HAPON na at naghahanda na si Themie sa pag-uwi at tapos na ang klase niya nang mapansin niya ang pagtunog ng cellphone niya. Nangunot pa ang kanyang noo at nagtataka kung sino naman ang magtetext sa kanya ng ganoong oras. Imposible namang ang mga ate niya iyon dahil madalas sila nag-uusap sa group chat nilang tatlo. Nailing si Themie ngunit inabot pa rin iyon. And the moment she unlocked her phone nagulat siya at agad na dinagundong ng kaba ang dibdib niya nang makita kung sino ang nagtext. "Oh my God!" naiusal niya sa kanyang sarili. Napakurap kurap pa siya at baka namamalikmata lamang siya sa kanyang nakikita. She bit her lower lip. Bigla ay nakaramdam siya ng pagka-miss kay Makisig. Napabuga siya ng hangin at binuksan ang mensahe nun. Isang linggo na pero hindi niya pa binubura

