Nahihiya ako sa sarili ko at nagawa ko pang pagtawanan siya kanina. Napansin niya sigurong nagkalukot-lukot na ang mukha ko kaya nagsalita siyang muli. "Anybody would probably do that upon knowing I killed their family members. The doctor said I was lucky to still be alive kahit na sumusuka na ako ng dugo. Doon ko napatunayang matagal nga talagang namamatay ang mga masasamang damo," pinunasan niya ang sarsa na nasa gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki niya. Ngumiti na naman siya. Ewan ko. Hindi ko na alam kung mas gugustuhin ko nalang na sumimangot na lang siya kaysa ang ngumingiti kahit na sa mga ganitong nakakalungkot na sitwasyon. Gusto kong magtanong sa kung ano ang totoong nangyari, ngunit wala ako sa lugar para magkaroon ng right na magtanong. In the end, kumain na laman

