Hindi ko napansing pumasok rin pala si Sir sa kusina. Hindi ko pa siguro malalamang nandoroon siya at wala na pala siya sa desk niya kung hindi ko pa narinig ang boses niya sa loob habang kinakausap ang mga nagdeliver. Sobrang lutang ko lang yata tungkol sa mga pagkain at hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa loob. Iba talaga ang epekto kapag nalipasan ka ng gutom. "Sarcuevas!" Nagulat ako sa sigaw ni Sir mula sa kusina. Malakas ang pandinig ko pagdating sa kaniya kaya agad akong pumunta roon. Kasabay nang pagpasok sa kusina ay ang pagsilabasan na rin ng mga tao sa loob. Nakita ko si Sir na nilalapag ang dalawang plato na may dalawang pares rin ng kutsara't tinidor sa mesa. Agad akong lumapit sa kaniya, "Sir ako na po!" Aabutin ko na sana ang plato ngunit nilayo niya ito mula

