Sa awa ng Diyos, isang araw na lang magtatapos na ang trabaho ni Gennie sa bakery dahil na rin sa pagpupursige niyang makaipon ng panggastos sa kaniyang pag-aaral. Mabuti naman at nagustuhan ni Tiya Cora ang kaniyang dedikasyon na mapagbuti ang kaniyang trabaho sa loob ng tatlong Linggo. Minsan napapagalitan din siya kapag may nagawa siyang kamalian ngunit agad niya itong inaayos kaya naging magaan ang kaniyang loob kahit nakaranas pa siya ng pagsusungit ni Tiya Cora. Tuwing Linggo na lamang sila nagkakasama ni Pat. “Miss ka na ng ating mga pananim Gennie,” bungad kaagad sa kaniya ni Pat sa tuwing pinupuntahan siya nito sa kanilang bahay. “Mabuti pa ang mga pananim, na-mi-miss ako,” pabulong na sambit ni Gennie. “May sinasabi ka ba Gen?” tanong naman ni Pat sa kaniya dahil sa pagkibo

