MAAGA siyang gumising kinabukasan para mag-exercise. May mini gym ang binata at nakita niyang may thread mill doon. Nang makapagpapalit na siya ng gym outfit ay lumabas na siya ng silid at tumungo sa mini gym. Alas sais pa lamang ng umaga kaya nang makapasok siya sa loob ng gym ay nagulat siya ng makita doon si Cj at nagi-exercise na. Nabigla rin ito pagkakita sa kanya. Pero kaagad rin namang ngumiti. Hindi niya mapigilang tingnan ang topless nitong katawan. Nagmumura ang mga abs nito at napaka-hot nitong tingnan habang pinagpapawisan. " Good morning." bati nito sa kanya. " Good morning din." Nagsimula na siyang mag-stretching muna at wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Pero napapansin niya na panay ang tingin nito sa kanya. Gusto niyang mailang sa ginagawa nitong pagtitig but

