HATING-GABI na dumating si Joseph sa kanyang bahay. Tahimik na ang buong kabahayan, dahil tulog na lahat ang mga nakatira sa rito. Pagod na pagod ang pakiramdam ni Joseph, dahil sa kanyang business tour sa Thailand. Umakyat siya sa hagdan, ngunit halos hindi niya maihakbang ang dalawang paa dahil sa sobrang pagod. Nakatingin lamang siya sa kanyang inaapakan, habang umaakyat. Hanggang sa makarating siya sa taas. Nagulat si Joseph, dahil may nakita siyang isang pares ng paa sa kanyang harapan. Kahit dim light lang ang ilaw ay maliwanag niyang nakikita ang mapuputing paa ng isang babae sa kanyang harapan. Dahan-dahan na inangat ni Joseph ang kanyang paningin, upang makita kung sino ang nagmamay-ari sa makinis at maputing paa na iyon. Magkakasunod siyang napalunok, dahil sa nakikita. Kahit s

