Kabanata 11

1899 Words

Maagang nagising si Pat. Handa na siya papunta sa kaniyang bagong eskwelahan. Sinamahan din siya nina Mang Greg at Tiya Nora nito at ang pinsang si Von. Habang sakay sila ng jeep, panay ang tingin niya sa mga matataas na gusali. Kaliwa’t kanan ang linga ng kaniyang ulo. Maraming mga establisyemiento sa siyudad. Halos maluwa ang mga mata niya sa ganda ng mga nakapaskil sa bawat gusali na kanilang madadaanan. “Ganito pala ang buhay sa siyudad. Napakaganda ng paligid, halos matataas na gusali ang makikita ko at ang sarap ng mga nakapaskil na pagkain sa malalapad na dingding na madadaanan namin,” wika niya sa kaniyang sarili. Tumigil ang jeep na sinasakyan nila at may bumabang pasaherong kasing edad niya rin yata at naapakan ang paa niya. “Aray!” malakas na sambit niya. Hindi man lang siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD