Fireworks
MASAYA si Themie para sa mga kapatid niya lalo na at halata namang tanggap ng tatay nila ang kuya Teo at Joaquin niya. Well, ang nanay nila ay nagtatampo pa pero for sure naman ay konting suyo lang nga mga ate niya, bibigay din iyon.
Hindi nakapunta si Themie sa farm katulad ng sinabi niya kay Makisig dahil hindi rin siya makaalis at kasama niya maghapon ang mga kapatid niya. Namasyal sila at kumain sa labas. Naka-uwi lang sila nang gabi na. Akala niya nga ay ma-a-out of place siya sa apat at siya lang ang walang partner sa kanila. But it turned out na parang limot ng dalawa niyang ate ang mga kasintahan nito at nahuhuli sina Teo at Joaquin sa paglalakad at bitbit ang mga pinamili nila habang silang tatlo ay magkaakbay.
Kinagabihan din ay maingay ang hapag nila. Nagkaroon din silang magkakapatid ng oras para makapag-usap na sila lang lalo na at inaya ng tatay nila sina Joaquin at Teo sa pag-inom.
“Mukha atang malungkot ka, Tim? Are you okay? Or you are just tired?” tanong ng ate Thea niya. Nasa kwarto sila nito at planong doon nila matulog ngayong gabi.
“Sus! Nami-miss lang n’yan ang Makisig n’ya. Tuwing Sabado at Linggo ay nandun iyan sa farm ‘di ba,” ani ng ate Thea nila, inunahan si Themie sa pagsagot.
“H-ha? Hindi no!” agarang tanggi niya saka nag-iwas ng tingin. Paniguradong namumula ang pisngi niya dahil ramdam niya ang pag-iinit nun.
“Uy! In love na ang bunso namin!” sabay na kantyaw ng mga kapatid niya saka kiniliti siya sa tagiliran.
Oo na. Namiss nga ni Themie si Makisig. Nahihiya lang siyang aminin sa kapatid dahil sa kanilang tatlo, siya iyong walang experience sa mga lalake. Naninibago pa siya sa nararamdaman niya.
Maghapon niyang hindi nakausap ang binata. Hindi rin siya nakapagpaalam dito sa text na hindi makapupunta dahil hinila siya ng mga kapatid niya para mamasyal. Naiwan niya naman ang kanyang cellphone sa kwarto.
Naging malalim ang gabi. Madami silang napag-usapan ng mga ate niya at kadalasan doon ay ang mga pangaral at paalala sa kanya pagdating sa pag-ibig.
“Sa tingin mo ba ay may nararamdaman na sa ‘yo si Makisig?” tanong ng ate Thrina niya nang mapag-isa silang dalawa. Bumaba ang ate Thea niya at iinom daw ng tubig.
Napaisip si Themie. Sa totoo lang ay hindi niya alam. Pero kumpara noon, ramdam niyang mas nagkalapit sila ni Makisig ngayon. Kahit nga sa text, nadadagdagan ng ilang words kada araw ang bawat reply nito.
“Hindi ka makasagot. It’s either meron na but you are just confuse or you’re just afraid to say na wala pa.”
Napatingin si Themie sa ate Thrina niya nang pisilin nito ang kamay niya. “Basta Tim, kung nakikita mong wala namang progress, at sa tingin mo sa dulo ay masasaktan ka lang, you have to stop it. Kaylangan mong protekhan ang puso mo. Kasi kapag nabigo ka sa una mong pag-ibig, masyado iyong nakaka-trauma.”
Hindi pa rin umimik si Themie. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya kasi talaga masasabi kasi sa isang linggo, dalawang beses niya lang nakakasama si Makisig. Ang limang araw ay puro palitan lamang sila ng mensahe.
“But—”
Napadilat si Themie ng mga mata at nilingon ang ate niya. The latter was smiling at her.
“—if you feel like may patutunguhan, pursue it. Not for our mother but for yourself. Let your heart be happy. Kaylangan mo lang timbangin ang dalawang pagpipilian.”
Now she needs a sign if she would continue this mission-akitin-si-Makisig-kuno or not.
“I’m sorry, guys, natagalan. Galing akong veranda. Ate Thea, lasing na si Kuya Theo.”
Kapwa napalingon si Themie at Thrina sa pinto nang pumasok ang ate Thea niya. Agad namang napatayo si Thrina para puntahan ang kasintahan. Tinapik pa nito sa balikat si Themie bago lumabas.
“Tim, sunod lang ako. Kaylangan ko na rin asikasuhin si Joaquin. Lasing na sila eh. Walang panama kay Tatay. Mga weak,” natatawang paalam nito bago lumabas. Tumango naman si Themie.
Hindi rin nag-stay sa kwarto ng ate Thea niya si Themie at nagtungo sa kwarto niya. She checked her phone kung full charge na ba at kanina pagdating nila ay dead na ang battery nun.
When Themie opened it, nagulat siya nang makitang may mga text messages galing kay Makisig at tinatanong siya kung pupunta ba siya. When she checked the time, may alas onse ng umaga, ala una at alas singko. Pero ang ikinagulat ni Themie ay ang dalawang missed call nito.
Wow! That was the first time Makisig tried to call her. Sa ilang araw na palitan nila ng mensahe ay hindi pa sila nagkatawagan,
Napapikit si Themie. Is this a sign that she should pursue him? Kasi hindi naman siya tatawagan ni Makisig o hindi ito magtetext kung wala lang siya para dito.
Themie smiled because of that. Umupo siya sa edge ng kama at akmang magtitipa ng reply sa binata nang tumunog naman ang cellphone niya at halos manlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang tumatawag.
Ilang segundo siyang napatitig doon bago niya naisipang pindutin ang answer button. Uso rin magpakipot ano! Tumikhim si Themie. “Yes?” Kunwari pa siyang humikab.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Makisig sa kabilang linya. “Bakit hindi ka pumunta sa farm?”
Umangat ang sulok ng labi ni Themie. Napahiga siya sa kama at hindi pa man ay impit na siyang napatili. Kinikilig kasi siya. Ang gwapo lang ng boses ng future hubby niya. Mas lalo pang nag-init ang pisngi ni Themie nang ma-realize na hinahanap hanap na ng isang Makisig Recto ang presensya niya. Ibig sabihin lang ay umuusad na nga ang mission niya.
“Tim?”
OMG! That was the first time na binanggit ni Makisig ang pangalan niya. Nagpagulong-gulong siya sa kama. “Uhm ano… ano kasi, nandito ang mga kapatid ko tapos namasyal kami maghapon. P-pasensya na.”
She heard Makisig cleared his throat. “Okay.”
Silence filled them. Dinig pa ni Themie ang tunog ng kuliglig sa kabilang linya.
“Hmm. Okay din. I-ibababa ko na ‘to ah. Agahan ko na lang bukas sa farm.” Gustuhin niya mang patagalin pa ang usapan nila, hindi niya na kaya pa ang kilig at baka hindi niya na mapigilan pa. May natitira pa rin naman siyang hiya sa katawan kahit konti ano.
“Okay. But please, c-can you go out? N-nasa labas ako ng bahay ninyo—”
Hindi na pinatapos pa ni Themie si Makisig at dali-dali siyang bumangon sa kama at lumabas ng kwaro nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya na pinansin ang suot na kulay puting sando at maong na shorts.
Madilim na sa sala nang dumaan siya. Wala ring bakas ng tatay at mga ate niya. Pero nang lumabas siya at nang madaanan ang veranda ay natigilan siya sa nakita. Pinamulahan din siya ng pisngi nang makita kung paano naghahalikan ang ate Thrina at Kuya Theo niya.
Nag-iwas siya ng tingin at dali-daling lumabas ng gate. At ayun, hindi sa kalayuan mula sa bahay nila ay nakita niya ang jeep wrangler ni Makisig.
Malakas ang kalabog ng dibdib na naglakad si Themie papunta doon. Agad naman siyang nakita ng binata at pinagbuksan pa siya ng pinto sa passenger seat.
Nang kapwa na sila sa loob ay saka lamang nagsalita si Makisig. “Bakit ka sumusuot ng ganyan lalo na at lumabas ka?” puna nito sa suot niya. May inabot ito na kung ano sa backseat ipinatong sa balikat ni Themie. At nang tingnan, jacket iyon ng binata. Nalanghap niya pa ang pabango nito mula doon.
“At bakit namumula ang pisngi mo?” dagdag pang anito. Makisig raked his hair. And Themie find it sexy lalo na at simpleng fitted V-neck shirt at short na itim lang ang suot nito.
“Tim? Are you okay?” Makisig snapped at her.
Napaiwas naman ng tingin si Themie mula sa binata. Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang halikan ng ate Thrina at Kuya Theo niya kanina.
“A-ayos lang ako, h-hubby ko.”
Silence filled the two of them. Hanggang sa binasag iyon ng binata.
“Minsan kong tinanong ang tatay ko noon kung bakit wala akong ina. Bakit kumpara sa mga bata sa eskwelahan, ako lang ang walang nanay. Ang sabi niya, kapag nasa tamang edad na ako at naiintindihan ko na ang lahat, saka niya sasabihin.”
Hindi alam ni Themie ang rason kung bakit sinasabi ito ni Makisig sa kanya. Pero handa siyang makinig dito kahit abutin pa sila ng umaga. Alam niya na isa ito sa senyales na nagbubukas na sa kanya ang binata.
“Then I found out that, after my mother gave birth to me, after she recovers, she left us without telling my father the reason. At hanggang ngayon ay nangangapa pa rin si Dad kung bakit nagawa iyon sa kanya ng babaeng minahal niya. But then, nitong nakaraan lang, my Tito Archer, called Dad. He was based in the US. He said, he saw my mother, she has her own family now. At isa sa mga anak nito, ay mas matanda pa sa akin. What the f**k was that? Pangalawa lang kami ng tatay ko? Kaya niya ba nagawa iyon?!”
Makisig tightened his grip on the steering wheel. Para sa binata ay hindi madali sa kanya ang mag-open up ng sugat ng pagkatao niya. Mahirap magtiwala. Kaya nga ay may matayog siyang pader na itinayo sa pagkatao niya. But here he is, in the middle of the night, with the woman he likes, telling the thing what’s really stopping him for trusting someone, specifically to a woman. Yes he likes Themie. Hindi niya lang alam kung gaano na kalalim. Pero nanduduon na siya.
“My father loves me but I feel empty. Iba-ibang babae ang inuuwi niya sa bahay. Then he will dump them matapos niyang gamitin. Doon umikot ang buhay niya. Simula nang iwan siya ng nanay ko ng walang pasabi, hindi na siya nagseryoso,” he continued. “My father once a one woman-man. Pero dahil sa kanya… nagbago iyon. At patunay lamang iyon na may mga babae rin palang walang kwenta.”
Nag-aalangan man, inangat ni Themie ang kamay niya at hinawakan ang kamay ni Makisig, pinapakalma ito. She can feel his pain. Because somehow, alam niyang may pagkakapareho din sila ni Makisig. Ang binata na walang ina pero mahal ng ama. Habang siya, kompleto ang pamilya, pero hindi naman mahal ng ina.
Usap-usapan sa bayan ng Marcelino kung bakit nga ba wala ang nanay ni Makisig at hindi nila kasama. May mga haka-haka na baka raw may ibang pamilya lalo na at hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na may ibang lahi si Makisig. Makikita naman sa mga mata nito. Pero ni isa, walang itinama doon ang mag-ama.
And now that, Makisig, telling it to her, pakiramdam ni Themie ay pinagkakatiwalaan siya ni Makisig. Kaya dapat niya lang iyong pahalagahan.
“And this is the reason why I don’t trust easily. Lalo na sa mga babae. Takot akong magtiwala na baka sa huli, matulad lang ako sa aking ama. Ayokong maiwan… dahil minsan ko na iyong naramdaman.”
Hindi namalayan ni Themie na may luha na palang kumawala mula sa mga mata niya. Tumingala siya at pinunasan iyon. Alam niyang may rason ang bawat tao kung bakit nag-iiba sila. And this… this is the reason kung bakit mailap si Makisig sa iba.
“I hate my blue eyes. I f*cking hate it! I don’t even want to look nor glance at the mirror because every time I see my eyes, it reminds me of my useless—” Makisig closed his eyes.
Alam ni Themie na nagpipigil lamang si Makisig sa sasabihin nito dahil may natitira pa itong respeto sa ina.
“Shh…” she calmed him. She caressed his back.
Sumubsob si Makisig sa steering wheel. At alam ni Themie na umiiyak ito. Hindi niya na rin napigilan at niyakap ito. He hugged him while her left hand caressing his back.
Matagal silang nasa ganoong posisyon. Themie wouldn’t mind their position kung hindi lamang umayos ng upo si Makisig at tinitigan siya.
He smiled and lift his right arm. He caressed her face. Napapikit si Themie at dinama iyon. “And you know why I am telling you this?”
Napamulat si Themie ng mata nang maramdaman ang tila mainit na hangin na dumampi sa pisngi niya. At halos maduling siya nang ilang inches na lang ang layo ng mukha ni Makisig sa kanya.
“Kasi kahit anong gawin kong pagpigil… nagiba mo na ang pader na itinayo ko. Kaya pakiusap, ‘wag mo rin gibain ang tiwala ko,” he said then kissed her.
And that moment, Themie saw a fireworks.