"Teka, wala akong pambayad diyan." pigil ko sa kanya.
Binigyan lamang ako nito ng isang sulyap bago nilipat si Mareng sa mga bisig ko.
"Mimi, we're rich na. Marami na tayong bigas." natutuwang bulong pa nito na agad kong sinuway.
Binalikan ko ng tingin si Drake na ngayon ay hinuhubad na ang pang-itaas. Tumambad sa harapan ko at sa madla ang magandang pangangatawan nito na puno ng tattoo. Lalo lamang pinaganda ng mga tattoo niya ang muscle sa bawat tiyan niya.
Wala sa loob na napalunok ako at natigilan. Natauhan lamang ako nang isampay niya sa balikat ko ang t-shirt niyang itim. Kita ko pa ang dalawang libong nilabas niya sa wallet niyang itim at agad na binayad sa tindero.
"Wala pa akong pambayad sa'yo." pigil ko sa pagbuhat niya ng bigas.
"Hindi ko naman pinapabayad pero sige, may utang ka na sa'kin." swabeng sagot nito.
Napailing pa siya sa sinabi at nakangisi pang binuhat ang isang sakong bigas.
"Tara na." bulong niya sa tainga ko at giniya pa ang likod ko upang makaalis na sa palengke.
He carried the sack of rice only in his one shoulder, supported by his one hand. Walang hirap at mukhang hindi nangangalay.
Mabagal ang mga hakbang ko at hindi halos maproseso ang ginawa niya. Lahat yata ng ipon niya ay naubos na sa amin ni Mareng. Bakit niya ba kami pinagkakagastusan?
"Veron, tara na."
Nanlamig ako sa pagbigkas niya sa pangalan ko at lalong natigilan. Hindi pa nakatutulong si Mareng na mahigpit ang kapit sa leeg ko at halos antukin. Nagkabuhol-buhol ang paghinga ko nang lumapit siya at walang paalam na inakbayan ako sa balikat upang bumilis ang mga hakbang ko.
Napakagat ako sa labi at hindi maiwasang mamula ang mga pisngi nang umani ng tingin sa mga mamimili at nagtitinda.
"May asawa na pala si Pogi. Ganda ng anak nila. Magandang lahi." dinig kong bigkas ng isang ginang na nagtitinda ng gulay.
Lalo akong nahiya at hindi makatingin sa paligid. Humigpit pa ang akbay niya at kulang na lang ay idikit niya ang katawan sa akin.
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makalabas ng palengke. Pumara siya ng may kaluwangan na tricycle. Pina-una niya kami ni Mareng bago niya pinwesto ang bigas sa may bubong ng sasakyan. Tinali.
Ang buong akala ko ay sa likod siya sasakay ngunit nahigit ko ang hininga ko nang umupo siya sa tabi ko. Umayos pa sa pagkakaupo sa kandungan ko si Mareng bago sumandal sa bandang dibdib ko. Sinulyapan niya pa ito bago marahang kinuha ang t-shirt niyang nasa balikat ko.
Halos pigil ang paghinga ko. Bakit kasi sa balikat ko pa? Pwede namang isampay niya sa balikat niya!
"Mimi, I'm sleepy." Mareng murmured before she drifted to sleep.
Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Okay lang sana kung magdadaldal si Mareng. Pero ngayon na natutulog ay kinakabahan ako kay Drake.
Niladlad niya ang t-shirt sa harapan upang maisuot, hindi sinasadyang napatingin ako sa palasingsingan niya.
Walang singsing!
Hindi ko alam ngunit nagdiwang ang kalooban ko dahil doon. Siguro dahil ayaw kong ma-guilty na may pamilya siya tapos halos maubos ang pera niya sa amin ni Mareng.
Pilit kong kinakalma ang sarili ngunit hindi ko magawa lalo na ng magsuot siya ng t-shirt at halos hindi mahiwalay ang balat niya sa balat ko.
An unfamiliar heat travel down to my system. It's a little feverish. Tumitindi ang kaba ko sa pakiramdam na 'yon at gusto na lamang na mahiwalay sa kanya at makauwi ng bahay.
Kaya naman laking pasasalamat ko nang tumigil ang tricycle sa apartment. Agad siyang lumabas upang kuhanin ang bigas. Ako naman ay halos mataranta sa pagbaba at halos takbuhin ko ang sariling apartment. Ni hindi ko na binayaran ang tricycle, babayaran naman siguro niya.
Huminga ako ng malalim nang makarating. Nanginginig pa ang kamay ko sa pagbaba kay Mareng sa kama niya. Inalisan ng sapatos at pinalitan ng pambahay ang unipormeng suot. Linakasan ko pa ang electricfan niya at tumutok doon. Just to make myself calm down. Pinagka-number three ko sakaling liparin ang nararamdaman ko ngunit bigo ako.
Why do I feel like burning with him beside me?
Lagi na lang! Hindi na nakalma ang damdamin ko.
Nanatili pa ako sa kwarto ni Mareng kahit na rinig ko ang mga hakbang ni Drake papasok at papuntang kusina. Baka nilagay ang bigas sa kusina.
Ayaw ko naman maging bastos kaya nang bahagyang makalma ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko siyang nakatitig sa bukas na ref.
"Bakit hindi mo pa ginagamit?" biglaang tanong nito.
Nilagpasan ko siya at dumiretso sa lababo. Sinadya ko pang lakasan ang bukas sa faucet upang doon mapokus ang atensyon ko at hindi sa kanya na nagpapasikip sa kusina.
"Sinabi ko naman na wala akong pambayad ng kuryente." mahinang sagot ko.
"Sinabi ko din naman na ako ang magbabayad sa dagdag na kuryente."
He looked at me with those sharp brown eyes. Hindi naman sa panghuhusga ngunit alam kong hindi sapat ang kita niya para doon, lalo na at magbabayad din siya ng sariling kuryente at renta.
"Baka ubos na ang pera mo. Ako nga na madaming raket at may part-time job ay nagkukulang. Ikaw pa na-"
"Iniinsulto mo ba ako?" may tono ng pagka-insulto ang bigkas nito. Lumalim pa ang titig niya sa akin na muli kong kinakaba.
"Hindi sa ganoon."
Wala akong maidugtong dahil pakiramdam ko ay nainsulto ko nga siya. Napayuko at pinatay na lamang ang gripo.
"Pasensya na." Hinging paumanhin ko.
Nahagip ng tingin ko ang paggalaw niya at pagsara sa ref. Sunod doon ay ang pagsaksak nito sa outlet.
"Ako ang magbabayad. Kaya ko naman bayaran. Kaya ko ngang buhayin si Mareng at kaya din kitang buhayin."
Nagwala ang damdamin ko dahil doon. Napahawak pa ako ng mahigpit sa lababo.
Susmiyo, Lord! My virgin heart!
"Huwag kang kiligin. Si Mareng lang ang bubuhayin ko." huling sabi niya bago umalis.
Kagigil! Hindi naman ako umasa! Slight lang!
Sumama ang timpla ko sa sinabi niya. Paasa. Kung hindi lamang ako naistorbo sa tunog ng telepono ko ay hindi mawawala ang inis ko sa sinabi niya.
Nagmamadali kong binalikan ang bag ko at kinuha doon ang telepono.
Unknown number calling...
Kinakabahan ko pang sinagot iyon.
"Hello, Ma'am. This is Yumi, from the Nearest Bank, sorry for calling late at this time. I just want to inform you that your internship paper has been approved. You may start tomorrow, thank you."
My lips parted. Ni hindi man lang ako nakapag-hello at agad na pinatay nito ang tawag.
May attitude!
But nevermind. What matter is that, I am approved. Mahimbing ang naging tulog ko kahit na halos ginambala ako ni Drake sa buong araw. Mabuti na lang at may good news, kung wala ay baka mapalayas ko na siya dito.
Dumiretso ako sa bangko at hindi na sa eskwela. This is the start. Alas nuwebe noong magbukas ang bangko. Sinalubong pa ako ng babaeng singkit ang mga mata at may pagkachubby.
"Hi, I'm Miss Yumi. I'll be your guide. Please cooperate and listen carefully." she formally said.
Napakurap ako sa pormal nitong mga galaw. May dalawa pang dumating na empleyado na ngumiti sa akin. Pinaupo lamang ako ni Miss Yumi sa tabi niya. Telling me her kind of work.
"Veron, break na muna." ani nito. Wala na ang kapormalan.
"Sige po-"
Akmang tatayo na ako ngunit pinigilan nito ang siko ko.
"Timpla mo muna ako ng kape bago ka mag-break." ngumiti pa ito ngunit binalik din ang tingin sa harapan.
Napamaang ako ngunit sumunod din. Bumubulong-bulong pa ako habang pinagtitimpla siya ng 3-in-1 coffee.
Iba yata ang napasukan kong internship! Nasa maling bangko yata ako!
Ang akala ko ay iyon lang ang request niya ngunit pagdating ng tanghalian ay nagpabili pa siya ng ulam sa malapit na karinderya.
Nagpipigil akong mainis. She's not the boss! Tiis lang, Veron!
Pagkahatid ko sa pagkain niya ay nagmamaktol pa akong kumain sa pantry. Ngunit pagkatapos ko ay may panibagong utos na naman ito.
"Veron, pabili munang buko juice."
I kept my mouth shut! Kahit pa gusto kong mangatwiran.
Mali nga yata ang bangkong napasukan ko!
Naghanap ako ng nagtitinda ng buko juice, kahit may iilang bumibili ay naki-singit na ako upang agad na makabili.
Nakahinga ako ng maluwag nang maiabot ng tindera ang buko juice at kinuha ang bayad ko. Lakad takbo pa akong bumalik sa bangko.
Tiis lang, Veron! Para kay Mareng.
Ngunit bumagal ang hakbang ko nang makita si Drake na nakapila sa counter. Palinga-linga sa mga empleyado. Kumunot ang noo ko nang masalubong ang mga tingin niya. Dumapo pa sa hawak kong buko juice ang titig niya bago binalik sa mga mata ko.
I saw disgust in his eyes. Napirmi pa ang mga labi niya.
Tinanguan ko siya bago tuluyang pumasok sa may counter at binigay kay Miss Yumi ang buko juice niya. Walang Thank you. Bumalik lamang ito sa ginagawa.
"I-alphabetical mo nga ang mga ito, Veron." utos niya.
Walang kibong ginawa ko ang utos niya habang siya ay abala sa mga customer. Nagtitipa at humahawak ng pera.
"Yes, sir? Savings po ba?" dinig kong tanong nito.
"Hindi. Deposit lang."
Napa-angat ang tingin ko sa nagsalita at nasalubong ang tingin ni Drake. Sinulyapan din nito ang mga papeles na inaayos ko.
"Akin na po, sir." si Miss Yumi.
Binigay ni Drake ang paperslip at mga lilibuhing nakagoma.
Napataas ang kilay ko. He is really a trusted man huh?
Sinubukan kong silipin ang mga impormasyon ngunit kipkip iyong mabuti ni Miss Yumi at tila ayaw ipakita sa iba. Nang matapos ito ay nakangiti pang humarap kay Drake.
"Thank you, sir Dra-"
"Drake, Miss." putol nito kay Miss Yumi.
Balak pa yatang pormahan si Miss Yumi!
"Yes. Thank you, sir Drake! Come again." malugod pang ulit ni Miss Yumi.
Tumango lamang si Drake bago umatras ngunit hindi agad na umalis. Nagtaka pa ako nang lumapit siya ulit sa counter.
"Yes, sir. Did you forget something?" si Miss Yumi na ngiting-ngiti.
Nanatili ang tingin ko sa kanya lalo na ng hindi niya pansinin si Miss Yumi.
"Ako na ang susundo kay Mareng. Dadaanan ka namin dito." pagpapaalam nito sa akin.
Kahit na bahagyang nagulat ay wala sa loob na napatango ako at napatingin pa sa orasan. Bakit ba nakalimutan kong malabong masundo ko si Mareng palagi? Ang out ko ay alas singko ng hapon. Hindi naman pwedeng laging maghintay si Mareng.
"Mimi!" si Mareng.
Binaba ito ni Drake mula sa mga bisig niya at tumakbo pang lumapit sa akin. Agad ko siyang binuhat at hinalikan pa sa pisngi.Napalingon pa ang guard at nakangiting tumango sa amin.
"Anak ko po. Mauna na po kami." paalam ko pa dito.
"Sige, Veron. Ingat." ani ng matanda.
"Mimi, I got a lot of stars!" kwento nito.
Pinakita pa nito ang mga kamay na puno nga ng mga tatak na bituin. Natuwa ako dahil doon. I know how bright she is. Hinahayaan ko lamang siyang mag-enjoy sa pag-aaral niya at huwag isipin ang ano mang reward. It's better that way. Less pressure.
"Tara na?" si Drake na may napara ng tricycle.
May bitbit itong bulaklaking paperbag na agad niyang tinabi nang pumasok kami ni Mareng sa loob ng tricycle.
Akmang ipupwesto ko si Mareng sa tabi ko ngunit agad na umupo doon si Drake. Ang ending, sa kandungan ko ulit naupo si Mareng.
Humigpit ang yakap ko sa anak ko at iniwasang hind lingunin si Drake kahit pa ramdam ko ang paninitig nito sa aming dalawa ni Mareng.
"Mimi, my teacher wants to talk to you. If you have free time daw po. But I told her that you are so busy that she needs to ask for appointment. You have lots of business. Right mimi?" inosente pa itong kumurap.
Nanlaki ang nga mata ko. Akala yata ni Mareng ay bigatin ang mga negosyo kong pautang. Ngayon pa lang ay nahihiya na ko sa teacher niya. Sana naman ay hindi no'n isiping mayaman ako at magpa-sponsor pa ng electricfan sa classroom.
"Baby, bakit mo sinabi 'yon? She doesn't need to ask for an appointment. Di bale na. Pupuntahan ko na lang." sumusukong sabi ko nang makitang wala naman itong pakialam sa sagot ko.
"Mimi, I asked my classmate, Pearl, to order some brassiere from you. She needs it when she will grow up!" masiglang sabi niya.
Halos mapatapik ako sa noo ko. Hindi ako makapaniwalang negosyante na rin ang anak ko at pati kaklaseng limang taon gulang pa lamang ay inaalok na ng bra.
"Baby, she's not yet a lady. You can offer her cologne, but not brassiere."
Tumango ito at tila sumang-ayon pa sa sinabi ko. Hindi na ako magtataka kung i-aalok nga niya ang mga pabango.
"Noted, mimi. One month to pay din po ba sa kanila, mimi?" inosenteng tanong niya.
Dinig kong napatawa si Drake at bahagya pang napakagat sa ibabang labi. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit umiwas lamang siya at tumikhim.
Hindi ko nasagot si Mareng nang tumigil ang sasakyan at agad itong lumabas at tumakbo papuntang apartment.
"I can't miss Peppa Pig!" dinig ko pang sigaw nito.
Napailing ako at marahang bumaba pagkababa ni Drake. Inabutan pa nito ng singkwenta ang tricycle driver na agad lumabas.
"Ang talino niya." wala sa loob na komento nito.
My smile widens. I felt so proud. Kahit anong papuri kay Mareng ay kinasasaya ko.
"Mana sa akin." ngisi ko pa.
Napaubo siya na kinakunot ng noo ko. Sinasabi ba niyang hindi nagmana sa akin ang anak ko at hindi ako matalino?
"Pasensya na. Mana nga sa'yo." napipilitang tugon niya.
Inirapan ko siya at nauna ng humakbang. Ngunit hinabol niya ako at iniharang pa ang paperbag na bitbit niya.
"Ano naman 'yan?!" may galit na tanong ko.
Kinakabahan na ako sa mga binibigay niya. Baka mamaya ay malaking gastos na naman o malaking bagay.
"Mga pangako kong bra at panty para sa'yo. Isang dosena."
My eyes widen with that. Brassieres?! Akala ko ba ay biro lang?!