Chapter 14: Makeover Nakadikit lang ang mga mata ko sa kutsilyong hawak-hawak niya. Kahit na nakaupo na siya ay nakatahi pa rin ang mga tingin ko dito. Nagtama ang mga tingin namin. Laking gulat ko nang bigla niyang saksakin ang pakwan sa gilid at padabog na hiniwa ito sa gitna. Napahawak ako de oras sa dibdib ko. Susmaryusep. Hindi na talaga ako magbibiro sa kaniya kahit kailan! "J-Joke lang ho iyon," sabi ko at nagpeace sign sa kaniya. Hindi niya pa rin ako pinapansin bagkus, nasa pakwan lang ang atensiyon niya habang hinihiwa ito into thin slices. Nang matapos siya, napatingin siya sa akin. Napalunok naman ako. "Stop gawking," sabi niya kasabay ang pag-abot ng plato ko at nilagyan ng isang slice ng pakwan. Napatingin ako sa pakwan na binigay niya. B-Bakit. . .ganito siya

