THEMIE went home with a broken heart. Sobrang bigat ng nararamdaman niya. Ang sakit sakit ng mga narinig niya kay Makisig. Oo nga at may kasalana siya dito pero hindi niya maiwasang malito sa sinabi nito. Alam niya sa sarili niya na hindi siya nagpadala ng mensahe dito. Kaya nagtataka si Themie kung paano nangyari iyon. At para malinawan, basag man ang kanyang puso ay nagtungo siya sa bahay nila. Mugto ang kanyang mga mata pero dahil sa natuto na rin siyang maglagay ng make up at hindi na iyon halata. Naabutan ni Themie ang tatay niya na nagpapahinga sa sala. Ngumiti siya ng pilit dito bago nagmano. "Anak, napasyal ka," tugon ni Matias kay Themie. Mababakasan ng saya ang itsura nito. "M-may kukunin lang ho ako sa kwarto ko, Tay," sagot naman niya at nag-iwas ng tingin dito. Hangga't

