Chapter -5

1743 Words
"Perla si Elice? " tanong ni Elma ng maka salubong niya ito patungo sa kusina. "Mam kasama po ni Sir Jeppy ayaw nga po niyang bumitaw -- "What?! Bakit mo iniiwan ang anak ko kung kani-kanino? " agad niyang sabi at dina niya napigilang mapa lakas ang kaniyang Boses. "Sorry po Mam sige po babalikan kona po " mahinang sabi nito at kaagad ng umalis sa harapan niya. Pagka rinig niya palang sa pangalan ng lalake ay kaagad ng bumilis sa pag t***k ang kaniyang puso. Pinag papawisan narin siya ng hindi niya mawari kung bakit ba siya nakaka ramdam ng ganuon. "Elma ayus kalang? " tanong ni Sherin sa kaniya. Hindi na niya napansin at naramdaman ang pag lapit ng kaibigan sa kaniya "Oh-oo ayus lang ako sandali pupuntahan kolang ang anak ko best " agad niyang sabi at nag madaling tumalikod kaya naiwang nag tataka ang kaniyang kaibigan Samantala dinala naman ni Jeppy si Elice sa Second floor kung saan naroroon ang iba pang mga kaibigan ng kaniyang mga pinsan. Buhat buhat parin niya Si Elice ng maka lapit siya sa mga ito "Wooo! Jeppy ang bilis mo naman nagka anak "sabi ni Fego at napa palakpak Pa ito ng dalawang beses "Wow pare para kayung pinag biyak na itlog "ani naman ni Romuel "Yan rin nga ang sabi ko kanina. Kung ibang tao lang siguro ako Ay iisipin Kong mag ama talaga sila " naka ngisi namang ani ni Kiel "Mga sira! Tigilan niyo ko" naka ngiting sabi niya sa mga ito sabay tingin sa batang si Elice. Maging siya man ay namamangha rin dahil sa pagkaka hawig nilang dalawa ni Elice. "Ay teka kanino palang anak iyan bakit diko ata kilala? " ani naman ni Kesha "Yeah ako rin" sabat naman ni Devin "Anak po ako ng mommy ko! " taas kilay namang sabat ni Elice sa mga ito "Eh nasan ba mommy mo? " pang-gagaya namang sabi ni Devin at nag baby talk Pa ito. "Hey wag niyong asarin si Elice baka magalit si Sherin at madamay Pa ako " sabat naman ni Paul. "Hahaha natakot ka kaagad Paul eh bakit ka naman idadamay ng asawa mo. " natatawang sabi ni Sebastian "Jeppy nandito lang pala kayo " ani ng babaeng kakapasok lamang kaya nabaling ang atensyun nila dito. "Oh bakit Paula? " tanong naman ni Paul sa kapatid "Eh kanina Pa hanap ng hanap si Perla sa baba, hinahanap niya si Jeppy dahil kasama daw niya ang bata "Ninang kasama kopo ang Daddy Jey ko " naka busangot namang sabat ni Elice. "Pero baby hinahanap kana ng Nana Perla mo " malambing namang sabi ni Sharina sa bata "Daddy Jey, ayaw kopo dito lang po ako kasama ka " naka puot nitong sabi na at para bang maiiyak na ito. Kaya kaagad na naalarma si Jeppy at hinalikan sa pisngi ang bata. "Hash baby, sige dito kalang mamaya na tayu bababa " pag aalo niya sa Bata para Hindi ito tuluyang umiyak. Wala namang nagawa si Sharina kundi ang tumango na lamang ng balingan niya ito. Maging si Sharina ay saglit ring natigilan ng mapansin ang malaking pagkaka hawig ng Dalawa at kahit na sino ay iisiping mag ama ang mga ito. - "Oh ano Perla? Nasan ang anak ko? " naiinis ng sabi ni Elma ng maka sunod ito. "Ma-mam dito kolang ho sila iniwan eh" mahina ngunit halatang natatakot na sabi ni Perla sa Amo "Hindi ba't kabilin bilinan ko sayo huwag mong iiwan o ipag kakatiwala sa Ibang tao ang anak ko! Oh asan na?! Nasan ang anak ko?! " galit na sabi ni Elma "Elma bakit kaba sumisigaw? Anong problema iha ?" Ani ni Mrs Paulyn ng maka lapit ito. "Eh Tita ang anak kopo - "Si Elice ba? Kasama ni Jeppy nasa music Room sila kasama ng mga Apolo" agad na sabi ni Mrs Paulyn ng mapansin nito ang pag aalala sa kaniyang mukha. "Si-sige po Tita puntahan kulang po ang anak ko. Salamat po " sabi nya at kaagad na tinungo ang sinabi nito. Alam narin naman niya kung saan ang Music Room na iyon na pag aari ni Paul dahil kanina lang ay nilibot siya ni Sherin sa bagong bahay ng mga ito. Kumatok muna siya ng dalawang Beses at pumikit saglit para ikalma ang kaniyang sarili. Pag mulat palang niya ay kasabay ng pag bukas ng Pinto, saglit siyang nailang dahil Hindi niya kilala ang nag bukas ng pinto, babae ito. maganda Sexy at matangkad ang babae "Yes? " tanong sa kaniya ng babae, maging ang boses nito ay napaka lambing ring pakinggan at nahalata naman niyang mabait ito kaya ngumiti siya. "Hi I'm Elma emmp nandyan ba si Jeppy ?" Alinlangan niyang tanong. "Ow! Si Mr Dalgan, come in nasa loob siya I'm Laila Kiel's Girlfriend. " naka ngiting sagot nito. Ngumiti siya dito at tinanggap naman niya ang pakiki pag kamay nito, pumasok na sila sa loob habang naka sunod silang dalawa ni Perla sa babae Dipa man sila nakaka lapit ay narinig na niya ang nag kakatuwaang mga grupo ng Apolo narinig niya rin ang pangalan ng kaniyang anak kaya napa kunot nuo siya 'Bakit sinasali ng mga ito ang kaniyang anak sa usapan ?' Tanong ng isip niya Pag liko nila sa Kanan ay nakita na nila ang mga mag kakaibigan , kasama ng mga ito ang mga asawa at girlfriend ng mga ito , nakita niya rin ang isang lalakeng naka talikod sa Gawi niya, habang buhat buhat nito ang kaniyang anak. "Jeppy may nag hahanap sayo" agaw atensyun ng babaeng nag ngangalang Laila sa mga mag kakaibigan. Kaya napa baling ang mga ito sa kanilang tatlo. "Wow Jeppy napaka malihim mo talaga pare , dimo sinabing kilala naman pala namin ang girlfriend mo " biro ni Romuel sa binata kaya napapailing na napalingon rin ang binata sa Gawi nila "Mommy! " masayang tawag ng kaniyang anak ng makita siya nito. Sandali siyang natigilan ng mag tama ang mga mata nila ng binata 'Ay nabaliw na bakit bigla bigla nalang bumibilis t***k ng puso ko kapag nakikita kotong lalaking to ' sabi ng isip niya 'Umayos ka babae Hindi mo firstime maka kita ng mga Gwapo lalo na ang Jeppy na ito ' kastigo ulit ng kaniyang isip "Mommy! " ulit tawag sa kaniya ng kaniyang anak. Saglit siyang napailing ng dalawang beses at kiming ngumiti para itago ang kaniyang pagka pahiya at pamumula ng mapadako ang tingin niya sa kaniyang anak ay natigilan nanaman siya at napa baling ulit sa mukha ng Binata 'Jusko! ' sambit ng isip niya habang palipat lipat na ang tingin niya sa dalawa. Ngayon niya lang napag tanto na Hindi lang basta kahawig ng binata ang kaniyang anak dahil maging ang kaputihan ng kaniyang anak, labi mata halos lahat ng nasa anak niya ay hawig na hawig sa binata. - Habang si Jeppy naman ay kaagad na napa kunot nuo dahil sa pag lingon Pa lamang niya ay kaagad na nag tama ang mga Mata nila ng babaeng labis na nag papagulo ng isipan niya. Nakita niya ang pagka gulat sa mata ng babae habang palipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ng Batang buhat buhat niya. Marahil ay mahing ito ay Hindi rin maka paniwala sa pagiging magka mukha nila ng bata. 'Nako baka isipin niyang may anak na ako!, Hindi- Hindi baka Hindi na niya ako magustuhan dahil akala siguro ni Elma ay anak ko ang batang ito ! Ha! ano bang iniisip mo Jey' ani ng kalooban ni Jeppy "Mommy! " tawag ulit ng batang si Elice kaya nakita niyang nagulat Pa ito, pero nag tataka siya dahil Diba Nana ang tawag ng bata sa nanay nitong si Perla. "Elice halikana dito Busy Pa si Sir Jeppy" ani ni Perla at nauna na itong naka lapit sa dalawa. Habang ang mga apolo naman ay natigilan rin at Hindi naka ligtas sa kanila ang titigan nina Elma At Jeppy "No ayaw! Daddy Jey dito lang Elice diba po? " naka busangot na sabi ni Elice at yumakap ito ulit sa leeg ni Jeppy "Baby nandito na si Mommy mo. Mamaya kana mag pabuhat ulit kay Sir Jeppy okey " ani ni Perla at pilit kinukuha ang bata. Samantala naguguluhan naman si Jeppy dahil ang akala niya ay Si Perla ang mommy ng bata. Kaya napa titig siya ulit kay Elma. Nakita niyang Huminga ito ng malalim bago lumapit sa kanila "Mommy makulit po si Nana Perla, diko na siya Bati , sabing dito lang po ako eh " naka busangot na sabi ni Elice at tinignan nito ng masama si Perla. Dahil sa Expression ng mukha ng bata ay kaagad namang napa-isip si Paul ganun rin si Paulo. Dahil kahit na nagagalit ang mukha ng bata ay kuhang kuha rin nito ang Style ni Jeppy satwing nagagalit ang mukha nito ay napapakagat ito ng ibabang labi at duon nilalabas ang pang gigigil at iyon ang unang napansin ng magka-patid na Paul at Paulo. "Baby ko, wag muna awayin ang Nana Perla mo. Halikana baby dahil hinahanap kana ng kuya JP at ate PJ mo, Jeppy paki baba na please " malumanay ngunit halata parin ang panginginig sa boses ni Elma at diyun naka ligtas sa kanilang lahat. Agad naman sinunod ni Jeppy ang sinabi ni Elma, habang buhat buhat niya si Elice ay mas lalo Pa nitong isiniksik ang ulo sa kaniyang leeg kaya naupo siya sa may Sofa upang mapa harap niya ang Bata. Ganun na lamang ang naramdamang kirot ni Jeppy sa kaniyang puso ng makita niya ang mukha ng bata. Lihim at tahimik itong umiiyak at pilit tinatago ang mukha nito. "Little princess , mamaya pagka tapos mong kumain at maglaro tayo naman ang mag lalaro gusto moba yun? " malambing na pag aalo niya sa bata. Ang kaninang tahimik na pag iyak nito ay tuluyan ng Pumalahaw. "Ayaw! Ayaw! Ayaw! Mommy dito lang baby Elice huhuhu " umiiyak na sabi ng Bata at bumaling ito kay Elma. "Pero anak- "It's fine , ako na ang mag papakain at mag papatulog sa kaniya. Wag niyong pilitin ang bata. " putol ni Jeppy sa sasabihin Pa ni Elma. Napa buntong hininga naman si Elma dahil sa naka bagong pag uugali ng kaniyang anak na ngayon niya lamang nakita. Ayaw man niyang sumang ayon sa sinabi ng binata ay wala na siyang nagawa dahil ayaw niya rin namang nakikitang umiiyak ang kaniyang anak //continue....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD