ILANG araw nang broken hearted si Themie. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsisi at hindi niya pinansin si Makisig nang gabing makita niya ito sa tapat ng bahay nila o dapat niyang ipagpasalamat iyon dahil nalaman niyang hindi naman ganoon kapursigido sa kanya ang binata. Kasi kung totoong may gusto ito sa kanya at liligawan siya nito, di sana ay nagparamdam pa ito ulit sa kanya. Pero waley. Nag-emote lang siya ng beses, hindi na rin nagparamdam sa kanya ang binata. Gustong sampalin ni Themie ang sarili niya. Katangahan ang pakawalan ang isang Makisig Recto. But what can she do? Sa tuwing naiisip niya si Makisig ay bigla na lamang siyang nakakaramdam ng panlulumo sa sarili niya. Hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ng nanay niya na desperado siya. Kaya talagang nasasaktan siya.

