"Gen, halika na, pupunta na tayo sa bayan,” tawag ni Pat kay Gennie. Sasamahan niya ito sa Polytechnic School kung saan mag-e-enrol si Gennie. “Oo nandiyan na Pat. Sandali lamang at aayusin ko ang mga kakailanganin dito ni Inay sa bahay,” dagli namang sagot ni Gennie habang inaayos ang pagkain sa mesa para handa na ito mamaya kapag kakain ang ina ng tanghalian dahil baka matagalan sila sa bayan at walang mag-aasikaso kay Aling Bibang. “Pasok ka muna Pat. Pasensiya ka na ha, ako ang ina ni Gennie at obligasyon ko sanang samahan siya sa pag-e-enrol pero ganito ang kalagayan ko kaya hindi ako makakaalis sa bahay,” sabi naman ni Aling Bibang kay Pat. “Huwag mo nang isipin iyan Aling Bibang. Mag-best friend naman kami ni Gennie kaya obligasyon ko ring samahan siya para naman maasikaso ang mg

