MABILIS na lumipas ang mga araw. Isang linggo na ang nakalilipas simula nang dalhin sa ospital ang tatay ni Themie. Maayos na ang pakiramdam nito at nagpapagaling na. Bumukod na rin si Themie mula sa kanila at binibisita niya na lang ang tatay niya. May sama pa siya ng loob ngunit pilit niya na lamang binabalewala para sa kapakanan nito. Wala rin itong nagawa nang mapagdesisyunan niyang bumukod na muna. Nag-iingat lamang siya at baka magkagulo sila ni Lolita. Baka tuluyan nang atakehin sa puso ang tatay niya. Nakausap niya ang kanyang ama nang gabing iyon dahil sa mga ate niya. Marahil ay ayaw rin ipaalam ni Lolita ang mga nangyari kaya nang dumating ang mga ate niya ay sabay sabay pa silang pumasok sa kwarto ng huli sa kabila ng pagtataka ng mga ito at bakit nasa labas siya. Kahit na

