata. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD