Chapter -14

1615 Words
"Good morning po sir " halos mag kakasabay na bati ng mga empleyado ng maka pasok sina Jeppy habang hawak kamay silang nag lalakad ni Elice kasabay si Perla na may dalang Shoulder bag na hindi naman kalakihan para lamang sa importanteng gamit ng bata Tuloy tuloy lang sa pag pasok ang tatlo habang ang mga empleyado ay nagulat at nag taka dahil sa nakita nilang may kasamang bata ang kanilang Boss. Ang sobrang ikina gulat ng mga ito ay sobrang magka mukha ang boss nila sa kasama nitong bata. "Napaka Cute naman nung bata, anak kaya yun ni Boss? "Hawig na hawig ni boss, baka nga anak niya "Nako may anak na pala si Boss, akala natin nuon lalaki ang gusto ni boss dahil wala man lang tayung nakikitang Girlfriend niya " eh yung kasama nilang babae. Yun ba ang mommy ng bata. Ew! It's so Baduy hindi sila bagay ni Boss. "Mag sitigil kayo at bumalik na kayo sa trabaho niyo! " malakas na sabi ng Assistant manager sa mga kasamahang empleyadong nag chi-chismisan "Wow daddy Jey dito kapo nag wo-work napaka laki naman po at ang ganda " manghang sabi ni Elice habang nililibot ang tingin sa loob ng Opisina ni Jeppy. Matanda iyon dahil lahat ng mga Dekorasyon ay kulay Golden "Yes baby at kapag malaki kana ay magiging sayo lahat ng mga ito " maka hulugang sabi ni Jeppy na ikina kunot nuo naman ni Perla. Samantala natuwa naman ang bata dahil sa narinig. "Talaga po? Dito rin po ako mag wo-work makakasama po kita dito daddy Jey? " inusenteng sabi ni Elice Ngumiti at tumango si Jeppy kasabay ng pag buhat niya sa bata bago sumagot "Lahat lahat baby, lahat ay magiging sayo " sagot niya at hinalikan niya sa pisngi ang bata. Ilang minuto lang silang nasa loob ng opisina ay lumabas na sila nang makuha na ni Jeppy ang mga Document na dapat niyang kunin sa Opisina. " Meira cancel my all appointment. Hindi ako papasok ng ilang araw, ipadala mo na lang kay Kiko ang lahat ng mga dapat Kong pirmahan " aniya ng matapat sila sa Desk ng Secretary "Copy Boss " sagot nito habang kay Elice naka tingin. "Hi ang pretty mo po " naka ngiting sabi ni Elice sa secretary kaya napangiti rin ito. "Ang cute mo naman at ang pretty morin anong pangalan mo? " ani ng babae at lumuhod Pa ito para ipantay ang sarili kay Elice "Elice po ate Pretty " naka ngiting sabi ng bata at hinalikan Pa nito sa pisngi ang babae. "Oowh ang sweet mo naman. I'm Ate Meira " sagot nito. "Let's go, Meira ikaw na ang bahala dito. Tawagan mulang ako or si Alan okey " sabi ni Jeppy at binuhat na ang bata. "Okey po Boss " sagot ng babae. "Bye ate pretty " naka ngiting sabi ni Elice at nag flying kiss Pa ito na ikina ngiti lalo ng babae. "Hello Jun nasaan ka? " tanong ni Jeppy sa kaniyang Driver na tauhan rin ng mga Santiban. ? Nasa bahay ho nila Seniyorita Paula Boss. Bakit ho? " tanong ng nasa Linya "Sumunod ka sa bahay ko sa Paranaque at bumili ka ng Italian Foods at dahil mo sa bahay" sagot niya at ibinaba na ang tawag. ayaw na niyang abalahin Pa si Manang Lara na mag luto pa kaya nag pabili na lamang siya. "Wow Sir napaka lawak naman po ng Sunflower farm niyo po dito napaka ganda " hindi na napigilan ni Perla ang sarili dahil sa Sobrang pagka mangha dahil sa mga magagandang tanawin sa Malawak na lupain ng mga Dalgan , nag gagandahang matatas at malalaking Sunflower ang nadadaanan nila. Sa Magka Bilang Gilid naman ng Gate ay mayroong dalawang puno ng Mangga "Daddy ang laki po pala ng House niyo po " ani naman ni Elice ng papalapit na sila sa tapat ng malaking bahay na pag aari Pa nuon ng tatay ni Jeppy na si Julio. Ipina renovate iyon ng binata ngunit hindi parin niya ipina tanggal yung mga lumang decoration na pag aari ng tatay niya. "Bahay ito nuon ng lolo Julio mo , Perla kung ano man ang mga narinig mo ay wag muna banggitin kay Elma okey. "Opo sir " sagot naman ng babae. - Nagising si Adi dahil sa may naulinigan siyang sasakiyan kaya agad siyang napa bangon ng maisip na dumating na ang binata. Tinungo niya ang bintana upang silipin ang dumating. Ganun na lamang ang laking tuwa niya ng makitang bumaba ng sasakiyan ang binata. Ngunit nawala rin ang matamis na ngiti sa kaniyang labi ng makitang umikot ang binata sa kabilang binto upang pag buksan kung sino man ang kasama nito. Napa taas siya ng kaliwang kilay ng makitang may bumabang babae, simple lamang ito naka suot lamang ng Pantalon na maong at naka blue T-shirt lang habang naka lugay ang buhok nitong hanggang dibdib ,hindi rin katangkaran ngunit matanda ito at morena . Dali dali siyang lumabas lumabas ng Silid upang maka harap ang mga dumating. Pag baba Pa lamang niya ng hagdan ay agad siyang napa kunot nuo ng makitang hindi lang pala babae ang kasama ng binata dahil may kasama rin itong Batang babae. Ngunit ang mas lalong ikina pag taka niya ay kamukha ng binata ang batang kasama nito. "Seniyorito " unang lumapit ang mag inang Lara at Karmen. "Nako ito naba siya iho? " ani ni manang Lara ng mapa tingin ito kay Elice. Tumango naman ang binata at ngumiti " opo manang" sagot niya "Napaka gandang bata " ani ng matanda at lumapit ito kay Elice "Hello po mano po Lola, ikaw po ba mommy ni Daddy Jey " ani ng batang si Elice na ikina ngiti naman ng matanda. "Parang nanay narin " naka ngiting sabi ng matanda. "Ang cute mo naman" ani naman ni Karmen at pinang gigilan ang matambok na pisngi ng bata. "I know po what's your name po Ate? "Naka ngiting sabi ng bata "Ah eh ako si Ate karmen at ito naman ang nanay ko si Nanay Lara. " sagot ng Dalaga "Nanay morin po siya? Sibling kapo ni Daddy Jey? " inusenteng tanong ng bata. Tumawa naman ang matanda habang ang dalaga naman ay hindi alam ang isasagot. Pano ba niya itatama ang maling akala ng bata. Napabaling naman ang tingin ng mag-ina sa dalagang katabi ni Jeppy. Na kaagad naman napansin ng binata ang pag tatanong sa mga mata nito. "siya nga po pala si Perla ang Nani ni Elice " pag papakilala naman ni Jeppy sa kasama nilang babae, tumango na lamang si Perla at ngumiti sa mga ito. Kaya nagka tinginan ang mag-ina dahil ang akala nila ay ito na ang nanay ng bata "Babe bakit ngayon kalang kahapon Pa kita hinihintay dito!? " naka halukipkip na ani ni Adi habang palapit ito sa kanila. "Adi? " kunot nuong ani ng binata ng makita niya ang babae "Oh bakit gan'yan ang mukha mo Babe hindi kaba natutuwa na nandito ako? " kunwaring pag tatampo ng babae at ng makalapit ay yumakap ito sa kaliwang Braso ng binata na akala mo'y isang sawang kumapit sa binata, at ipinatong Pa nito ang ulo nito sa balikat ng binata. "No I mean, anong ginagawa mo dito? " pag tataka ng binata dahil naka suot lamang ito maong na Short at long-sleeve shirt na kulay pula. "Dito muna ako para maka sama kita satwing uuwi ka . I miss you babe " pag lalambing Pa nito sabay halik sa pisngi ng binata. " stop Adi! Hindi moba nakikitang may mga kasama ako!?" Ani ng binata at inalis ang naka pulupot na braso ng dalaga "Bakit sino ba sila? bakit hindi mo sila ipa kilala saakin para naman makilala korin sila " ani ni Adi at tinignan mula ulo hanggang paa si Perla bago inirapan na siyang ikina asim naman ng mukha ng mag-inang Lara at karmen. Pagka tapos ay bumaling naman ito kay Elice. Napa taas Pa ang kaliwang kilay ni Adi ng biglang mamewang sa Harapan niya ang bata habang nakiki pag taasan rin ng kilay sa kaniya. 'Tssk bubwit! ' asik ng kalooban ni Adi, kapag kuway ay ngumiti ng pilit sa bata at gusto niyang ipakita sa binata na kunwaring mahilig na siya sa bata "Adi siya si Elice, at ito naman ang Nana Perla niya please be kind to them " ani ng binata. "Ano mo ang Daddy Jey ko? " naka taas kilay na sabi ng bata. Na ikina asim naman ng mukha ng babae. "Daddy? " paninigurado ng dalaga at bumaling ito kay Jeppy. "Adi not now. " ani naman ni Jeppy na ikina taas naman ng kilay ng babae bago binalingan ang bata. "Girlfriend ako ng Daddy Jey mo " ani ng babae at ngumiti ito "Friend lang pala. So back of! " mataray na sabi ng bata. Na mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi ng babae. "Girlfriend hindi Friend" pag uulit ng babae. "Babaeng kaibigan! Naiintindihan kopo kaya wag niyo napong ulitin, daddy Jey buhat muna po ako " ani ng bata at tiningala ang binata. "Manang paki sabi kay Kiko na ilabas si Blockster, tuturuan ko manga-bayo ang baby Elice ko " naka ngiting baling ni Jeppy sa matanda. "Sige iho " sagot nito at tumalikod na. Nag lakad narin sina Jeppy habang buhat buhat niya si Elice at naka sunod naman dito si Perla na ng pipigil tumawa dahil sa naging reaksyun ng mukha ng babaeng si Adi. Naiwan namang nag pipigil sa galit ang babae habang naka kuyom ang kamao. "May araw karing bata ka! " nang gigigil nitong sabi habang naka tingin sa tatlong papalayo. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD