"SO you're from New York and you're a half Filipino kaya you understand tagalog?" dinig ni Themie na tanong ni Mitch kay Pablo. Nasa kalagitnaan sila ng byahe pauwi at kanina pang nag-uusap ang dalawa. Habang siya ay nakatingin lamang sa labas at pinagmamasdan ang mga sasakyan. Masyado pang mahaba ang trapiko kaya hindi maiwasan ni Themie mainip. Halos isang oras na silang naipit sa traffic at gustong gusto niya na talagang makauwi. "Uhuh. Iyong bahay sa tapat nila Miss Themie ay bahay ng parents ko. I'm just only having a vacation here. Or maybe... stay for good kapag nakahanap ng reason," tugon naman ni Pablo. Dinig niya ang impit na pagtili ni Mitch ngunit katulad kanina ay hindi niya ito inintindi. Sinasali naman siya sa usapan nila pero tanging oo o hindi lang ang sagot niya. Wala

