Hindi ko mapigilan ang lalong kabahan. Sa hindi malamang dahilan ay nangangamba akong lalo. Ang sama nang pakiramdam ko na nasa tabing bahay lang siya.
Wala namang ginagawang masama ang tao ngunit ang takot ko ay nangunguna.
Inayos ko sa pagkakahiga si Mareng. Pinalitan ko lang siya ng damit pantulog at pinunasan ng bimpo. Pinagpag ko pa ang kumot niya bago tinakip sa katawan niya. Nilakasan ko din nang bahagya ang electrifan sa tapat niya.
Noong nasa dalawang taon pa lang siya ay tabi pa kaming matulog. Pero ngayon ay nag-request na siyang humiwalay. Naki-usap pa ako kay Aling Flor na hatiin ang kwarto. Mabuti na lang at pumayag.
Noong masigurado kong kumportable na siya, pinatay ko na ang ilaw at sinarado ang pinto ng kwarto niya. Naligo ako at nagsuot ng manipis na malaking t-shirt bago dumiretso sa kusina at ayusin ang mga pinamili.
Sapat lang iyon para sa dalawang linggong stock. Puro tinapay, canned goods, noodles, at condiments. Kailangan ko pang bumili ng bigas.
Hindi naman talaga nakalulungkot mamuhay mag-isa. Ang nakalulungkot ay 'yong buo ang pamilya mo ngunit hindi kayo masaya. Sa palagay ko ay ganoon, hindi ko nga lang alam sa iba.
Abala ako sa paglalagay ng pinamili sa kabinet matapos marinig ang mahihinang katok mula sa pinto.
Kumunot ang noo ko at agad na kinabahan. Bakit ba agad kong naisip ang bago kong kapit bahay? Sa dami ng tattoo niya ay hindi ko maiwasang maisip na papasa siyang rapist.
Hindi naman po sana!
Kahit kinakabahan ay tinahak ko ang pinto. Hinablot ko pa ang walis tambo para kung sakaling may hindi siya magandang intensyon ay agad kong mapapalo.
Nanginginig ang kamay kong pinihit ang knob. Base pa lamang sa suot na sando ay hindi ako nagkamali ng akala.
Siya nga.
Nakasandal ang isang braso niya sa amba ng pinto habang ang isa ay may hawak na maliit na plangganang puno ng mangga.
Pinasadahan ko pa siya ng tingin. Ang sweat pants na suot ay may imprentang sikat na brand. Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo, hindi naman siguro branded. Baka nabili lang sa ukay o kaya naman ay immitation lang.
Kung base sa katawan ay papasa siyang kargador pero kung ang kabuuan ay hindi mo iisiping tindero siya sa palengke. Maging ang puting suot na tsinelas ay malinis at tila hindi linakad sa lupa.
Wala sa loob na nasandal ko ang walis tambo sa gilid ng pader.
Agad akong napatikhim nang masalubong ang kanyang kayumangging mga mata. Wala sa loob na napahawak pa ako sa basang buhok ko.
"B-akit?" naiilang na tanong ko.
"Nagbigay ako ng mga mangga kanina sa lahat. Wala ka kaya ngayon ko na lamang ibibigay." Linapit nito ang planggana.
Malalaki ang mga lamang mangga at mabango pa ang amoy.
Maliit akong ngumiti bago iyon kinuha. Muntik ko pang mabitiwan sa tensyong nararamdaman.
"S-ige. Salamat. W-elcome to the neighborhood." Napapikit ako sa pagka-utal.
Bakit ba ako nauutal atsaka anong welcome to the neighborhood, Veron?!
"Salamat," mahinang bulong niya.
Pinasadahan pa ako ng tingin bago sumilip sa loob bahay. Tanaw nito ang maliit na sala kung saan kita ang maliit na T. V at isang cleopatra. Nailang ako noong bumalik sa akin ang tingin niya at bahagyang ngumisi.
Bigla, napahawak ako nang mahigpit sa planggana at kulang na lang ay yakapin ko iyon sa kaba.
Isang sulyap pa sa akin bago siya tumikhim at umayos ng tayo.
"Sige. Uuwi na ako. Matulog ka na," paalam niya bago agad na tumalikod.
Nakahinga ako nang maluwag at agad na sinara ang pinto. Ni-lock ko bago sumandal doon at hinihingal na napahawak sa dibdib ko. Ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko at kinapa pa ulit ang dibdib ko.
Shit! Walang bra!
Ang tanga, Veron!
Paano ko nagawang humarap sa kanya ng walang suot na bra?!
Napapikit ako nang mariin at inumpog-umpog pa ang ulo ko sa pinto. Napakatanga!
Lalaki iyon tapos hinarap ko ng walang bra? Kaya ba nangingisi ang loko!
Naiinis kong nilagay sa kusina ang planggana at agad na pumasok sa kwarto. Nagtalukbong ako ng kumot at hindi maiwasang pamulaan ng pisngi sa katangahan.
Sanay akong walang kumakatok sa gabi kaya nga hindi ko naisip na magsuot pa ng bra. Bakit ba hindi ko naalala?!
Hindi ako halos nakatulog kakaisip kung natanaw ba niya talaga ang mga dibdib ko.
Malamang!
Ang nipis ng shirt kaya baka nakita nga niya.
Paggising ko tuloy sa umaga ay malalim ang mga mata ko at halos wala pa ako sa sarili. Inaantok at malamyang inayos ang mga gamit ni Mareng.
"Mimi, 'wag ka na ulit ma-late mamaya," bilin nito pagkahatid ko sa kanya kila Aling Flor.
"Veron, may bago tayong kapit-bahay gaya ng sabi ko kahapon. Katabi mo. Mabait naman at namigay pa ng mangga. Sa palengke daw nagtatrabaho," si Aling Flor.
"O-oo nga po. Nakilala ko na. Sige oh."
Namula muli ang mga pisngi ko sa alaala kagabi. Hindi ko na yata makakalimutan. Lalo pa nang sa pagpihit ko paalis ay siya namang paglabas niya sa pintuan ng apartment niya. Suot ang simpleng jeans at itim na t-shirt.
Hindi talaga siya mukhang nagtatrabaho sa palengke. Mas mukha siyang may-ari ng tattoo shop.
Nanitig pa habang ni-lo-lock ang pinto. Halos mahigit ko ang paghinga. Ngumuso ito nang bahagya at ngumisi sa pagbaba ng tingin sa katawan ko.
"Drake, ingat!" si Aling Flor.
Tumango ito sa Ginang bago bumalik sa akin ang tingin at tumango rin. Kita ko pang pumara ito ng tricycle.
Hinarap ko si Aling Flor at muling nagpaalam bago umalis. Ngunit kumunot pa ang noo ko nang matanaw ko si Drake daw na nasa tapat pa rin ng tricycle at hindi pa pumapasok at umaalis.
Mabibigat ang mga hakbang ko palapit upang pumara ng panibagong tricycle. Agad siyang umayos ng tayo pagkalapit ko.
"Sabay ka na. Pinahintay na kita para hindi ka na maghintay ng ibang tricycle." Nilahad nito ang papasok sa sasakyan.
Napalunok ako at dumoble ang kaba. Hindi na nga magandang kapit-bahay ko siya tapos ngayon ay makakasabay ko pa sa sasakyan.
Nagdalawang isip ako kung sasakay o hindi. Ngunit noong matanaw ko ang inip na hitsura ng driver ay agad akong pumasok sa tricycle. Kipkip ang bag ko sa aking kandungan.
Kinabahan ako at halos mawalan ng hininga nang sa pagpasok niya sa tricycle ay halos sakupin niya ang pwesto sa tabi ko. Tila sumikip ang loob. Halos takpan na niya ako sa laki at tangkad niya. Bahagya pa siyang yumuko upang hindi mauntog nang gumana ang sasakyan.
Napatikhim ako at umiwas ng tingin. Pinanatili ko ang tingin sa harapan kahit na ramdam ko ang miminsang titig niya.
Pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Hindi ko naman balak na maging mabuting kapit-bahay niya ngunit heto siya at sinasabayan ako.
Nang tumigil ang tricycle sa paaralan ko ay kumuha ako ng barya sa bag.
"Manong, bayad ko po-"
Natigil ako at tila napaso sa pagpigil niya sa kamay ko. Nanginig ang kamay ko sa kakaibang pakiramdam mula sa balat niya. Para akong kinukuryente niyon at hinihigop. Nilingon niya pa ako na lalong nagpawala sa sarili ko.
"Ako na ang magbabayad. Itabi mo na lang 'yan," bulong niya bago binaba ang kamay ko.
Wala sa loob na napatango ako. Bumaba siya at inalalayan pa akong bumaba. Sa kaba ko ay hindi na ako nakapagpasalamat at basta nal ang na tumakbo papasok sa paaralan.
Lutang ako buong araw. Bukod sa kulang sa tulog ay hindi ko maalis sa isip ko ang hawak niya sa kamay ko. Ni hindi ako makapag-pokus sa trabaho. Mali-maling sizes ang naaabot ko.
"Veron, may sakit ka ba? Sabi ko XL ang pants. Bakit naman large lang 'yong inabot mo? Umuwi ka muna kaya," si Ma'am Karen.
Nakagat ko ang ibabang labi. Aminado naman akong hindi ako productive ngayon at madalas na maling items ang nabibigay ko. Nilalamon ang isipan ko ng mga akto ni Drake.
"Hindi po, Ma'am. Puyat lang po."
Tumango ito at hinayaan na ako. Pinilit ko namang ayusin ang trabaho ko. Nagkakamali pa rin ngunit hindi na madalas. Nataranta pa ako noong halos makitang alas singko na sa oras.
Nagpaalam ako at agad na umalis ng eskwelahan. Pumara ng tricycle. Tumatahip ang dibdib ko sa kaba. Paniguradong mas galit ngayon si Mareng. Natatakot din akong may masamang loob na mapadaan sa waiting shed.
Ano bang nangyayari sa'yo, Veron?!
Napapabayaan ko na yata ang anak ko.
Mabilis akong bumaba at nagbayad pagkarating. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nandoon pa rin siya ngunit kumunot ang noo nang makita sa gilid nito si Drake.
Nagmadali akong lumapit. Paanong nandito siya?
"Mimi, dinaanan ako ni Pareng Drake. Late ka na naman kasi!"
Agad ko siyang niyakap at binuhat. Napuno ng takot ang dibdib ko. Ayaw kong mag-isip ng masama ngunit ang sadyahin niya rito ang bata ay nakakapag-paalarma sa akin. Kahit kagabi ay binalak niyang buhatin si Mareng.
Sabihin na na'ting nagmamagandang loob siya kagabi. Pero ngayon na nandito siya at sinusundo ang bata ay hindi maganda sa paningin ko.
Paano kung kidnapper siya? At balak na kuhanin sa akin si Mareng kaya't lumipat sa tabing bahay?
Mahigpit kong binuhat si Mareng na sumiksik sa leeg ko. Sinamaan ko ng tingin ang lalaki bago tinalikuran. Dinig kong sumunod ito na nakapagpakaba sa akin.
"Napadaan lang ako rito pauwi. Pinatigil ko lang ang tricycle nang makita si... Mareng," paliwanag niya.
Hindi ko naman siya tinatanong ngunit nagpaliwanag pa. Lalo lamang lumakas ang hinala ko. Ngunit totoo din namang madadaan ito pauwi kung galing sa palengke.
Hindi kaya nag-o-over think lang ako?
Kung kikidnapin niya ay hindi na dapat nila ako hihintayin. Baka nga nagmagandang loob nga lang. Pero kahit na, hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang iniisip niya.
Hindi ko siya sinagot o tiningnan man lang. Nauna pa siyang pumara ng tricycle. Nilingon niya pa ako upang papasukin sa loob.
Bumuntong hininga ako at hindi na nag-inarte. Pumasok ako at nilagay sa tabi ko si Mareng, dahilan upang hindi na siya makapasok sa loob. Umikot siya at umalog pa ang sasakyan sa pagsakay niya sa likuran, sa tabi ng driver.
Nakahinga ako nang maluwag nang umandar na. Inayos ko pa ang buhok ni Mareng.
"Mimi, lagi ka na lang late." Ngumuso ito.
Muli kong kinagat ang ibabang labi sa konsensya at hinawakan ang magkabilaang pisngi niya, "Sorry, baby. Matagal kasi sa work si Mimi."
Nakakaintindi siyang tumango at niyakap ang tiyan ko. Kusang umikot ang kamay ko sa likod niya.
"Okay lang, Mimi. Buti na lang at nakita ako ni Pareng Drake po. Sabi niya puntahan ka na lang namin sa school kaya lang mas gusto kong hintayin ka po dahil baka wala ka sa school tapos hindi mo ko datnan sa shed. Ayaw kong mag-alala ka, Mimi."
Bumuhos ang init sa puso ko at napangiti. Ang swerte ko naman. Kahit yata bigyan ako ng isang milyong kapalit ni Mareng ay si Mareng pa rin ang pipiliin ko. Naging batang ina man dahil sa kanya, pero marami naman akong natutunan sa buhay at naging masaya. Siya ang kaligayahan ko.
Tumigil ang sasakyan. Kagaya kanina ay naunahan niya akong magbayad kaya wala akong magawa kundi ang bumaba. Binuhat ko na lamang si Mareng upang maitago ang naiilang kong mukha.
"Pareng Drake, Thank you!" sigaw ni Mareng.
Hindi ako lumingon kahit na ramdam kong katabi ko lang siyang maglakad. Humihigpit lamang ang kapit ko kay Mareng.
Binaba ko si Mareng nang makarating sa tapat ng pinto. Pagkabukas ko ay agad na pumasok sa loob si Mareng. Naiwan ako sa labas, kung saan nandoon pa rin si Drake. At halos manigas ang kamay kong nakahawak sa knob noong hawakan niya iyon.
Natigilan ako at ayaw siyang tingnan. Bakit ba hindi na lamang siya pumasok sa bahay niya? Hindi iyong pinapakaba niya ako.
"Wala akong balak na masama kung iyan ang iniisip mo kaya matalim ang tingin mo sa akin," bulong niya niya bigla.
Nanatiling malamig ang ekspresyon ko at ayaw siyang tingnan kahit sa gilid lamang ng mga mata ko.
"Dapat lang. Hindi ko gustong mapahamak si Mareng. Ayokong nasasaktan ang anak ko," buo ang loob na sabi ko.
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso ko. Nahagip pa ng mata ko ang pagpihit niya sa sariling door knob.
"Ganoon din ako, Veron. Ayaw kong mapahamak si... Mareng," aniyang may himig na sinseridad bago pumasok sa bahay niya at iwan akong may malaking katanugan sa isipan.
At sino ba siya para mag-alala sa anak ko?