KABANATA 5

2025 Words
Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko ba ang rice cooker. Actually, kagabi ko pa talaga pinag-iisipan. Bukod sa inaalala ko ang pagtaas ng kuryente ay mukhang bago pa lang talaga iyon. Makinang at walang gasgas. Pinilit ko namang hindi tanggapin dahil nakahihiya. Ang kaso ay ayaw niya. Basta na lang na iniwan sa mga kamay ko at nagmartsa papasok sa bahay niya. Napabuntong hininga ako. Sa huli, hindi ko ginamit. Nagsaing ako at sa kalan isinalang. Babantayan ko na lang nang mabuti upang hindi niya masabing sunog na naman. "Mimi, it says here, I should draw a queen. What should I draw?" si Mareng na nakaupo sa tapat na mesa sa kusina at gumagawa ng homework niya. Kumunot ang noo ko at inisip ang tanong niya habang kinukuha sa kabinet ang instant noodles na favorite niya. "Tingin ko dapata korona, simbolo ng pagiging hari at reyna." Sinulyapan ko siya at nakitang salubong lamang ang mga kilay niya. Matindi ang titig sa papel, at mahigpit ang kapit sa lapis. Nang hindi siya agad sumagot ay sinalang ko ang maliit na kaserola sa kabilang kalan. Nilagyan ng tubig at hinintay na kumulo. "No, Mimi. Crown is for everyone. Yes, it can be for queens, but it can also be for kings, princes, and princesses." Napakurap ako at nakuha naman ang punto niya, "Huh? Ano na lang ang i-drawing mo?" Nang makitang kumulo na ang tubig ay binuksan ko ang dalawang instant noodles at nilagay na ang mga noodles sa kaserola. Dinih ko ang buntong hininga niya na tila pa napakalaki na ng problema niya. "I'm torn on whether to draw Queen Elsa or you, Mimi. 'Cause you are my queen." Ngisi pa niya. Lumawak ang ngiti ko at natuwa maging ang puso ko, "Sinong pipiliin mo?" Hinarap ko siya at bahagya pang niyuko. Ang ngiti niya ay malaki at ang mga asul na mga mata ay kumikinang. "Mimi, I like your perfect brows, your curly slightly long hair, your almost pointed nose, your cheekbones!, your almond shaped eyes, and ideal lips. Pero wala ka pong asul na kapa kaya pipiliin ko po si Queen Elsa." Ngumiti ito at binalik ang tingin sa papel. Nawala ang ngiti ko at napaingos. Pinuri pa ako hindi rin naman pipiliin. Naiiling kong binalik ang atensyon sa pagluluto. Siguro ay kailangan kong kausapin ang guro niya na huwag siyang bigyan ng mahirap na asignatura. Iyong hindi na siya malilito kung sino ang pipiliin niya. "I'm done, Mimi!" Nilapag niya sa banda ko ang papel. Napataas pa ang kilay ko sa iilang bulaklak yatang disenyo sa paligid. Napangiwi naman ako sa stick man na drawing niya. Nilagyan niya lang ng kulot na buhok at maliit na korona, sa ibaba ay may pangalan na Queen Elsa. "Baby, pwede bang ipaliwanag mo nga ito?" nalilitong tanong ko. Apat na taong gulang pa lang naman siya at hindi ako nag-e-expect ng magarbong drawing. "This is Elsa, Mimi." Tinuro nito ang stickman sa gitna, "And these are snowflakes that surrounds her. I'm so talented! Right, Mimi?" Snowflakes? Hindi bulaklak? Halos mabitiwan ko ang hawak sa mesa sa sinabi niya. Bukod sa naalibadbaran akong talented daw siya ay hindi ko inakalang snowflakes ang sa tingin ko ay mga bulaklak. "Uhm. Of course, Baby. Ang galing!" labas sa ilong na papuri ko. Kumurap-kurap siya at ngumiti nang malapad. Naisip ko, masyado yatang mataas ang tingin ni Mareng sa sarili niya. Kailangan ko na bang putulin ang sungay niya. Ayokong lumaki siyang mayabang. Parehas kaming natigilan nang makarinig ng mga katok sa pinto. Nanlaki pa ang mga mata ni Mareng at agad na bumaba sa upuan. "Ako na, Mimi," pigil nito sa akin bago tumakbo papunta sa pinto. Siyempre, alam naman naming dalawa kung sino ang kumakatok. Malamang na ang Pareng Drake niya. Siya lang naman lagi ang kumakatok. Pinatay ko ang kalan na para sa noodles. Nabaling pa ang tingin ko sa rice cooker sa gilid ngunit agad na kumunot ang noo ko sa amoy sunog. Natataranta kong pinatay ang kalan na para sa kanin. Binuksan ang kaserola at lumabas doon ang usok na may amoy. Bagsak ang balikat na tinitigan ko ang niluto at ang rice cooker. Dapat pala ginamit ko na. Tsk. "Mimi, sunog na naman po ang kanin?" si Mareng. Napalingon ako sa kanya ngunit nang-aakusang tingin ni Drake ang nasalubong ko. Kita ko pang dumako ang tingin nito sa malinis na rice cooker. "Hindi mo ginamit? Sabi ko gamitin mo," may himig galit na sambit niya. Napamaang ako. Paanong nasa loob na siya ng bahay at ngayo'y nagagalit pa yata? Napailing ito bago nilapag ang kaserolang maliit na bitbit na noon ko lamang napansin. Balak niya yatang datnan kami araw-araw ng almusal. "Chicken soup. Naparami ang luto ko, sa inyo na lang." Natahimik ako at halos hindi makalimutan ang pagbanggit niya sa chicken soup. Swabe at tila sanay ang dila niya. Kagaya iyon kagabi sa pagsabi niya ng 'I Insist.' "Mimi, mas yummy 'to kaysa sa noodles," si Mareng na nakaupo na sa mesa. Napalingon ako sa niluto kong noodles at sa tingin ko ay hindi na iyon makakain. Bahagyang sumama ang loob ko at pasimpleng mariin na tiningnan ang lalaki. Ano bang balak ng lalaking 'to?! Gano'n siya kaaliw kay Mareng? Alam kong hindi kalakihan ang sweldo sa pagiging kargador o tindero sa palengke, kaya bakit parang ang dami niyang pambili? "Hindi ba napapasobra ka na ng gastos? I mean, baka kulangin ang sweldo mo sa isang buwan kung lagi mo kaming binibigyan." Kita kong kumunot ang noo niya ngunit agad na rumehistro ang pag-intindi niya. Napatikhim siya at umiwas ng tingin sa akin. Si Mareng na lamang ang tiningnan nito. "Hindi naman ako masyadong bumibili. Binibigyan lang kami sa palengke ng mga gulay o ano mang produktong hindi na mabebenta," pagrarason nito. Wala sa loob na napatango ako. Baka nga ganoon. Hindi naman siguro siya maglulustay ng pera kung para lang sa aming dalawa ni Mareng di ba? Lumilibot na ang tingin nito sa kusina at tila ini-inspeksyunan ang lugar namin. Ako naman ang tumikhim upang hulihin ang tingin nito ngunit nang nasa akin na ay kinabahan ako. Malalim ang pagkaka-asul ng mga mata niya. "Baka, gusto mong... kumain na rito." Ayoko naman na sabihin niyang hindi ko siya inaalok. Bahala na kung pumayag siya, pero sana hindi para naman makalma na ako. "Pareng Drake, Please! Dito ka na kumain." Pilit pang inabot ni Mareng ang kamay nito. Nagkatinginan kami at pinagdasal ko na humindi ito ngunit simpleng umangat ang gilid ng labi niya at tumango. Dismayado man ako at gustong umirap. Wala tuloy akong magawa kun'di pagsilbihan ito. Ang dala na lamang niya ang nilagay ko sa hapag. Nagbaba ako ng tatlong mangkok at kutsara. Ang problema ko ngayon ay wala akong maupuan. Da-dalawa lamang kasi ang upuan namin ni Mareng. At sa tingin ko ay napansin niya iyon. "Sandali, kukuha ako ng upuan," paalam niya. Tumayo siya at lumabas. Pagbalik ay may bitbit ng isang monoblock na upuan. Nilagay niya iyon sa katabing upuan niya. Pagkatapos ay agad na umupo sa tabi ni Mareng. Nalilito kong tiningnan ang upuang dinala niya, Wala akong pagpipilian kundi ang umupo doon. Sinulyapan niya pa ako nang marinig ang pag-upo ko. Inabot pa niya ang maliit na kaserolang may soup. Nagpasalamat ako bago kumuha doon. At halos manliit ako sa sarap ng luto niya. Walang panama ang noodles kong nasa kalan at hindi na magagalaw. "Mimi, sa park tayo," sambit ni Mareng pagkatapos humihigop ng sabaw. "Sige, Baby. Kapag tapos ka na sa pagkain." Ngiti ko rito na agad tumayo. "Pareng Drake, sama ka?" nangungusap pa nitong nilingon ang lalaki. "Si-" "Hindi siya pwede, Mareng. May work pa siya sa palengke. Baka mawalan siya ng trabaho kung isasama na'tin." Inunahan ko siya sa pagsagot. Alam ko naman na hindi pwedeng basta na lang uma-absent sa trabaho. Ayaw ko naman na mawalan siya ng trabaho nang dahil sa amin ni Mareng. Isa pa, ayoko talaga na malapit siya sa akin. Nagkukulang ang supply ng oxygen at nakakaba kapag nandiyan siya. Kagaya ngayon. Nalingunan ko ang bahagyang panliliit ng mga mata niya ngunit wala namang sinabi. Tila napagtanto lamang nito na may trabaho pa nga siya. "Pare, naman! Dapat may day-off ka. Pero sige, okay lang basta bigyan mo ko ng fried chicken mamaya ah," bulong pa nito sa huli na narinig ko naman. Pinanlakihan ko ng mata si Mareng at kung abot ko lang ay tatakpan ko ang bibig niya. "Sige, isang kilo." "Yes! Wala kasi kaming ref. Tapos tatakbo pa si Mama kila Aling flor tuwing umaga para sa foods na pinapa-ref namin," kwento nito bago lumabi na kinahiya ko. "Mareng!" gigil kong tawag sa kanya. Hindi talaga marunong mahiya! Bigla, nilingon ako ni Drake at hindi ko maintindihan ang pagtataas niya ng kilay. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Basta nahihiya ako sa mga sinasabi ni Mareng. "Pasensya ka na. Huwag mo na lang seryosohin ang sinabi niya," baling ko rito. Agad akong tumayo para kuhanin si Mareng. Nagreklamo pa ito at bahagyang pumipiglas. "Uhm. Pakisara na lang ang pinto kapag tapos ka na." Mabilis kong dinala sa kwarto si Mareng at pinili ng damit na maisusuot habang sinesermunan. "Mareng, huwag kang hingi nang hingi. Maliit lang ang sahod ng Pare mo. Kawawa naman ang family niya kung wala na siyang maibibigay sa kanila," mahinahong sermon ko. "Really, Mimi? A-m I that bad? Inuubos ko ba ang pera ni Pareng Drake?" naluluhang tanong nito. Hinarap ko siya at pinakatitigan upang ipakitang seryoso ako. "Hindi naman sobrang sama. Basta huwag mo na lang ulitin iyon ah?" Tumango ito at yumakap pa sa hita ko. Niyaya ko na siyang maligo upang kaagad kaming makaalis. Paglingon ko sa kusina ay wala na roon si Drake. "Mimi, swing mo 'ko!" Mula sa slide ay hinila nito ang kamay ko papunta sa swing. Pinagbigyan ko siya ngunit pinaalis din ako nang makakita ng kalaro. Lumapit na lamang ako sa mga nanay na naghihintay sa may shed. "Veron! Dito!" Nalingunan ko si Aling beth sa dulo na may kausap na isa pang Ginang. Nakangiti pa akong lumapit sa isiping magbibigay siya ng hulog sa lotion na kinuha niya. "Aling beth! Musta?" Nakangisi pa akong umupo sa tabi niya. "Naku, Veron. Sabi ko dito sa Mare ko ay nagpapa-order ka ng lotion at bra. O-order daw siya." Ngumiti sa akin ang kausap nitong Ginang na agad kong linapitan. Di baleng hindi na muna maghulog si Aling Beth, may bago naman siyang recruit sa pautang ko. "Sige po, dalhin ko po agad dito next week." "Lotion na lang. Avocado, ganda. Iyong malaki para matagal gamitin." Napatango ako at tinipa sa notes ko ang order niya. Hindi pa muna ako umalis doon at naki-usap pa sa iilan at inalok sila ng mga pautang. Kung hindi pa napagod sa kalalaro si Mareng ay hindi pa kami uuwi. "Mimi, binili kaya ako ng fried chicken ni Pareng Drake?" nakangusong tanong nito. "Bibili na lang tayo, Baby," pag-aya ko sa kanya Hindi naman mayaman ang tao kaya ayoko na inaabuso siya ni Mareng. Kung pwede lang sana ay huwag na niya kaming lapitan at bigyan ng kung ano-ano. "No, Mimi. Ibibili ako no'n," matatag nitong sabi. Hanggang sa makarating sa bahay ay iyon ang bukambibig niya. Ngunit bumagsak ang balikat niya nang hindi datnan ang lalaki sa apartment. Sarado ang bahay at walang bakas na umuwi. "Baka nasa trabaho pa, Baby," alo ko rito. Pinilit ko siyang pumasok sa loob-bahay ngunit ayaw niya. Hinayaan ko siya sa labas at pinag-iisipan kung ipagluluto ko nang fried chicken. Baka kasi, hindi naman siya dalhan ni Drake. "Wow! Pareng Drake, sa amin na 'yan?" si Mareng. Nangunot ang noo ko at mabilis na iniwan ang sinasaing, sa rice cooker na para hindi masunog. Nakukuryoso pa akong lumabas ng bahay upang tingnan si Mareng. Ngunit tila naumid ang dila ko. Namilog ang mga mata sa maliit na ref na yakap ni Mareng. Malaki ang ngiti nito habang nakatingala kay Drake. "Mimi! Bigay ni Pareng Drake!" Baling niya sa akin. Nagugulat kong nilingon si Drake na bahagyang nakangiti kay Mareng. Seryoso?! Talaga bang binigyan niya ng ref ang anak ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD