Kabanata 18

1470 Words

Ang guwapo ni Pat sa suot niyang polong kulay berde. Suot niya ang itim na pantalon at binagayan ng rubber shoes na kulay puti at may halong berde sa gilid nito. Lalong humanga si Gennie sa awra ng kaibigan lalo na at sinuotan niya ng jacket na kulay puti habang labas naman ang berdeng kuwelyo ng polo nito. Napangiti si Gennie dahil mukha na silang palamuti sa Christmas dahil sa kulay nilang pula at berde. “O bakit, pangiti-ngit ka riyan Bakekang?” umpisa na namang pang-uukray ni Pat sa kaniya. “Hoy, hindi mo ba nakita ang hitsura ko? Maka-Bakekang kang unggoy ka ha,” ganti rin ni Gennie kay Pat. “Unggoy? Ganito ba kaguwapo ang unggoy ha?” ganting-panunuya rin ni Pat habang hinihimas-himas ang makinis nitong mukha na nakatingin pa kay Gennie. “Guwapo? Hello? Ikaw lang ang nagsabi niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD