Chapter -15

1630 Words
"Daddy Jey ang galing po hindi po tayu nahulog " pumapalak-pak Pa sa sobrang Tuwa ang bata ng maka baba ito ng kabayo "Magaling tayu eh " naka ngiti pang sagot ni Jeppy at naki pag apiran kay Elice. "Lagi kitang tuturuan manga-bayo dahil kapag malaki kana ay lahat ng mga ito ay magiging sayo Anak " naka ngiti ngunit mahina lamang na sabi ni Jeppy. "Sana po ikaw nalang po talaga ang totoo kopong Daddy , super love na love po kita Daddy Jey " naka ngusong sabi ng bata at yumakap ito . " bakit ayaw muna ba makilala yung totoo mong daddy? " "Ayaw napo, sabi po kasi lagi ni mommy sira ulo daw po yung totoo kopong daddy. Ayaw kopo duon dahil may sira po pala ang Ulo. Ikaw po wala pong sira ang ulo niyo po diba po? " ani ng bata na ikina tawa ng binata at ginulo ang buhok nito bago halikan sa Nuo "Babe dumating na si Jun, Ready na ang Lunch " tawag sa kanila ni Adi kaya napalingon sila dito. Sobrang inis na inis naman si Adi dahil ang gusto lang naman niya ang makasama ang binata at pag laanan siya nito ng oras dahil sobra niya itong na miss at sobrang mahal na mahal niya ito , kung kailan namang umuwi ang binata ay para naman siyang Hangin dito na hindi man lang nakikita nito, oras lang ang gusto niya ngunit mukhang hindi Pa iyon maibigay ng binata dahil laging nasa Bata ang atesyun ng binata. "Wow my Favorite Chicken Parmesan and Zafferano! Wooo! PAtacon " nanlalaking matang ani ni Elice ng makita ang kaniyang paburito at iba't iba pang pagkain na nasa Lamesa na purong Italian at Paris Food ang ipina bili ni Jeppy. Nalaman niya ang mga pabuti ng bata dahil nag tanong ito kay Perla kung ano ang Gusto at hindi gusto ng kaniyang anak. "Come napo lola Join us, ate Karmen dito kapo sa tabi ni Nana Perla , ikaw Ading duon kapo sa Tabi ni Kuya Jun " ani ni Elice na ikina asim naman ng mukha ng dalawang babae. Sina Adi at Perla dahil ayaw ni Adi, gusto niyang katabi niya kumain si Jeppy. Si Perla naman ay ayaw niyang maka tabi ng kaniyang Boyfriend ang babaeng kanina Pa niya kina iinisan. Sa kanilang lahat na nasa Dining area ay akala mo'y isang matanda kung maka pag utos si Elice sa kanila. Naupo ito sa kandungan ni Jeppy habang katabi naman ng binata si Manang Lara at sa kaliwa naman ay si karmen. Naiinis man ay wala ng nagawa si Adi kundi ang maki tabi nalang kina Kiko at Jun. Ganadong ganado kumakain si Elice dahil mga paburito niya ang mga naka lagay sa lamesa. Habang si Adi naman ay halos hindi niya malunok ang pagkain dahil sa nag babagang galit . Nang matapos kumain ay nag kunwari pang nahihilo si Adi. Humawak ito sa kaniyang ulo upang kunin ang atensyun ng binata. Ngunit nabigo nanaman ito dahil inutusan ni Jeppy si Kiko na buhatin si Adi patungo sa goes room na kaagad namang tinanggihan ng dalaga. "Elice maliligo lang si Daddy Jey ha. Iiwan muna kita kay nana Perla mo. Mag laro ka muna dito okey " ani ng binata "Opo " sagot nito. Hinalikan muna ng binata sa nuo ang bata bago tumayo na. At tinungo ang kusina " iho may kailangan kaba? " ani ni manang Lara ng makita siya nito. Umiling siya at nag pakawala ng buntong hininga. "Manang hindi Pa alam ni Elice na ako ng tunay niyang Daddy. Ganun rin ang mommy niya. " aniya "Pero daddy ang tawag niya sayo diba? " naka kunot nuong ani ng matanda "Yes manang marahil ay sabik lang siya sa totoong daddy niya at napaka lambing na bata sobrang saya ko manang ng malaman Kong anak ko siya" "E uuwi morin ba siya ngayon? Hindi ba siya pwedeng mag tagal dito. Sobrang nakaka tuwa ang anak mo iho. Napaka bibong bata , kung ako lang sana ang masusunod ay dumito nalang kayo para naman maalagaan ko ang anak mo. Katulad ng pag aalaga ko sayo nuong bata kapa." Ani ng matanda. "Opo manang kailangan eh, baka kasi Tumawag si Elma at hanapin niya ang anak niya. Si Adi nga po pala asan? " aniya ng hindi niya makita ang babae. "Ah nasa Taas siguro. Nasa kwarto mo iho duon siya natulog kagabi at nandun rin ang mga gamit niya. " naka ismid na ani ng matanda Naiiling na napa kamot ng kilay si Jeppy bago nag paka wala ng buntong hininga. "Ganun po ba. Maliligo ho ako manang. Paki handa nalang po ng maiisuot ko at paki dala nalang sa Kabilang kwarto. Hindi na ako papasok sa Kwarto ko ayaw ko munang maka usap ng sarilinan si Adi. Hayaan niyo po siya kung dito niya gustong tumira. Wag niyo lang pong hayaang apihin niya kayo. Tawagan niyo ako kapag may ginawa siyang hindi maganda sa inyo ni Karmen " sabi niya Kahit ayaw na niya sa babae ay hindi naman niya kayang pabayaan ito. Lalo na't siya ang dahilan kung bakit ito nabaliw at siya ang dahilan ng pag hihirap ng babae nuon. "What are you doing here? " naka kunot nuong ani ni Adi ng makitang si Manang Lara kumatok at pumasok ng Silid. "Ikukuha kulang ng pamalit si Jeppy --- "Why? Where's Jeppy? " nag tataka nitong tanong "Sa kabilang Kwarto " ani ng matanda at nag patuloy sa pag kuha ng pamalit ng binata. "s**t" gigil na ani ni Adi at padabog itong umalis. Kaya naiwang napapailing na lamang ang matanda Tapos ng maligo si Jeppy ng marinig niya ang bukas at sara ng Pinto sa pag aakala niyang si Manang Lara ang pumasok upang ihatid ang kaniyang pamalit ay lumabas na siya ng banyo. "Manang paki lagay nalang po sa kama salamat "sabi niya habang hindi naka Tingin sa pumasok dahil naka yuko siya habang tinutuyo niya ng hawak niyang Tuwalya ang kaniyang basang buhok. "Babe" ani ng boses ng babae and nag pagulat kay Jeppy kaya agad siya napa angat ng ulo at napa tingin sa babaeng nag salita. Napa tiim bagang kaagad siya ng makitang nag huhubad ang Babae habang malagkit na naka tingin sa kaniya. "Adi! Anong ginagawa mo dito?! "Aniya at nag tatagis ang bagang niya sa babaeng dahan-dahang papalapit sa kaniya " napaka Hot mo parin babe. Alam mobang sobra Kong namiss ang magandang tanawin na ito" sabi ni Adi ng maka lapit ito sa kaniya at nagulat Pa siya ng hilain pababa ng babae ang towel na naka takip sa pang ibaba niya kaya naman malayang napag masdan ng babae ang buong kahubaran niya. "Stop it Adi and Leave! " tiim bagang na sabi niya sa babae at umatras siya upang idistansya ang kaniyang sarili sa babaeng naka Hubad na sa kaniyang harapan. Lalaki siya ngunit ewan ba niya wala siyang maramdamang pag nanasa sa magandang tanawin na kaniyang nakikita, hindi man lang nabuhay ang kaniyang pagka lalaki samantalang katulad rin siya ng kaniyang pinsang si Paulo na literal na Womanizer . "Why babe don't you miss this body? " malanding sabi ng babae Umiling siya at tinignan ng masama ang babae. Nakaramdam siya ng pandidiri at inis sa babaeng nasa harapan niya. "I said stop Adi! " madiin niyang sabi, ngunit ngumisi lang ito at patuloy parin siyang inaakit nito. "I love you babe. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lang babe, pinag pasa pasahan man ako ng ibang lalake pero ang puso ko ay sayong- sayo at buong buo parin " ani ng babae Umiling siya ulit. " Adi alam Kong kasalanan ko ang mga ng yare sayo nuon. At patuloy parin akong humihingi ng sorry sa mga ng yare sayo. Pero Adi Marami na ang nag bago --- "Why Jeppy?! Hindi mona ba ako mahal? May iba kana bang mahal? Kaya hindi muna ako nadalaw sa Punyetang Rehab na iyon! Kaya ba pina-bayaan mona ako dahil hindi mona ako mahal? Nandidiri kana saakin dahil hindi lang sampo ang gumahasa saakin! Dahil ba marumi na ako?! Kaya hindi mona ako mahal? Umiling siya at yumuko "I'm sorry Adi ---- Hindi na natuloy ng binata ang sasabihin nito ng bigla itong sunggaban ni Adi ng Halik sa labi. Sigurado siya sa kaniyang sarili. Tanging awa lamang ang natitira sa kaniyang puso para sa Babae. Habang hinahalikan siya ng babae saglit siyang napa pikit ngunit Sa kaniyang pag pikit ay ang mukha ni Elma ang kaniyang nakita kaya para siyang binuhusan ng malamig na tubig at malakas niyang naitulak ang babae. Dahilan para ito ay matumba "I'm sorry Adi, siguro nga dapat kunang sabihin ito sayo , ngayon ay tapos na tayo . Tinatapos kuna ang lahat saatin, Hindi na kita mahal I'm sorry dahil ako ang dahilan ng pagka sira ng buhay mo. Pero I'm sorry dahil hindi ko kayang pilitin ang sarili Kong mahalin ka dahil meron ng ibang lamang ito at hindi ko siya kayang lokohin " prangka at lakas loob na sabi ng binata sabay turo sa puso niya. " no no no no, you can't do this , tell me your kidding right? You love me babe. I know you love me. Please I'm sorry kung nasigawan kita. Aayusin natin ito ---- Umiling ulit ang binata. " mahal ko ang nanay ng anak ko at gusto Kong maka bawi sa kanila sa lahat ng pag kukulang ko lalo na sa anak ko. I'm sorry Adi " ani ng binata at kinuha ang nahulog na tuwalya maging ang suot na ginamit niya kanina ay kinuha na niya at itinakip sa kaniyang hubad na katawan. Bago tinungo ang Pinto ng banyo upang duon na mag bihis. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD