Kabanata 15

2026 Words

Maagang nagising si Gennie. Ito ang araw na mag-uumpisa siyang tutulong sa bakery ni Tiya Cora. Nagluto siya kaagad ng agahan nila ni Aling Bibang. Inihain na rin niya ang nilagang itlog at tuyo sa kanilang hapag kainan. Naligo na rin siya para makapaghanda na. Ginising na rin niya ang ina para makasalo sa agahan bago pumunta ng bayan. “Nakabihis ka na pala Gennie,” sabi ni Aling Bibang sa kaniya. “Opo ‘Nay, bangon na po at sabay tayong kumain ng agahan bago ako aalis,” dagling sagot naman ni Gennie at inalayang makabangon ang ina. “Oo nga pala, ngayong araw ka mag-uumpisa kina Cora. Talagang okay ka lang ba, Anak?” “Inay naman…hindi naman masyadong mahirap ang trabaho sa bakery. Si Kuya Danilo nga eh, ilang taon nang nagtatrabaho roon. Walang mahirap sa nagtitiyaga at isa pa para po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD