Kabanata 6

2031 Words
Work Hard “HINDI mo ba gusto ang hapunan natin ngayon, Makisig, anak? Hindi ba at ikaw ang nag-request mismo nito kay Herman?” tukoy ni Fernando sa cook nila. “Para yatang wala kang gana?” Makisig heaved a sighed then shook his head. Masarap ang Bicol express at menudong nakahain sa mesa ngayong gabi pero tila yata at may kung anong hinahanap si Makisig sa lasa nito. Masarap naman pero hindi siya makuntento. Parang merong kulang. “I’m just tired, Pa. I’m sorry.” Hinilot niya ang sintido at saka sumandal sa upuan. Madami siyang ginawa sa farm kanina at limitado lang ang oras ng naging kanyang pahinga. The old man sipped on his wine bago tinitigan ng mataman ang anak. “I just notice that you’re not in your usual self this past few days. May dinadamdam ka ba anak? O sadyang love sick lang ang iyong nararamdaman?” Agaran namang nagsalubong ang kilay ni Makisig dahil sa huling sinabi ng ama. “Love sick? Ano iyon?” Fernando laughed then shook his head. “Anak ko. Akala mo ba ay hindi ko napapansin na nitong mga nagdaang araw ay wala kang ganang kumain kada tanghalian? Bakit? Dahil ba ito sa bunsong anak nila Lolita? Nami-miss mo?” Makisig didn’t react. Hindi niya alam ang isasagot sa ama. Hindi naman kasi niya itatanggi sa sarili at aminado pa siyang may mga oras na hinahanap-hanap niya ang luto ng dalaga, maging ang mga banat nito na isinusulat sa papel ay namimiss niya. Dalawang linggo na in ang nakalilipas mula nang matigil ito sa pagpapadala sa kanya ng pagkain. Naninibago siya at walang nanggugulo sa kanya ng sabado at linggo para landiin niya raw ito pabalik. Hindi maintindihan ni Makisig ang sarili dahil kung tutuusin ay hindi niya pa naman ganoon kakilala si Themie pero pakiramdam niya ay nagiba nito ang isa sa mga pader na itinayo niya sa sarili niya. Sa ilang taon niyang pinrotektahan ang sarili, gano’n naman kadali na may pumasok dito. At hindi iyon maganda. At mas lalong wala siyang plano at panahon na pagtuunan ng pansin ang gumugulo sa puso at isip niya ngayon dahil nandun pa rin iyong takot na baka sa huli, siya ang maiwan. He doesn’t even know what’s the real purpose of that lady kung bakit lapit iyon nang lapit sa kanya. Marahil ay inutusan ng ina na paibigan siya dahil hindi naman lingid sa kaalaman niyang magkasundong magkasundo sina Lolita at ama niya. “Hindi ka nakapagsalita. Mukhang nakikita ko na ang tagumpay.” Ngisi ni Fernando nang mapansing wala pa ring imik si Makisig. Tumikhim naman ang huli. “I don’t know what you’re talking about, Dad,” he said then stood up. He was about to leave the dining when his father talk again. “The more you deny, the more it’ll be obvious. Kita mo naman at may ebidensya pa ako,” ani nang matanda saka humalakhak. Muling nagsalubong ang kilay ni Makisig. “What evidence?” Ngumuso si Fernando. “Look at that pimple at the tip of your nose. Si Themie iyan hindi ba?” Nakakalokong tumawa ang matanda saka inunahan siyang umalis sa hapag. “Ay ay ay pag-ibig nakakabaliw,” dinig pa ni Makisig na kanta ng ama. Napahawak naman doon si Makisig. Napangiwi pa siya nang kumirot iyon. Saan ba kasi nanggaling ang pimple niya? *** MAKISIG doesn’t feel conscious on his pimple because it’s natural. Isa pa ay nakuha niya iyon dahil ilang gabi na rin siyang puyat at may inaaral na kontrata dahil may isang restaurant na planong makipagsosyo sa kanila bilang sila ay producer ng ilang goods dito. Hindi niya pa naipapasuri sa kanyang abugado kaya binabasa niya na muna ito. Kung hindi lamang pinuna ng ama ang kanyang tagyawat ay wala lang ito para sa kanya. Pero dahil sa napapatitig doon madalas ang mga nakakausap niya, hindi na rin siya komportable. Para siyang nagbibinata pa lamang at nahihiya dahil sa doon Lalo na ngayon at may pinuntahan siyang seminar bilang isa sa mga guest speaker para sa mga mamamayang may maliliit na sakahan dito lang din sa bayan ng Marcelino. “Maraming salamat talaga hijo at pinaunlakan moa ng imbitasyon kong ito,” sambit sa kanya ni Mrs. Estrada, ang head ng Department of Agriculture ng kanilang munisipyo. “Walang anuman ho. Masaya akong makatulong sa mga kapwa ko magsaska,” pormal na aniya, kapagkwan ay napakunot ang noo dahil titig na titig sa kanya ang ginang. “Bakit ho?” Hindi niya na mapigilang maitanong. Natawa naman si Mrs. Estrada bago umiling. “Pasensya ka na at ako ay nadi-distract lamang r’yan sa tigyawat mo sa ilong. Aba’y sino ba iyan at ang laki?” tudyo nito sa kanya. Nailing na lamang si Makisig. Pati ba naman itong matandang ito ay nagpapaniwala sa mga ganyan na porque may tigyawat, tao na ang dahilan? Pupusta si Makisig na alam naman ng mga ito kung bakit nagkakaroon ng tigyawat ang isang tao. At iyon ay dahil sa dumi. Mga pinagsasabi ng mga ito. “Wala ho ito. Puyat lang.” “Ah, kaya siguro ay hind ka makatulog sa gabi kaiisip sa kanya. Kaya ayan ang resulta, tigyawat,” ani ng matanda sabay hagikhik. Pilit na lamang na ngumiti si Makisig. Naipasok pa iyon ng ginang. “Sige ho, Mrs. Estrada. Mauuna na ho ako,” paalam niya na lamang at hindi na pinansin ang panunudyo nito. Matanda na pero tsismosa pa. Dumiretso na si Makisig sa kanyang jeep wrangler. Pagkapasok pa lamang sa sasakyan ay agad siyang napatingin sa rear view mirror. He heaved a sighed. Bakit ba naman kasi ang laki ng tigyawat niya? Oo nga’t medyo nasapul siya ni Mrs. Estrada sa sinabi nito kanina dahil noong isang gabi ay naisip niya ang dalagang si Themie bago natulog pero hindi naman ito ang rason kung bakit nagkaroon siya ng ganito. Sadyang malisyoso at malisyosa lamang ang tatay niya at si Mrs. Estrada. *** PASADO ala una ng hapon nang makarating si Makisig sa bahay nila. Hindi na muna siya dumiretso sa farm at kaylangan niyang maligo. Hindi na siya nagulat nang maabutan ang ama sa living room na may kasama na namang babae. Iba ito kumpara noong nakaraang buwan. At kung titingnan, siguro ay nasa mid-twenties pa lamang ang babae. Nailing si Makisig. Palala na nang palala ang tipo ng tatay niya, pabata nang pabata. At hindi iyon maganda. Baka mamalayan na lamang ni Makisig isang araw ay may pinatulan na itong menor de edad. ‘Wag naman sana. “Anak!” bati ni Fernando nang makita ang anak na si Makisig. Iniwan nito ang babae sa sofa saka lumapit sa huli. “Ilang taon na iyang bago mo?” diretsahang saad niya na ikinahalakhak lamang ng ama. “Pa, hindi ka pa ba nagsasawa sa pambababae?” Umiling si Fernando. “Sinasabi ko na sa ‘yo, titigil lamang ako sa ginagawa kong ito kapag nagkaroon ka na ng kasintahan. O mas maganda, mapangasawa kaagad. Sukat ba naman at pinakawalan mo pa si Themie. Ayan mukhang may bagong boyfriend at nakita ko kahapon sa bayan, may kausap na lalake at mahihiya ang mga langgam sa sobrang tamis nila sa isa’t isa.” Hindi namamalayang napakuyom na pala ng kamao si Makisig. Noong isang linggo lang ay nakita niya ang dalaga na may kausap na lalake sa palengke at may pagtapik pa ng balikat nang magpunta rin siya doon para tingnan ang pwesto nila sa palengke. Binalewala niya lamang iyon kahit na ba napapaisip siya kung para saan ang pagtapik na iyon. Tapos ngayon, ito ang maririnig niya mula sa ama? At ano kamo? Sweet sa isa’t isa? Napangisi si Makisig. Sinasabi na nga ba at kalokohan lamang ng babaeng iyon ang pagpunta dito. Mabuti na lamang at maaga pa ay naitaboy niya na. ‘Di sana, sa huli, baka natalo na siya. *** HINDI maintindihan ni Makisig kung bakit bigla na lamang nag-init ang ulo niya. Dinaan niya na sa ligo matapos nilang mag-usap ng ama pero ganoon pa rin at walang pinagbago. Pasado alas tres na siya nakarating sa farm. Matapos niyang igarahe ang sasakyan ay dumiretso siya sa opisina niya. Nang makitang wala siyang gaanong gagawin ay plano niyang puntahan ang mga alagang hayop. Pero nang madaanan ang kubo malapit sa may sakahan at mukhang may pinagkakaguluhan, lumapit siya doon. “Naku maraming salamat sa dala mong meryenda, Themie. Na-miss namin ang luto mo,” dinig ni Makisig na ani Mang Domeng. Nagsalubong ang kilay ni Makisig. Themie? Nandito ang dalaga? Bakit yata tila kumabog ng malakas ang puso ni Makisig sa ideyang iyon? “Naku! Pasensya ka na Manong Domeng. Hindi ko kayo mami-miss back. Isa lang ang nam-miss nitong puso ko. At alam niyo na kung sino,” sagot naman ng dalaga. Nakatalikod ang dalaga mula sa pwesto ni Makisig kaya hindi nito alam na nandudoon na siya at pinagmamasdan ito. Sumandal siya sa puno. Pinasadahan ito ni Makisig ng tingin. The lady was wearing a maong pants paired with a white plain shirt. Pansin niya rin na tila pumayat ito ng kaunti. What? Hindi ba ito inaalagan ng maayos ng lalakeng kalandian nito sa bayan? “Nasaan ho ba ang future hubby ko? Parang wala dito. Imposible namang mambabae si Makisig. Eh loyal sa akin iyon. Charot!” Napahalakhak ang mga trabahante kaya kinuha na ni Makisig ang atensyon ng mga ito. Tumikhim siya. Napalingon naman ang mga ito sa kanya. Habang si Themie ay panay pa rin ang salita. Kung hindi lamang ito tinapik sa balikat ng katabi niya at itinuro si Makisig, hindi ito titigil. Tuluyan nang pumihit paharap sa kanya si Themie. Inaasahan niya nang babatiin siya nito at babanatan nang kung ano nang bigla nitong inirapan si Makisig na siyang ikinagulat ng huli. “Ikaw ha!” anito saka naglakad papalapit sa kanya. Sinamantala ni Makisig na may suot siyang salamin sa mata kaya hindi alam ng dalaga na titig na titig siya dito. Sobrang amo at tila anghel ng itsura nito. Ang tambok pa ng pisngi. Sarap halikan—wait damn! What are you talking about Makisig?! Stop it! Kastigo ni Makisig sa sarili dahil kung anu-ano na ang naiisip niya. “Bakit ba kasi pinatigil mo ako sa paghatid dito ng pagkain mo? Ayan tuloy ang sabi ni Manong Domeng hindi ka raw kumakain ng maayos kapag oras ng pananghalian!” Nag-iwas ng tingin si Makisig. She looks cute when she nags. “Landiin mo na kasi ako pabalik para maalagan na kita ulit. ‘Wag ka nang choosy! Para naman sa future natin ito,” dagdag pa nito, may pagpadyak pa ng paa na nalalaman. Makisig chuckled. “Dahan-dahan sa pagpadyak. Baka mabiak ang lupa,” biro niya. Ang buong akala niya ay mapipikon ang babae pero namilog lamang ang mga mata nito at mas lumapit pa sa kanya. Tumingkayad ito at pinisil ang magkabilang pisngi niya. Awtomatiko namang pumalibot ang dalawa niyang braso sa beywang nito, hindi niya na ininda ang mga matang nakatitig sa kanilang dalawa. “OMG! Did you just chuckled, hubby? Ibig ba sabihin nun, lalandiin mo na ako pabalik?” Umarko ang kilay ni Makisig. Anong connect ng sinabi nito? “Tsk,” tanging naging tugon niya. Akmang aalisin niya ang mga braso sa beywang nito nang mas lumapit pa ang dalaga sa kanya. Sa pagkakatanda ni Makisig ay hindi sila close ng babaeng ito. Bakit ngayon ay ang lapit na nila ata sa isa’t isa? “Dali na kasi!” pagpupumilit pa nito. He shook his head saka muling kumalas sa dalaga. “I’m gonna work now. Go home, woman,” sambit niya saka tinalikuran ito pero hinabol naman siya. “Sige uwi na ako sa amin. Alam ko naman na sa susunod, sa bahay mo na rin ako uuwi.” Humagikhik ito. “Go home now,” aniya, pinigilang umangat ang sulok ng labi sa narinig. “Oo nga. Pero pwede bang hatiran kita ulit ng breakfast at lunch simula bukas? Miss na kitang alagaan.” Kung may iniinom lamang si Makisig sa mga oras na ito ay siguro naumid na siya dahil sa huling sinabi ng dalawa. That woman. She’s too frank! “Please,” pangungulit pa rin nito at ikinawit na ang kanang braso sa kaliwang braso niya. He heaved a sighed. Mukhang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi siya napapa-oo. “Fine!” Napatili naman si Themie sa sagot niya. “Ayun! Bye Hubby! Work hard para sa ating future mga baby,” sambit nito sabay halik sa pisngi ni Makisig na siyang ikinagulat ng huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD