PAGKASARA ni Joseph sa pinto ay nagtungo siya kanyang Library para doon kalmahin ang sarili. Galit ang bumabalot sa kanya, dahil sa asawang walang paki alam sa mga tao sa paligid nito. Lumapit siya sa mini-bar niya sa loob at nagsalin ng alak sa baso. Sunod-sunod niyang itinungga ang laman ng baso, saka nagsalin ulit. Hindi niya matanggap ang ginawang pangbababoy ng asawa ang sarilu nilang tahanan, at ilagay sa risk ang kalusugan ang kanilang anak. ***** DAHIL sinaraduhan ni Joseph si Bianca ay wala itong nagawa kung hindi ang sumama sa mga kaibigan paalis ng mansion. Nagpahatid siya sa kanyang condo para doon matulog. Parang nawala ang kalasingan ng magkakaibigan, dahil sa takot nila kay Joseph. Lalo na si Bianca, hindi niya inakala na ganon ang ugali ni Joseph, kapag nagalit ito.

