LILIGAWAN ako ni Makisig… Iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ni Themie. Kalahating oras na siguro ang nakalilipas simula nang ihatid siya ni Makisig pauwi gamit ang sasakyan nito. At sa buong durasyon ng kanilang byahe patungo sa kanilang bahay ay pareho silang walang imikan na dalawa ngunit panaka naka naman ang pagsulyap sa kanya ng binata. May ilang beses pang inabot nito ang kaliwang kamay niya at hahalikan ang likod nun. Habang si Themie ay nakatulala lamang sa labas ng bintana habang ramdam ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Hindi na rin siya nakapagpaalam dito ng maayos dahil agad siyang bumaba sa sasakyan nito at dali daling pumasok sa loob ng bahay nila. Mabuti na lamang at walang nakakita sa paghatid sa kanya ni Makisig dahil wala ang nanay at tatay niya kahit pasado ala

