ILANG segundo na ata ang nakakalipas simula nang maglapat ang labi nila Makisig at Themie pero hindi pa rin sila kumakalas sa isa’t isa. Bagkus ay naramdaman pa ni Themie ang unti-unting paggalaw ng labi ni Makisig sa labi niya. Namilog ang mga mata niya dahil doon. This is her first kiss! Hindi niya inaasahan na isang magsasaka na may asul na mga mata ang makakakuha nun!
Nagpaubaya si Themie sa ginagawa ng binata. Hinayaan niyang aliwin siya ng sensasyong pinadadama sa kanya ni Makisig. Ilang segundo pa ay sinubukan na ring igalaw ni Themie ang kanyang labi. The kiss was so passionate. Ramdam niya ang maingat na paggalaw ni Makisig. Mayamaya pa ay kumalas na ito.
He cupped both her cheeks and his blue eyes were staring directly on her eyes. Wala na ang mga luha ni Makisig bagkus ay kumikinang ito sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Gusto kita,” Makisig said with full of sincerity.
Natigilan naman si Themie. Pakiramdam niya ay nabingi siya sa narinig. Napakurap-kurap siya at napaamang ang labi.
“H-ha?” all she could say.
Makisig chuckled. “Damn honey. I just confessed my feelings for you and—”
“Y-you like me?” natutulalang aniya.
Makisig reached for her hand and brought it on his chest. “You feel it? It’s beating fast right? It’s all because of you, Themie. What did you do to me, huh? Maybe you bewitched me,” tudyo ni Makisig dito.
Namilog naman ang mga mata ni Themie. Nang makabawi ay tinampal niya ang dibdib ni Makisig. “Luh! Asa ka! Anong akala mo sa akin? Witch?” Halos umusok ang ilong niya sa pang-aasar nito. At mas lalong nag-init ang pisngi ni Themie nang tawanan lamang siya nito at hinapit papalapit dito.
Sinubsob ni Makisig ang mukha ni Themie sa dibdib niya. “Just kidding. Isa pa ay handa naman akong magpakulam sa ‘yo kung ikaw ang mangkukulam.”
Tinampal muli ni Themie ang dibdib ni Makisig pero hinuli lang ng huli ang kamay niya at pinulupot sa braso nito. “I like you, Tim. I know, it’s weird dahil umiiyak pa lang ako sa ‘yo kanina. Pero hindi ko lang mapigilan. Hindi lang kita nakita maghapon, hindi na ako mapakali. Hinahanaphanap na kita.”
Kumalabog ng malakas ang puso ni Themie. Si Makisig Recto ba talaga itong nasa harapan niya? Pwede. Pero baka ay nananaginip lamang siya.
“Hey, wala ka man lang bang maitutugon? You want me to flirt back to you, right?”
Kumalas si Themie kay Makisig at tinampal tampal ang sarili. “Wake up, Tim! This is just a dream! Hindi ako magugustuhan ng masungit na iyon!” paulit ulit na sambit ni Themie sa sarili. Baka tulog na siya kanina pa at nag-sleep walk lang.
“What are you doing? Why are you hurting yourself?” Makisig asked but she just continued.
“Imposibleng magustuhan ako nun! Imposible—”
“But I like you already.” He chuckled and kissed her on the lips. “C’mon, Honey. Do you really think that this is just a dream? Nuh. I told you, I like you.”
Tila doon lang natauhan si Themie! Totoo nga. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang binata. Hindi nga lang ito basta panaginip lang.
“Y-you like me?” she asked. He nodded. “A-are you sure? Sigurado ka na ba r’yan?”
“And why wouldn’t I?” Umarko ang kilay ni Makisig.
Ngumuso naman si Themie. “Kasi, mataba ako. H-hindi ako sexy kumpara sa mga kapatid ko.” Tila yata ngayon lang na-realize ni Themie ang insecurities niya sa katawan kung kaylan gusto na rin siya pabalik ni Makisig.
“And so what if you are chubby? Honey, I don’t want you sexy. Katulad ng mga panananim ko sa farm, gusto ko, malusog ka rin,” puno ng sensiridad na ani Makisig.
Napahilig si Themie sa dibdib ng binata sa kabila ng harang na gear stick. Niyakap naman siya ng huli at hinaplos ang buhok niya. Ramdam niya rin ang paghalik nito sa tuktok ng kanyang ulo. Mabuti na lang talaga at naligo si Themie. Na-i-flex niya tuloy ang shampoo niya. Joke!
“Hubby,” saad niya mayamaya. Ilang oras na sigurong nasa ganoon silang posisyon at hindi man lang iniisip na may bukas pa at pwede pa silang magkita.
“Hmm…”
“Magagalit ka ba kung may parte sa katawan mo na ayaw mo, pero gustong gusto ko?”
Matagal na walang imik si Makisig. Kahit kasi walang sinabi si Themie kung ano iyon, ramdam niya na alam na ni Makisig kung ano ang tinutukoy niya. At medyo kabado na si Themie na baka nasira niya ang momentum nila ni Makisig.
Makisig cleared his throat. “And why is that?”
Kumalas si Themie kay Makisig at umupo ng maayos. Pilit niyang hinuli ang mga mata ng binata at hindi naman siya nabigo. “I know… it reminds it of your… mom. Pero kasi, gustong-gusto kitang titigan sa mga mata—katulad ngayon. Pakiramdam ko kasi nababasa ko ang lahat sa ‘yo. Gusto kitang kilalain pa. Ayaw kong sirain ang tiwalang binigay mo sa akin. Gusto kong malaman kung kaylan ka malungkot o masaya. Kung kaylan gusto mong umutot o natatae na ba talaga—” Makisig chuckled to that. “—I just want you happy, Hubby. And I know, thru your eyes, I can do that. Coz our eyes are reflecting our feelings.”
He reached for her hand and intertwined it on his. Dinala niya rin iyon sa kanyang labi at hinalikan.
“The moment I let you in my life, ibig sabihin lang nun ay binigyan na kita ng karapatang pakealaman ako—panghimasukan ang buhay ko. Kaya kung ano man ang gusto mo na ayaw ko, siguro balang araw, matatanggap ko rin iyon. Basta kung ano man ang gustuhin mo, gugustuhin ko na rin.”
“Pero Makisig, hindi sa lahat ng oras ay kaylangan mong sumangayon sa gusto ko. Paano pala kung labag na iyon sa ‘yo?” May sarili pa rin namang desisyon ang binata at ayaw niya iyong pakialaman.
“I got your point, Tim. Pero katulad ng sinabi ko, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. I’ll spoil you, just love me forever.”
***