Chapter -6

2061 Words
"Ang saya ni Elice no ?" Bahagyan pang nagulat si Elma dahil sa babaeng nag salita sa kaniyang likuran. Kaya nilingon niya agad ito "Jusko ate nakaka gulat ka naman " ani ni Elma habang sapo sapo niya ang kaniyang Dibdib Nasa Terrace siya sa pangalawang palabag ng bahay ng kaniyang kaibigan, habang naka ngiti niyang pinapanuod ang mga batang nag lalaro kasama ng mga tunay nitong mga ama, maliban na lamang sa kaniyang anak at si Jeppy na Hindi naman tunay na mag ama. Ngunit napapangiti siya dahil sa nakikitang sobrang kasiyakan ng kaniyang anak habang kalaro nito ang mga anak nina Vanessa, Sharina, Sherin at Brenda "Sorry nagulat ata kita, oh baka gusto mo kami pa ni mama Sofia gumawa niyan " sabi ni Sharina sabay abot nito sa kaniya ng platong may lamang Cookies "Salamat " sabi niya at kumuha ng isang pirasong chocolate cookie "Ang saya ni Elice no? " pag uulit nito kaya napa baling siya ulit sa mga batang nag lalaro kasama ng mga ama nito at si Jeppy "Oo eh ngayon kulang nakitang ganyan ka sobrang saya ang anak ko. " sagot niya habang naka tanaw sa kaniyang anak na buhat buhat ni Jeppy sa Likod nito . "Elma wala kabang napapansin kina Elice at kuya Jey? " tanong ni Sharina habanag naka tanaw rin sa mga nag lalaro "Emmp kamukha ng anak ko si Jeppy ?" Patanong kaniyang sagot "Elma Posible kayang si Jeppy ang ama ni Elice? " ani ni Sharina na nag pakunot nuo sa kaniya "Ang alam kulang napag lihian ko nuon si Jeppy ate, lagi ko hinahanap yung amoy niya yun lang " sagot niya na ikina maang naman ng kasama "Amoy? Pano mo naamoy si Kuya Jey ,close naba kayu nuon? " kunot nuong sabi nito Umiling siya " Hindi ate, tinulungan niya lang ako at binuhat niya ako kaya naamoy ko siya nuong graduation namin ni Sherin " sagot niya na ikina tango nito. "Pero Hindi naman porket napag lihian mo siya nuon ay magiging Carbon copy na siya ngayon ng anak mo " ani ni Sharina kaya napa isip siya. 'Kung siya man ang lalakeng naka sama ko nuon, bakit Hindi niya ako binalikan? Hindi naman ako ibang tao at kilala niya rin naman ako bilang Bestfriend ni Sherin ' ani ng kalooban niya kaya napailing siya. " sabi mu nuon diba? Hindi mo nakilala yung nakasama mo. Pano kung si Kuya Jey pala iyon? , sabi mopa diba na nag iwan ng sulat yung lalake at nilagay niya ang pangalan mo . so ibig sabihin lang nun ay kilala kaniya " ani Pa nito "Unang kita palang namin kay Elice nuon ay nakikita na namin ang pagiging magka mukha nila ni Kuya Jey, maging sina Mommy at lahat kami naka pansin rin . Kaya Elma kung ako sayo mag imbistiga ka tungkol sa Tatay ng anak mo. At unahin mo iyon kay Kuya Jey " sabi Pa nito ulit -- " yehey! Panalo tayo daddy Jey! " masayang sabi ni Elice at yumakap Pa lalo ng mahigpit kay Jeppy "Hahaha magaling tayu eh " naka tawang sabi ni Jeppy sabay gulo sa makulot na buhok ng bata, Nag lalaro sila ng musical chair Game lahat ng mga bata ay partner ng mga Daddy nila. Katulad niya ay sina Paulo at kiel ay binata kaya ang naging partner ni Paulo ay si Kenneth ang pangay na anak ni Sherin si Keil naman ay Partner niya si Patrick "Mommy panalo po kami ni Daddy Jey " masayang sabi ni Elice ng makita nitong papalapit ang mommy Elma niya "Wow ang galing galing naman, oh baba ka muna baby, papalitan muna kita ng Damit. pawis na pawis kana pati narin ng Da-daddy Jey mo " ani ni Elma at ewan ba niya kung bakit siya naka ramdam ng kasiyahan ng banggitin niya sa kaniyang anak ang salitang Daddy " oo nga little princess mag palit ka muna, dahil mag papalit rin ako. " naka ngiting baling ni Jeppy sa bata na ikina busangot agad ng bata. Mula ng mag pabuhat ito kay Jeppy ay hindi na ito pumayag ibaba o kunin ng kahit na sino, maging si Elma ay walang nagawa dahil ayaw naman nitong umiyak ulit ang anak "Pag naka pag palit kana sabay rin tayo kakain okey ba iyon? " sabi Pa ulit ni Jeppy "Talaga po? Pero mag lalaro parin po tayo ulit diba po? " naka busangot na sabi ni Elice. Napapangiti na lamang si Jeppy dahil sa Sobrang Cute nito. Chubby at napaka taba ng pisngi nito kaya kahit na sinong nakaka kita sa bata ay talagang pinang gigilan talaga. "Promise po kaya mag palit kana dahil basang basa kana ng pawis " sabi Pa ni Jeppy at hindi napigilang pisilin ang Kanang pisngi ng bata. "Okey po, mommy faster po mag papalit napo ako yung magandang maganda po " ani ni Elice dinipa Pa ang dalawang Braso nito upang mag pakuha kay Elma. Lumapit naman si Elma upang kunin sa pagkaka buhat ang anak. Ngunit sa kaniyang Pag lapit ay nahila ni Elice ang kaniyang Batok kaya naman ay mas lalo siyang napa lapit sa katawan ng binata. Naka tingin lamang ito sa kaniya at bahagyan pang naka yuko ang ulo dahil matangkad ito kaya naman ay kamuntikan nanaman niya mahalikan ang Binata na halos konting konti nalang ang pagitan ng kanilang mukha Napatitig siya sa Gwapong mukha nito at nag tama ulit ang kanilang mata, pakiramdam niya ay para siyang minamagnet ng mga matang iyon hanggang sa mapadako ang tingin niya sa labi ng binata. Nakita niyang napa lunok ito. Kaya ganuon rin siya hindi niya rin napigilang mapa lunok ng sariling laway. 'Ano kaya pakiramdam ng mahalikan ng isang Jeppy Dalgan? Jusko! Diko alam na mas Gwapo papala ito sa malapitan. ' pag wawala ng kaniyang isip habang naka titig sa labi ng Binata. "Later sweetheart " mahinang sabi ng binata na ikina pitlag niya. Napa pikit pasiya ng maamoy niya ang mabangong hininga ng binta, malamig iyon at sobrang nagustuhan niya lalo na ng maamoy niya rin ang natural na amoy ng binata. 'Gaaash ang bango niya kahit pawisan ' pag wawala ulit ng isip niya "Mommy! Naiipit napo ako " reklamo ng bata kaya nanlaki ang Mata niya dahil sa sinabi ng bata. 'Nako naman nakakahiya! " ani ng kalooban niya at kaagad ng kinuha ang bata sa binata. "Aheeem wala kaming nakita " ani ni Vanessa "Nanunuod lang ako ng palabas dito " si Devin naman " sabi kung tahimik eh. Kanina Pa ako nag hihintay ng - aray ano ba babe masakit! " si Josef ng biglang paluin ito ni Sharina. "Nag hihintay ka ng Kiss ? Alam mong may mga bata dito. Gusto mo ikis ikis kita dyan sa Pader! " taas kilay na sabi ni Sharina kaya naman ay Namula sa pagka pahiya si Elma. Nawala sa isip niyang may mga kasama papala sila. At halos naroroon na lahat ng mga kaibigan maging ang mga matandang Follox at Santiban ay naroroon rin kaya naman ay napayuko siya sa sobrang naramdamang hiya. " waah! Kilig na kilig ako sa inyo best nakita ko iyon konting konti nalang maghahalikan na kayo ni Jeppy " tiling sabi Ni Sherin ng maka sunod ito sa Pool Area kung saan niya piniling mapag isa muna, ng matapos niyang bihisan ang kaniyang anak ay nag madali itong umalis upang bumalik kay Jeppy " best naman pinapahiya mo ako lalo eh. Hindi na nga ako bumalik duon dahil baka tuksuhin nanaman kami ng mga magkakaibigan na iyon. " namumula niyang sabi sa Kaibigan. "Pero Elma, grabe kanina kulang napansin nung mgka lapit kayo ni Jeppy. Grabe super duper bagay talaga kayo. At para kayung totoong pamilya kanina ng magka yakap kayung tatlo at nasa Gitna niyo si Elice. " sabi Pa ng kaibigan at halatang kilig na kilig ito sa nasaksihang eksena kanina sa kanilang dalawa ni Jeppy "Kinikilig kana niyan? " baling niya sa kaibigan "Super duper! Best pero best kanina kopa napapansin kanina kapa tahimik ah. May problema ba? " ani ni Sherin at nilantakan ang hawak nitong mansanas "Sherin iniisip kulang emmp . Pano kung... Pano kung si Jeppy nga ang ama ng anak ko " sabiniya na ikina laki naman ng mata ng kaibigan "Ay oo napansin korin yan kaniyang pag dating niyo. Unang kita ko palang sa inaanak ko, si Jeppy na kaagad ang naisip ko. Kaso nakalimutan kulang kaninang banggitin sayo mabuti nalang inopen topic mo best " ani ni Sherin at lumapit Pa ito lalo sa kaniya at bumulong "Umamin kanga " bulong nito. "Huh? Anong aaminin ko? " nag tataka niyang tanong. "May Something ba sa inyo ni Jeppy kakaiba yung titigan niyo kanina eh " bulong Pa nito "Huh?! Wala ah. " sagot niya "Okey Back to Topic tayo, pano mo nasabing si Jeppy nga ang ama ni Elice? Dahil ba sa mag kamukha sila? " bulong ulit ni Sherin "Oo para silang pinag biyak na pakwan at nakita mo naman kung gano kalapit ang anak ko sa kaniya samantala bago lang sila nagka kilala" sagot niya "Sabagay ganun rin naisip ko kanina pero pano? So ibig sabihin si Jeppy yung naka sama mo nuon? " "Hindi ko alam Sherin , kung si Jeppy man iyon ay mag papasalamat Pa ako dahil kilala ko siya at napaka lapit na ng anak ko sa kaniya . Pero iniisip ko best , kung siya nga iyon bakit diniya ako binalikan at Hindi naman siguro siya lasing nuon " sabi niya Naramdaman niyang may papalapit sa kanila kaya napalingon siya sa gawing Pinto na malapit lang sa Pool area at duon ay nakita niya ang asawa ng kaibigan na papalapit sa kanila. "Baby " tawag ni Paul sa kaniyang kaibigan ng maka lapit ito sa kanila kaya natigil sila sa pag uusap , nang maka lapit ay hinakbayan nito ang si Sherin kaya lihim siyang naka ramdam ng inggit 'Sana all' ani ng kalooban niya "Oh tanda bakit ?" Ani ni Sherin sa asawa "ready na ang Lunch kakain na tayo. " sagot ni Paul sa asawa. "Anong pinag bubulungan niyong dalawa baby? " ani Pa ni Paul at napa taas ang kilay nitong napa tingin kay Elma "Girls talk tanda kaya wag kang epal. Tara na best mamaya na tayu mag chika chika " sabi ni Sherin sa kaniya. Kaya napangiti siya "Sige na best susunod ako " sagot niya "Oh susunod naman pala siya eh. Tara na baby " sabi Pa ni Paul at ng makitang umiling si Sherin ay walang sabing Binuhat nito na parang bagong kasal ang kaniyang kaibigan. Ilang minuto siyang mag isa ulit ng maka ramdam siya ng yabag na papalapit sa kaniya , ngunit hindi na niya ito nilingon "Hindi kaba kakain? " sabi ng Baritonong boses ng lalake ,kaya napapikit siya ng mabosesan niya ito . Ramdam niyang nasa likod niya lamang ito kaya hindi parin niya ito hinarap "Elma" sambit nito sa kaniyang pangalan , ramdam na ramdam niyang sobrang lapit na nito sa kaniya kaya pinigil niya ang kaniyang hininga at diniinan ang pagkakapikit ng mata. "Iniiwasan moba ako? " tanong panito ulit, pabulong ngunit nag hatid iyon ng bulta bultaheng koryente sa kaniyang katawa. napasinghap Pa siya ng maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa likod ng tenga niya "Jeppy " sambit niya sa pangalan ng Binata. Gusto niyang Kurutin ang kaniyang sarili dahil kung bakit Paungol ang pag bigkas niya sa pangalan ng Binata. "Look at me" bulong ng binata sa kaniya kaya para siyang Robot na sumunod sa sinabi nito. Dahan dahan siyang humarap sa binata, ngunit sa kaniyang pag harap ay kaagad siyang napa singhap ng Siilin siya ng Halik sa labi .nagulat man ay kaagad siyang napa Tugon nito, ewan ba niya kung bakit napaka dali naman ata niyang sumunod sa lalaking ito. "Daddy Jey huhuhu bad ka " kamuntikan na silang mahulog sa Swimming pool dahil sa pagka gulat ng mag salita si Elice habang umiiyak ito. Habol hininga sila ng maputol ang Halikan nila at dali daling napa lapit si Jeppy sa bata. "Why Baby? " nag aalalang sabi ni Jeppy "Bakit mopo kinakain lips ni Mommy huhuhu Bad po kayo Hind po Food ang mommy ko " ani ng bata na ikina pula naman ni Elma. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD