Kabanata 12

1952 Words

Mag-aalas dos na ng hapon nang makasakay ng bus pauwi sina Mang Greg at Pat. Habang papauwi, akay-akay niya ang plastic na may lamang hamburger. Nangingiti siya sa pangitain na agad itong lalantakin ni Gennie. “Bakit ba ang takaw niyang kumain? Hindi naman siya masyadong mataba. Pero ang ganda niyang tingnan kapag ngumunguya, lumalabas ang malalim niyang biloy,” sabi niya sa kaniyang sariling nakangiti. Nasa bandang bintana siya ng bus. Si Mang Greg naman ay nasa tabi niya at nakatulog nang bahagya, marahil na rin sa pagod. Bigla na namang nalungkot si Pat. Inisip niya ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Gennie. Hanggang saan ba ang hantungan ng kanilang pagkakaibigan? Kung liligawan niya kaya si Gennie, magagalit ba ito sa kanya? Hahampasin ba siya nito ng isa…dalawa….tatlo o higit pa?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD