NANG makaalis na ang kaibigan niya at ang dalaga ay naiinis siyang umupo sa couch sa sala. Tatlong araw siyang hindi umuwi dito dahil naglaan muna siya ng time para maka-bonding si Chelsea. May inasikaso rin siya sa restaurant nila. Excited pa naman siyang umuwi kanina tapos madadatnan niya ito na kasama si Zackie. Todo bihis pa ang dalawa at tila pinaghandaan ang dinner na ito ngayong gabi. Ang kinaiinis niya pa hindi man lang ipinaalam ni Zackie sa kanya na may balak itong dumaan dito. Samantalang nagkita naman sila nito kahapon sa restaurant niya. Napabuntong-hininga siya saka tumayo at nagtungo sa kusina. Hindi pa siya nagdi-dinner dahil ang plano niya ay yayain sana ang dalaga na kumain sila sa labas. Pero hayun naunahan na naman siya ni Zackie. Kumuha na lang siya ng beer sa fri

