Kabanata 7

1889 Words
Dump and Want TALAGANG sobrang nasaktan si Themie nang patigilin siya ni Makisig sa pagpapadala ng lunch dito kaya naman ay lumipas ang dalawang linggo at talagang hindi siya nagparamdam. Kahit sino namang nag-effort ay madidismaya noh! Walanghiyang lalakeng iyon. Masyadong gwapong-gwapo sa sarili nito eh mata lang naman ang nagdala sa kanya! Pasalamat nga siya at inaalagan siya ni Themie! Ang swerte niya at siya lang ang lalakeng pinagluto nito! Kung pwede lang na lagyan ng gayuma ang pagkain, ‘di sana ginawa niya na. Pero dahil masyadong bilib si Themie sa beauty niya, ayun, nakampante siya. Bokya tuloy siya ngayon. Aminado naman si Themie na talagang attracted siya kay Makisig. Gusto niya ito. Pero wala na siyang planong suyuin ito kung hindi lamang dahil sa pina-realize sa kanya ng dalawa niyang kapatid kung ano ang sinasayang niya. Ang sabi pa ng ate Thea niya ay kung gusto mo ang isang tao, paghirapan mo. Thrina even made Themie imagine Makisig with someone else. At hindi niya gusto ang kaisipang iyon. Kaya sige na nga, kahit babae siya at feeling walang karapatang magpakipot, susuyuin niya ulit ang binata. Magpakit ito hanggat gusto nito. Hindi siya susuko. Kaya naman ay sobrang saya ni Themie nang payagan siya ulit ni Makisig na hatiran ito ulit ng pagkain tuwing umaga. Malakas talaga ang tiwala ni Themie sa sarili na may chance siya kay Makisig. Kasi kung wala, bakit naman ito papayag sa hinihiling niya? Marahil ay nasasarapan talaga ito sa mga niluluto niya. Sadyang nagpapakipot lamang iyon. At konting push pa, magiging kanya na ang magsasakang kulay bughaw ang mga mata. Malawak ang ngiting umuwi si Themie sa kanila. Naabutan niya pang salubong ang kilay ng nanay niya pero hindi niya na lang ito ininda. Lumapit siya dito at akmang magmamano ngunit tinabig nito ang kamay niya dahilan para agad mabura ang ngiti sa labi niya. Themie didn’t what did she do this time. Sa buong buhay niya kahit ramdam niyang ayaw sa kanya ni Lolita, ni isang beses ay hindi pa nito nagawang tabigin ang kamay niya sa tuwing magmamano siya. Ngayon lang. Kaya naman ay labis siyang nasaktan sa ginawang iyon ng kanyang nanay. “B-bakit ho, Nay?” she asked, she's wondering bakit ginawa ng huli iyon sa kanya. Umismid naman si Lolita bilang tugon sa anak niya. “Ang lakas naman talaga ng loob mo, ano, Themie? Galing ka na naman sa Recto Farm? Sa tingin mo ba talaga ay papatulan ka ni Makisig? Wala ka pa sa kalingkingan ng mga babaeng gusto nun," saad nito na tila puno ng pang-iinsulto. Hindi nakaimik si Themie. Ilang beses na iyong pinamukha sa kanya ng nanay niya pero hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin talaga siya. Hindi pa siya namamanhid. Siguro kung ibang tao ang nagsabi nun ay kiber lang sa kanya. Pero iba talaga pag mismong kadugo mo na ang nangmamaliit sa ‘yo. Masyadong masakit sa dibdib. Nakakapanghina ng loob. “Akala mo ba ay hindi ko naririnig ang usapan ninyong magkakapatid? Sa tingin mo ba talaga ay bibigyan kita ng atensyon ko kapag napaibig mo si Makisig?” dagdag pang sambit ni Loliya kay Themie. “Nagkakamali ka kung ganon. Isa pa’y pupusta ako, paniguro na hindi mo makukuha ang anak ni Fernando. Ang mga ate mo nga ay hindi binigyan ng interes, ikaw pa kaya na—” Pinasadahan siya nito ng tingin, hindi na itinuloy ang sasabihin. Tumango-tango naman si Themie saka pinilit na ngumiti sa kabila ng mga narinig niya mula sa kanyang ina. “S-sige ho, Nay. Aakyat na ho ako sa taas kung wala na kayong sasabihin pa,” aniya saka tumalikod na. The moment she turned her back, her tears automatically fell. Pumanhik si Themie sa hagdan at dumiretso sa kwarto niya. Nanghihina siyang napaupo sa kama at saka pinunasan ang mga luha niya. Inilibot niya ang paningin sa buong silid. Itong kwartong ito ang saksi kung ilang beses na siyang umiyak dahil sa nanay niya. Alam din ng silid na ito na hindi naman talaga siya masaya. Kumpleto nga silang pamilya pero hindi niya naman madama. Pakiramdam niya ay hindi siya belong sa pamilya na meron siya ngayon. Naagaw ang atensyon ni Themie nang kanyang cellphone nang tumunog ito. Pinunasan niya ang kanyang luha at tiningnan kung sino ang nagtext. At hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang makita kung kaninong pangalan ang nakarehistro. Ang tagal nang naka-save ng number ni Makisig sa kanya pero ngayon lang ito nagtext. At isa iyong himala. From: Hubby Uwi ka na? Pilit na napangiti si Themie sa kabila ng nangyari saka nagtipa ng reply dito. Kasasabi pa lang ng nanay niya na kahit mapaibig niya si Makisig ay hindi pa rin siya nito bibigyan ng atensyon. Pero heto siya at hindi makatiis na ‘wag sumagot sa text ng binata. Siguro nga ay hindi niya lang gusto si Makisig—kundi gustong-gusto. Sa bawat paglipas ng araw ay na-realize niya iyon. To: Hubby Bakit hubby? Hindi ka na ba galit? Nagawa niya pang magbiro. Mali kasi ang composition of sentence ni Makisig kaya iyon ang ni-reply niya. Matapos ma-i-send ang message ay itinago na ni Themie ang cellphone niya. Kahit na muli itong tumunog ay hindi niya na pinansin pa. Dumapa siya sa kama at saka pinikit ang mga mata. Iiiyak niya lang ang bigat na nararamdaman. Para mamaya o bukas ay okay na naman siya. *** NATAPOS ang sumunod na linggong masaya si Themie dahil bukod sa ginaganahan siyang magdala ng pagkain kay Makisig at nagre-request pa ito ng gustong ulam minsan, feeling niya ay may progress na rin ang pang-aakit kuno niya dahil madalas na rin silang nagkaka-text ng binata. Well, madalas na nauuna si Themie sa pagtext pero atleast naman ay nagrereply ang binata. Iyon nga lang ay ang tipid. Parang napipilitan pa. Iniintindi na lang ni Themie dahil alam niya namang nagpapakipot lang ang binata. Araw ngayon ng sabado at maagang nagising si Themie. Total naman ay hindi makakauwi ang mga kapatid niya ay pupuntahan niya na lang si Makisig sa farm. Gumayak si Themie at nagsuot ng simpleng t-shirt at maong pants. Ngiting ngiti pa siya sa salamin bago lumabas sa kwarto niya. Pagbaba niya sa hagdan ay nagulat siya at nanduon ang mga kapatid niya. Sasalubungin niya sana ang mga ito ng yakap kung hindi lang siya natigilan dahil sa nakita. Kasama ng ate Thea at Thrina niya ang mga boyfriend nito. Nakaupo ang apat sa sofa habang ang nanay naman nila ay nakapameywang sa harapan ng mga ito. “Mom, he’s Teo and he’s the reason kung bakit hindi ko masusunod ang gusto ninyong paibigin si Makisig. And I’m sorry but you can’t do something about it. We’re getting married soon,” dinig niyang ani ng ate Thrina niya. Napasinghap si Lolita at tila hindi makapaniwala sa sinabi ng panganay niya. Lalo na nang dugtungan pa ito ni Teo. Hinaplos naman ni Matias ang likod ng asawa niya, tila pinapakalma ito. “Sa susunod na linggo rin ho ay pupunta dito ang mga magulang ko para pormal na mamanhikan.” “Oh no! Papaano na lang ang gusto kong mangyari na maging manugang si Makisig?” maarteng sambit ng ina saka bumaling kay Thea. “How about you anak? Just tell me that kaibigan mo lang iyang kasama mo.” Umiling si Thea saka hinawakan ang kamay ng kasintahang si Joaquin. “I’m sorry, Mom but he’s not just my friend. He’s my boyfriend at kaya ko siya isinama dito ay para maging legal kami sa side ninyo total naman ay legal na kami sa mga magulang niya.” “Masaya ako para sa inyo mga anak ko,” ang tatay nilang si Matias ang nagsalita. “Matias! P-paano na lang si Makisig?!” protesta ni Lolita. “Lolita, wala kang magagawa kung sino ang gustuhin ng mga anak mo. Isa pa’y nakausap ko si Fernando kahapon. Sabi nito ay mukhang may napupusuan na raw ang anak niyang si Makisig. Kaya ‘wag mo nang pagpilitan ang gusto mo. Labas na tayo sa gusto ng mga bata. Wala tayong ibang magagawa kundi ang sumuporta.” Hindi nakaimik ang huli. Napabuga na lamang ito ng hangin saka umiling. “Excuse me! Magpapahinga lang ako sa kwarto. Tumataas ang presyon ko ngayon,” sambit ni Lolita saka tumalikod. At nang makasalubong si Themie ay tumigil ito sabay arko ng kilay. “You heard that? ‘Wag kang mag-assume na ikaw ang tinutukoy ni Fernando. Malabong mangyari iyon.” Irap nito sabay nilagpasan siya. Wala namang sinabi si Themie ah! Pero aminado siya na may parte sa puso niya na sana kung totoo man ang narinig niya sa ama ay sana siya ang tinutukoy nito kahit alam niyang malabo. Hindi naman kasi ibig sabihin na nagre-reply si Makisig sa mga text niya at kinakain nito ang mga niluluto niya, eh nahulog na ito sa kanya. Malay niya ba kung dalawa silang umaaligid dito. At iyong isa ay sexy at maganda pa. “Oh, there’s our sister Themie. Tim, lapit ka dito. Pakilala kita sa kanila.” Napukaw ang atensyon ni Themie nang marinig ang boses ng ate Thrina niya. She composed herself then smiled at them. *** PANAY ang sulyap ni Makisig sa cellphone niya kanina pa. Salubong na ang kilay niya kahihintay sa text ni Themie pero tanghali na ay wala pa ito. She texted him last night na maaga itong pupunta sa farm, pero hanggang ngayon ay wala. Napilitan na ring kumain si Makisig ng pananghalian at kumukulo na ang sikmura niya. “You seems bothered. What’s the problem, Son?” Ibinulsa ni Makisig ang kanyang telepono at napaangat ng tingin sa ama. “What are you doing here, Pa? Masyadong tirik ang araw. Bakit hindi ka na lang manatili sa bahay?” imbis na tanong niya. Humalakhak ang matanda. “Bibisita lang, anak. Kakamustahin ko lang si Themie lalo na at nakausap ko ang ama niya kahapon. Nagbigay na ako ng clue na baka mamanhikan tayo sa mga darating na buwan. Aba’y ayoko naman na mabigla sila.” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Makisig. “Pa, hindi ba’t parang masyadong maaga iyang sinasabi mo?” Ayaw nang itanggi ni Makisig sa sarili. May takot mang nararamdaman, pero mas nangingibabaw kung ano ang kanyang nararamdaman. Gabi-gabi, simula nang magkaayos sila ulit ni Themie, iniisip niya kung ano baa ng nararamdaman niya. At masyado mang maaga, pero ang alam niya’y may kung ano na siyang nararamdaman para sa dalaga. Sa una ay mahirap aminin, pero sa tuwing napapangiti siya dahil sa mga simpleng banat ni Themie, napagtanto niyang hindi malabo na magkagusto siya sa babaeng iyon. Ngunit may parte sa kanya na nangangamba. “Oh? Bakit? Doon din naman papunta iyon. Hindi ka na bumabata, Makisig. Gusto ko na rin magkaapo. Kaya bilisan mo ang pagdiskarte at nang mapasagot mo agad ang babae.” Napangisi si Makisig. Kung alam lamang ng tatay niya na ang babae ang dumidiskarte sa kanya. Baka masapok pa siya nito. Hindi naman kabawasan iyon sa pagkalalake niya. Sinusubok niya lang kung hanggang saan aabot si Themie. Kung hindi ba nito susukuan ang pagpapakipot niya. At kapag nagtagumpay ito, oras niya na rin para dumiskarte rito. He’s Makisig Recto. Kung gaano niya inaalagaan ang mga pananim at alagang hayop, mas hihigitan niya pa iyon sa babaeng nagugustuhan. “Basta siguraduhin mong tutupad ka sa pangako mo sa akin. You’ll dump your women and I’ll give you what you want,” makahulugan saad niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD