BAHAGYANG natulala si Themie sa lalakeng nasa kanyang harapan. Diyos ko, Day! Hindi niya naman akalain na ganito pala ka-gwapo ang kanilang bagong kapitbahay. Kaya pala sa tindig pa lang nito kagabi nang makita niya ito ay para kay Themie ay ang lakas lakas na ng dating nito. Tapos ngayon makikita niya na lang na asul ang mga mata nito at sobrang pungay pa ng mga mata. Sobrang pointed din ng ilong at mapupula pa ang mga labi. Feeling niya tuloy ay mas maganda pa ito sa kanya kapag binihisan ng pang babae. Ang unfair ha! “Oh hi!” The man’s finger snapped at Themie kaya naman ay tila natauhan siya mula sa kanyang iniisip. “What’s up beautiful lady?” anito sabay ngiti dahilan para makita ni Themie kung gaano ka perfect at kaputi ang mga ipin nito. Model ba ito ng toothpaste? Iyong tipong pa

