Hindi ko alam kung magagalit ako.
Mali.
May galit akong nararamdaman sa kalooban ko. Ayaw ko na basta na lang niya binibigay ang lahat ng luho ni Mareng. Ngiti na lamang ni Mareng ang nagpapakalma sa akin.
I inhaled, then exhaled. Looking at him now, he looks happy too, like Mareng. Pero hindi pwede na lagi na lamang siyang nagbibigay. Hindi naman siya mayaman!
"Sorry, pero hindi ko na matatanggap 'yan." matatag kong sabi at hinintay na masalubong ang kanyang mga tingin.
Nawala ang ngiti niya at napatitig ng seryoso sa akin. Napatikhim ako at nabagsak ang tingin sa maliit na refrigerator.
"Hindi mo naman kami ka-ano ano para pagkagastusan." dagdag ko pa.
He didn't flinch nor blink. Deretso lamang sa akin ang tingin niya at tila sinusuri ang bawat buka ng mga labi ko.
"Isa pa, dadagdag lang 'yan sa kuryente. Hindi ko naman kailangan 'yan-"
"Hindi naman 'to para sa'yo. Para kay Mareng 'to." putol niya sa sinasabi ko.
Napamaang ako at napanganga. Understood ko naman na para nga kay Mareng. Pero hindi naman si Mareng ang nagbabayad ng kuryente!
"Kahit na. Bata pa si Mareng at wala pang pambayad ng kuryente." inis na bulong ko.
"Babayaran ko. Isama mo na maging ang nakakain na kuryente ng rice cooker. Ako na ang magbabayad." swabeng sabi niya na akala mo naman ay may pambayad nga.
Nanliliit ang mga mata kong nakatitig sa kanya ngunit hindi niya ako pinapansin.
"Mimi, can't we really have this? I want a very very very cold ice cream."
Napakurap ako at nabalik kay Mareng ang tingin. Ang mga mata nito ay nangungusap at hindi maalis ang kapit sa ref.
I guiltily bit my lower lip. Dinig ko pang bahagyang napaubo si Drake kaya naman sinamaan ko ng tingin. Umiwas lamang ito at kunwaring hindi nakatingin.
"Baby, we can't. Hindi na'tin afford 'yan. Wala tayong pambayad diyan."
Bahagya pa akong lumuhod at pinantay ang tingin ko sa kanya. Mas lalong napaubo si Drake kaya naman may inis na nag-angat ako sa kanya ng tingin.
Mariin ang pikit nito at tinataas ang kwelyo ng damit niya sa bandang dibdib. Nalilito ko siyang hinihintay na magmulat ng mga mata at ipaintindi sa akin kung bakit ubo pa siya ng ubo.
Agad ko siyang tinaasan ng kilay nang magmulat siya ng mga mata. Napamura siya at nakapamewang na tumalikod. Naiinis kong tinakpan ang tainga ni Mareng dahil sa pagmumura niya.
"May bata, huwag kang magmura!" galit kong tugon sa kanya.
"Umayos ka muna ng tayo at ayusin ang damit mo. Tang-*na! Kita ko ang dibdib mo. Noong isang araw hinaharap mo lang ako ng wlaang bra, ngayon pinapakita mo na. Inaakit mo ba ako?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo at napayakap sa mga dibdib ko.
Hindi ko naman alam!
May galit ang tingin na pinupukol ko sa likod niya. Manyak! Sabi na nga ba! Hindi lang katawan niya ang madumi, maging ang utak niya!
"Sino bang nagsabing tignan mo?! Pervert!"
Salubong ang kilay na hinarap niya ako. Isang beses pa na napadako sa dibdib ko ang tingin niya na kinapula ng mga pisngi ko sa galit.
"Bakit ba kasi pinapakita mo? Hindi kita minamanyak. Pumikit pa nga ako." mahinahong usal niya.
Hindi iyon sapat upang mawala ang galit ko at pagkapahiya. Hindi makatarungan iyon!
"Hindi ko pinapakita! Hindi ko naman sinasadya!"
Bahagya siyang napangisi nang namewang ako at matapang siyang tinignan.
"Baka naman gusto mo ding mag-request ng bra? Cup C ba? Ibibili kita ng sampo, sasamahan ko na rin ng panty." ngumisi pa siya lalo na kina-insulto ko.
Naniningkit na ang tingin ko sa kanya. Hindi matanggap na naiinsulto ako ng lalaki. May gigil na inirapan ko siya.
"I don't need it-"
"Oo nga pala, hindi ka naman madalas mag-bra." putol niya sa sasabihin ko.
Ang inis at galit ko ay umaakyat na sa ulo ko. Kaunti na lang ay masasaktan ko na siya kahit pa mukhang malakas ang katawan niya. I held my head high at balak bugahan siya ng panibagong sagot ngunit naramdaman ko ang kamay ni Mareng na humawak sa palad ko.
Nawala ang atensyon ko kay Drake at nalipat kay Mareng na naguguluhan ang tingin.
"Sorry, baby. Wala kang narinig." suyo ko dito.
"No, mimi. I-hihingi kita ng bra kay Pareng Drake." ngumiti pa ito ng malapad na akala mo ay nakatulong.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Muling dinukwang ngunit ngayon ay kipkip ko na ang damit sa bandang dibdib ko.
"Hindi, baby. Hindi naman kailangan ni mimi. Kahit itong ref ay hindi na'tin kailangan."
Sinubukan kong ibinalik sa ref ang usapan. She's too innocent to even care about my brassieres!
"Mimi, I want it!"
Muli itong yumakap sa ref at nagpapaawang tumingin sa akin. Sumusukong umayos ako ng tayo at hinarap si Drake kahit na naiinis ako dito.
"Magkano ba 'yan? Pwedeng hulugan?" matabang kong tanong.
Nilingon nito ang ref bago nilingon. "Hindi ko naman pinapabayad." marahang sabi nito.
Kumunot ang noo ko. Paanong ang dali lang sa kanya na bigyan si Mareng ng kahit anong hilingin nito samantalang siya ay hindi bumibili para sa sarili niya.
"Bakit? Saan mo ba binili 'yan?" kuryosong tanong ko.
Napakurap siya at napatikhim. Umiiwas ng tingin at tila nag-iisip.
"Don't tell me, ninakaw mo? Mukhang bago pa at hindi pa nagagamit." taas kilay na tanong ko.
"Hindi. Hindi naman ako magnanakaw. Binili ko sa junkshop. Pinaayos ko lang."
Pinaayos?
Dumiin ang tingin ko sa kanya at hinaplos pa ang refrigerator. Maniniwala pa sana ako kung bulok na gamit ang dinala niya.
"Talaga ba? Bakit amoy bago?"
"Mali lang ang pang-amoy mo." pagtatapos nito sa tanong ko.
Umiling ito at bigla na lamang binuhat ang ref at walang pasabing pinasok sa bahay namin.
"Yes! Thank you, Pareng Drake!" si Mareng na tumatakbo papaosk kasunod nito.
Like, what?!
Iniwan nila ako dito sa labas. Nakalimutan yata ni Mareng na ako ang Mama niya at ni hindi niya kamag-anak si Drake.
Hindi maipinta ang hitsura ko pagkapasok sa bahay. Napataas pa ang kilay ko sa nakitang nilabas nitong bucket of chicken mula sa ref.
Saan ba siya kumukuha ng pambili niya?
"Hindi ba kulang pa ang isang araw mong sweldo para diyan sa manok?"
Humila ako ng upuan at pinunasan ang bibig ni Mareng na nadumihan ng crumps sa gilid.
"Thank you, mimi." hagikhik pa nito na kinangiti ko.
All my anger disappeared. Sa nakikitang saya niya habang kumakain ng manok ay natutunaw ang puso ko.
"Nag-advance ako. Ngayon lang naman." bulong nito bago hinila ang upuan sa gilid ko.
Nahigit ko ang hininga ko sa presensya niya. Tila sumikip yata ang kusina sa laki niya. Lalo pa akong hindi nakagalaw at nakalimutan ang sagot niya matapos dumampi ang braso niya sa siko ko.
Umabot siya ng isang pirasong manok ngunit walang platong mapaglagyan.
"Sandali, kukuha ako ng plato at kanin."
Akmang tatayo na ako ngunit naramdaman ko ang palad niya sa bewang ko, pinipigilan ang pagtayo ko.
"Ako na." bulong niya.
Hindi ako nakasagot. Binalik niya ang kinuhang manok bago tumayo. Nanatili lamang na nakasunod ang tingin ko sa bawat galaw niya.
He moves perfectly on our small kitchen. Halata na sanay siya sa kusina. Kita ko pa ang bahagya niyang pagngisi pagkakita sa rice cooker. Naglapag siya ng tatlong plato sa mesa at nilagyan iyon ng kanin.
May heart warmed. Dad never did this to us. Laging si mama ang tagasilbi sa hapag-kainan. But Drake moved like he's doing this for a long time.
"Let's eat."
Natauhan lamang ako nang bumalik siya sa pag-upo. The space between us didn't manage to let pass the hot air coming from his breath. Ramdam ko ang bahagyang pagtama niyon sa balat ko.
It's not dirty, but hot!
Silang dalawa lang ata ni Mareng ang nakakain ng maayos. Ako ay hindi. Ni hindi ko maangat ang kamay ko ng maayos sa takot na dumikit ang balat ko sa balat niya. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang matapos at magpaalam siya pauwi.
Pinatulog ko lang si Mareng bago hinugasan ang mga pinagkainan. Miminsan pa akong napapatitig sa refrigerator. Kapag ba hiningi ko ng Nanny si Mareng, bibigyan niya?
That's crazy!
I can't still believe that someone who is not close to us, and not even related, can give us this. Siguro dahil wala siyang pamilya, at binata pa?
Natigilan ako dahil doon. Bakit ko ba tinatanggap ang mga bigay niya?
Baka mamaya ay may asawa't anak na siya na nasa malayo. Take note to check his ring finger, Veron!
"Mimi, maaga kaming uuwi mamaya. Three daw sabi ni Teacher." si Mareng.
"Sige, hindi na ako male-late. Huwag kang sasama kung kanino."
Hinagod ko pa ang buhok nito bago pinapasok sa bahay nila Aling Flor. Nahagip pa ng tingin ko si Drake na papalabas ng apartment niya habang nakapamulsa at may hawak na telepono sa tainga.
"Sige na, baby. Huwag makulit." kumaway pa ako kay Mareng at kay Aling Flor na sumilip mula sa sala.
I walked hurriedly to hail a tricycle ngunit nakapara na si Drake at inaabangan ako. Napaingos ako at hindi na nagbalak na tumawag pa ng iba. Sayang din ang pamasahe, baka libre niya ulit!
Pinapasok niya ako at kagaya dati ay tila sumikip ang loob ng tricycle nang maupo siya sa tabi ko.
"Kumportable ka ba?" tanong nito.
Napakurap ako. Pwede bang sabihing hindi?
Tumango na lamang ako at umiwas ng tingin. Ngunit nang maalala ang palasingsingan niya, bahagya ko 'yong sinisipat ng tingin. Ang kaso ay hindi ko makita. Ang kamay niya ay nakatago sa bandang gilid niya.
Napagod lang ang leeg ko at mata ko kasisipat! Nakuha ko ng bumaba sa school, ni hindi man lang nasilip kahit kaunti kung may singsing ba o wala. Maging sa huling klase ay hindi ako pinatahimik ng singsing!
Ano ba, Veron! Baka wala ngang singsing pero may asawa at hindi pa kasal!
"Veron! Bayad na 'yong internship uniform mo!" si Ma'am Karen.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. Natataranta ko pa siyang nilapitan.
"Po? Pero hindi pa po ako nagbabayad." naguguluhang tanong ko.
Kumibit balikat ito. "Baka 'yong dati ulit ang nagbayad. Na-iintriga na ako sa sponsor mong 'yan. Ayaw magpakita." naiiling pang turan nito habang nilalapag sa palad ko ang plastic na may lamang uniporme.
Napatitig lamang ako doon. Kung bakit nakaabot ako sa huling taon ng kolehiyo ay hindi rin ako sigurado. Yes, I am working. But that anonymous person na laging binabayaran ang bills ko ay hindi ko mahanap. Ang sabi lang ng admin ay full scholarship ako.
I shrugged the thought. Thank you na lang kung ganoon. Mabuti iyon at nakababawas sa gastusin namin ni Mareng.
Maluwang ang naging ngiti ko sa oras ng trabaho. Ang nakalaan na para sa uniporme ko ay idadagdag ko na lamang sa birthday ni Mareng.
"Ma'am Karen, 'tong deo mo po."
Binigay ko dito ang deo-cream na order niya, agad niyang binayaran iyon na kinatuwa ko. I even check the time. Alas tres ang uwian nila Mareng kaya't ala una y medya ay nag-out na ako sa school.
I waited patiently on the waiting shed. Pinakita ko pa sa iilang mga nanay ang mga katalog na bitbit ko.
"Veron, itong panty, large lang ah."
"Sa'kin itong feminine wash. Itong malaki ah."
Tinitipa ko sa notes ko ang bawat order nila. Pa-isa isa pero kapag naipon, madami rin.
"Mimi, let's go na!" si Mareng na kararating lang sa waiting shed.
"Alright, baby." hinalikan ko 'to sa pisngi na kinahagikhik niya. "Hatid ko na lang po kapag nakuha ko na ang mga order." paalam ko sa mga nanay na um-order.
"Mimi, punta tayong palengke?" tanong nito.
Hindi pabalik ng bahay ang tungo ng tricycle kundi papuntang palengke.
"Hm. Bibili tayong bigas."
"Daanan na'tin si Pare, mimi!" umaasang request nito.
Tumango ako. Pagkababa pa lamang sa tapat ng palengke ay halos takbuhin na nito ang fruit section. Kung hindi ko siya nahabol ay baka nandoon na siya agad sa mango store.
"Mareng, huwag kang basta tumatakbo." sermon ko dito.
Bumagal ang lakad niya at kumapit ng mahigpit sa kamay ko.
"Sorry, mimi."
Tinanguan ko siya bago giniya sa tinadahan ng bigas. I bought five kilos of rice, enough to carry. Kasya na 'yon sa isang linggo. Bibili na lang ako kapag hindi ko na kasama si Mareng.
Hinihila nito ang kamay ko papuntang mango store. Halos takbuhin niya iyon nang makita si Drake na may buhat na isang basket ng mangga. Walang damit at pawisin.
"Pareng Drake!"
Pagbaba sa basket ay napalingon pa ito kaagad sa amin. Hinagod ang buhok at mabilis na sinulyapan si Mareng bago ako nilingon. Bumagsak pa ang tingin nito sa hawak kong isang supot ng bigas.
"Pare! Uwi na tayo."
"Mareng! Oras pa ng trabaho niya." suway ko kay Mareng.
Napalabi itong tumingin sa akin bago binalik ang tingin kay Drake.
"Sandali, magpapaalam ako." alo nito kay Mareng.
Napataas ang kilay ko lalo na ng kuhanin nito ang isang tuwalya at nagpunas ng pawis. Kinuha din nito ang t-shirt na itim na nakapatong sa isang kahon.
Tumikhim bago hinarap ang kasamahan.
"Uuwi na'ko. Palagay na lang ng undertime." paalam nito.
"Teka Drake, paano 'yong kinita?" alanganing tanong ng kasama niya.
"I-lock mo na lang. Bukas ko na lang bibilangin."
So, he is a trusted man? Baka naman kaya kami naibili ng ref ay galing sa kita ng store ang ginamit niya.
"Tara na. Hindi ko ginawa 'yang iniisip mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatakip ng bibig. Hindi ko naman nasabi di ba?
Napailing ito bago binuhat si Mareng at mabilis na kinuha ang hawak kong supot ng bigas.
Natataranta pa akong humabol sa kaniya. Ang bilis ng mga hakbang niya!
"Sandali lang naman!" sigaw ko dito.
Nilingon niya ako bago tumigil sa tindahan nang pinagbilhan ko ng bigas.
What shock me is when he gave back the rice I bought.
"Palitan mo ng isang sakong bigas. Ako na ang magbabayad." sabi nito sa tindero.
What?!