Chapter 20

2346 Words
HINDI ka pwedeng maligo sa dagat... Hindi ka pwedeng mabasa ng tubig dahil mabubura ang lipstick mo. Iyan ang kanina ko pa minomonologue sa harap ng salamin sa loob ng restroom. Lumukot ang mukha ko...Parang hindi ko na kaya pa ang pagpapanggap na ito. Minsan, parang gusto ko ng sabihin sa kanila ang lahat lalong-lao na kay Dustin. “Barbara! Ano ba? Bilisan mo na nga diyan!” Si Chiqui pala. Siya ang isinama ko. Nagtaka si Dustin kung bakit ko siya kasama at sinabi ko na lang na common friend namin ni Barbara si Chiqui. Binuksan ko ang pinto ng restroom at sininghalan siya. “Ano ka ba bakla? Diba ang sabi ko sa iyo don't call me Barbara pag ganitong nasa anyo akong bata. Baka may makadinig sa iyo diyan, nakooo! Patay ako niyan!” “OK. OK. Barbie na. Natatae na kasi ako. Pagamit naman ng banyo.” “Aba hoy! Pambabae kaya dito!” “Hayaan mo na!” Pagkasabi niya noon ay tinabig na niya ako at tuloy-tuloy na pumasok sa isa sa mga cubicle doon. Dinig ko pa ang pagbugalwak ng sama g loob ni Chiqui. Mukhang may nakain siyang di maganda. Haha! Naiiling na lumabas na ako at nagpunta sa beach. Nakasuot ako ng one piece bathing suit at may malong for cover-up. Sosyal diba! Sexy ko talaga. Nakita ko na nag-iihaw ng barbecue si Dustin kaya naman lumapit ako sa kanya kahit na medyo nahihiya pa ako. “Hi Dustin.” Tinignan niya ako na may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. “H-hello...Nakalipstick ka pa rin?” biro niya. “Ah eh...Oo. Nasanay na kasi ako. Alam mo na.” sagot ko na lang sa kanya. Maya-maya ay nagulat na lamang ako ng bigla akong buhati ni Dustin. “Hoy, ano ba?!” bigla kong sigaw. “Ayokong maging stiff tayo Barbie. Ibalik natin ang dati nating samahan. Iyong komportable tayo sa isa't-isa,” at ngumiti siya. Pesteng dimple iyan oh! Natulala na naman ako. “S-so...Anong gagawin mo?” “Maligo tayo sa dagat. Ienjoy natin ang araw na ito!” Bigla akong nagpapalag. “Dustin ibaba mo ako.” “Bakit?” “Hindi pwede...A-ayokong maligo sa dagat.” Umiling siya. “Hindi pwede. Tara na!” Pagkasabi niya noon ay tumakbo na siya sa dagat habang karga niya ako. Nagsisigaw ako at nakiusap sa kanya pero ang buong akala niya siguro ay nag-iinarte lang ako. Its too late dahil itinapon na niya ako sa dagat. Nadinig ko pa ang pagtawa niya. Hindi maaari! Mabubura ang lipstick! Sumisid ako pailalim. Nararamdaman ko na unti-unti ay bumabalik na ako sa tunay kong anyo.... GABI na. Kitang-kita ko sa dalampasigan sina Sir Marcus, Dustin at Chiqui habang may mga dalang flashlights habang hinahanap ako. Nagtatago ako sa isang malaking bato. Para akong si Dyesebel! Kanina ay sumisid ako at nagtago sa naglalaro ng vollyeyball sa dagat kaya di ako napansin ni Dustin. Nasa anyong Barbara na ako ngayon at hindi pa ako makakabalik sa pagiging Barbie ko dahil nasa hotel room namin ang MAGIC RED LIPSTIC ko. Hindi ko naman pwedeng kunin iyon doon dahil for sure ay magtataka sila kapag nakita nila ako. Ang kailangan ko ay ang makausap si Chiqui para maipakuha sa kanya ang lipstick sa bag ko. “Mukhang wala na dito si Barbie,” turan ni Sir Marcus. “Kasalanan ko ito. Kung di ko lang sana siya inihagis sa dagat, hindi sana siya mawawala!” pang sisisi ni Dustin sa kanyang sarili. Niyakap ni Chiqui si Dustin. “Huwag mong sisihin ang sarili mo Dustin. Wala kang kasalanan! Wala...” ang baklang hitad! At may pahimas-himas pa sa likod ni Dustin. Tsansing na ha! Napapitlag pa si Dusting ng pisilin ni Chiqui sa puwet si Dustin. Humanda ka sa akin bakla mamaya! Hmp! “Ang mabuti pa ay bukas na lang natin siya hanapin. Mabuti pa siguro ay magdasal na lang tayo magpahinga. Tara na...” yakag ni Sir Marcus. Paalis na sila. Naku, kailangan kong makausap si Chiqui. Kumuha ako ng maliit na bato at binato ko iyon sa kanya. Sapol sa batok si Chiqui. Lumingon si Chiqui sa gawi ko. Kumaway ako at nagsenyas sa kanya na huwag siyang maingay. Nag-OK sign siya at lumapit sa akin. “Diyos mio, andito ka lang pala! Akala namain namatay ka na sa pagkalunod!” sabi ni Chiqui. “At talagang pagkamatay ko ang inisip niyo ha?” “Ano ba talagang nangyari sa iyo?” “Itinapon kasi ako ni Dustin kanina sa tubig at nabura iyong lipstick ko. May ipapagawa sana ako sa iyo bakla. Pwede mo bang kunin iyong MAGIC RED LIPSTICK doon sa bag ko?” “Sige...Dito ka lang ha?” Pagkasabi niya noon ay umalis na siya. Medyo nakahinga na ako ng maluwag. Nang mapag-isa ako ay nag-isip ako. Tama pa ba itong ginagawa ko? Lahat sila niloloko ko... MABUTI naman at naibigay na sa akin ni Chiqui ang lipstick. Bumalik na rin ako sa pagiging Barbie ko. Naglalakad-lakad ako noon sa dalampasigan. Ayaw ko pang matulog at magpakita sa kanila. Ayaw ko pang matulog. What if, di ko nakilala si Matandang Hukluban? What if walang MAGIC RED LIPSTICK? Magiging masaya kaya ako sa tatlong taon na natitira sa aking buhay? Mamahalin kaya ako ni Dustin kahit wala nito? Ang dami kong katanungan na hindi ko kayang bigyan ng kasagutan. Hay naku! Ayaw kong mag-isip dahil baka mamatay akong luka-luka no! Sa paglalakad ko ay hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Dustin. Agad niya akong sinugod ng yakap at may pag-aalala sa kanyang boses na kinausap niya ako. “Salamat sa Diyos at walang masamang nangyari sa iyo Barbie! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung napahamak ka...Sorry talaga! Sorry...” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. “Maraming salamat Dustin. Napakabuti mo...Alam ko, marami akong kasalanan sa iyo.” Kumunot ang kanyang noo. “Kasalanan? Wala kang kasalanan Barbie.” “Marami Dustin! Malaking kasalanan! Simula pa lang ng una ay niloloko na kita. Nagulo ang utak mo dahil minahal mo ako at minahal mo rin si Barbara--- “ “Papaano mong nakilala si Barbara? At papaano mo nalaman na siya ang babaeng isa ko pang mahal?” Hindi makapaniwala niyang tanong. Napaiyak na ako. Ang sikip lang sa dibdib kasi masikip ang suot kong bathing suit. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. “Gusto mo bang malaman?” Tumango siya. “Oo...” “Then kiss me...And dare to fall in love with me!” Lakas maka-No Other Woman ah. “Hahalikan kita? Sure ka Barbie?” “Oo Dustin! Halikan mo ako!” Pagkasabi ko noon ay tila sabik na sabik na sinibasib ni Dustin ng halik ang aking mga labi. Napapikit ako. Ang sarap niyang humalik. Ramdam ko na sa bawat hagod ng labi niya sa labi ko at sa bawat haplos ng dila niya ay nabubura na ang lipstick ko. Unti-unti ay nagliwanag ang katawan ko at bumalik na ako sa tunay kong anyo...Si Barbara. Nang maglayo ang aming labi ay nagulat si Dustin ng makita niyang ako na si Barbara. Naitulak pa niya ako sa labis na pagkabigla. “Ha?! Aling Barbara! Papaano---“ “Oo Dustin. Ako at si Barbie ay iisa. Kitang-kita mo naman siguro na nagbago ang anyo ko, diba?” Napaatras si Dustin. “Hindi...Papaanong nangyari iyon?” “Dahil dito!” at ipinakita ko sa kanya ang MAGIC RED LIPSTICK. “Papatunayan ko iyan sa iyo." Inapply ko sa lips ko ang MAGIC RED LIPSTICK. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng maging si Barbie na ako. “Kapag ginagamit ko ang lipstick na ito, nagiging si Barbie ako...” Matapos iyon ay pinahid ko ng kamay ko ang lipstick na nasa aking mga labi. Bumalik na akong muli sa pagiging Barbara. "At kapag nabubura sa aking labi ang MAGIC RED LIPSTICK, bumabalik na ako sa tunay kong anyo...” Umiling si Dustin. “Pinaglaruan mo lang pala ako!” “Hindi kita pinaglaruan Dustin! Si Barbie man o Barbara ako MAHAL KITA! Mahal kita kahit na mas matanda ako sa iyo ng maraming taon. Mahal kita dahil ikaw ang gusto kong makasama sa huling tatlong taon ng aking buhay! Hanggang sa huling hininga ko...Gusto ko sa pagpikit ko ng aking mga mata ikaw ang huling tao na makikita ko!” Pagkasabi ko noon ay tumakbo na ako palayo sa kanya pero hinabol niya ako at mariin na hinawakan sa aking braso. “Barbara saglit!” aniya. Umiwas ako ng tingin sa kanya. “H-handa na akong makinig sa panunumbat mo Dustin. May karapatan kang gawin iyan...” Naluluha kong turan. Umiling siya sabay hawak sa aking kamay. “Ayokong masayang ang natitira mong tatlong taon Barbara sa mga walang kwentang bagay. Hindi ko man masyadong naiintindihan ang mga nangyayari ang importante ay MAHAL DIN KITA!” Ano daw? M-mahal niya din ako sa kabila ng lahat?! “Oo, mahal kita at natutuwa pa nga ako kasi ikaw pala at si Barbie ay iisa...Dahil parehas ko kayong mahal." Mabilis niya akong hinalikan sa aking labi. “I love you Barbara at handa akong makasama ka sa natitira mong tatlong taon dito sa mundo. Gagawa tayo ng maraming alaala at lahat iyon ay masasayang alaala lamang. Lahat ng pangarap mo, tutuparin natin. Wala na akong pakialam kung kasing-edad mo man ang nanay ko..” Napangiwi ako sa huli niyang sinabi. “Ang importante naman ay ang nararamdaman nating dalawa, diba?” Sa labis na tuwa ko ay nahalikan at nayakap ko si Dustin. “Oh Dustin! Mahal na mahal din kita! Handa na akong mamatay...Mamatay sa sobrang kilig!” “Papatayin kita Barbara...Sa kilig!” aniya na natatawa. “Pero, parang imposible naman yata na magawa natin sa loob ng tatlong taon ang pangarap ko...” malungkot kong sabi. “Diba ang pangarap mo ay ang makasal sa lalaking mahal mo at magkaroon ng anak?” “Hindi lang basta anak kundi tatlong anak!” Pilyong ngumiti sa akin si Dustin. “Mukhang kailangan na nating simulan iyan ngayon Barbara! Kailangan nating mag-over time!” at masuyong hinaplos ni Dustin ang aking pisngi. “Wag mong sabihin na..Dito natin gagawin?” tanong ko. “Bakit hindi?” aniya. Nagkasundo ang aming mga puso. Sa dalampasigan na ang tangi naming tanglaw ay ang bilog na buwan at ang kumot na tumatakip sa amin ay kadiliman. Doon namin ginawa...Ang una naming paglo-lovemaking! Ilang sandali pa ay isang sigaw ang pumunit sa katahimikan ng gabi. “YAHOOOO!!! HINDI NA AKO VIRGIN!!!” DALAWANG taon pa ang mabilis na lumipas at kasal na kami ni Dustin. Isang simpleng church wedding lang pero pakiramdam ko ay napakabongga noon kasi ikakasal ako sa lalaking pinakamamahal ko. Maraming humusga sa aming pagsasama noong una kasi halos parang anak ko na si Dustin pero hinayaan lang namin. Ang importante ay tanggap namin ang isa't-isa at hindi tutol ang pamilya ko sa kanya. Masaya na kaming namumuhay sa sarili naming bahay. At ang nakakatuwa pa niyan ay nabuntis agad ako. Oo, totoo iyan. Pero imposible na yata na magkaroon ako ng tatlong anak dahil isang taon na lamang ako na mabubuhay. Ano pa nga ba ang inaarte-arte ko? Sabi nga ng doktor ko, dapat daw magpasalamat ako kasi bihira sa isang taong may sakit ng tulad ng sa akin ang ma-dyuntis. Five months na akong pregnant at nasa OB-GYNE kami ni Dustin para magpa-ultrasound. Pinakita sa amin ng doktor sa monitor ang baby na nasa loob ng aking tiyan. “Iyan po ang babies niyo...” “Ha?” may napansin ako sa hitsura ng anak ko sa monitor. “Doktora, b-bakit parang anim ang kamay ng anak ko? Octopus ba siya?!” Ngumiti sa akin si doktora. “No misis...Triplets po ang anak niyo!” Naluluha na napatingin ako kay Dustin. Hindi ako makapaniwala sa balitang narinig ko ngayon. Tatlo ang anak namin ni Dustin! Salamat po Diyos ko! Tinupad niyo ang pangarap ko ang magkaroon ng tatlong anak! Walang pagsidlan ang aking kasiyahan ng mga sandaling iyon. NAGLALAKAD na kami pauwi ni Dustin papauwi ng biglang magpakita sa harapan namin si Matandang Hukluban. “Hello Barbara!” Nakita ko na medyo nagulat si Dustin kasi napaatras siya. “Huwag kang matakot Dustin, hindi iyan mambabarang. Siya si Matandang Hukluban, ang nagbigay sa akin ng lipstick...” Tumango si Dustin. “Kumusta ka na Barbara? Mukhang ang saya-saya mo na ah...” “Oo Matandang Hukluban at may ibabalik nga po pala ako sa inyo...” Inilabas ko sa bag ang MAGIC RED LIPSTICK at ibinigay iyon sa kanya. “Hindi ko na po kailangan iyan. Masaya na po ako na tanggap na ako ng asawa ko sa kung ano ako.” Pagkasabi ko noon ay nagulat kaming lahat ng biglang magliwanag ang buong katawan ni Matandang Hukluban! Bigla siyang naging isang napakagandang babae. Kamukha siya ni Taylor Swift! At may pakpak na siya katulad ng sa mga angel. “M-matandang Hukluban? A-anong nangyari sa iyo!” “You are wrong Barbara. Ako na si Pretty Little Angel! Ito talaga ang anyo ko. Salamat sa iyo Barbara at tinulungan mo akong matupad ang misyon ko sa lupa! Dahil masaya ka na ngayon ay makakaakyat na ako sa langit...” Mahigpit ko siyang niyakap. “Thank you Matandang-- este Pretty Little Angel! Thank you! Mami-miss kita!” “O siya. Gorabels na ako sa heaven. Magkita na lang tayo doon Barbara! Bayiieee!!!” At unti-unti na siyang umangat sa lupa pataas ng pataas papunta sa kalangitan... ILANG Buwan pa ang lumipas at ipinanganak ko na ang triplets ko. Pagkatapos ng panganganak ko ay nakatulog na ako at hindi na ako nagising pa hanggang sa tuluyan na akong bawian ng buhay. Alam ko malulungkot si Dustin sa pagkawala ko pero mapapalitan din iyon ng saya kasi iniwanan ko siya ng tatlong cute na mga baby girls. May umalis man na isa, may dumating naman na tatlo! Paalam Dustin...Salamat sa pagmamahal at sa kilig na dinulot mo sa buhay ko! W A K A S
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD