Kabanata 16

2130 Words

Pag-uwi ng bahay ay napansin kaagad ni Aling Bibang ang mga mata ni Gennie. Mugtong-mugto ang mga ito kaya nag-aalala siya kung ano ang nangyari sa kaniyang anak. “Anak, may nangyari ba sa iyo? Parang kagagaling mo sa malalim na pag-iyak…nahirapan ka ba sa una mong trabaho?” pag-alalang tanong ni Aling Bibang kay Gennie. “P-po? Wala po inay…maayos naman po ang pagtulong ko sa bakery ni Tiya Cora. Ang bait nga po niya eh. Napuwing lang po ako kanina. Malakas kasi ang pagpapatakbo ni Manong ng kaniyang traysikel pag-uwi ko kaya, may pumasok na kulisap sa mata ko at inusog ko po,” pagsisinungaling ni Gennie. “Siya nga pala, heto po ang pandesal, padala po ni Kuya Danilo. Bumili na rin ako ng ulam natin para sa hapunan, binigyan niya ako kanina ng tatlong daan pandagdag sa pagkain natin.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD