Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Pagmulat pa ng mga mata ko ay nanlalabo ang paligid at hindi ko malaman kung nasaan ako. "She's awake!" Boses iyon ni Mareng na tuluyan kong kinagising. Naka-abang ito sa paggising ko ngunit nang matagpuan ang mga tingin ko ay agad itong bumaba sa upuan at tumakbo papunta kay... Miss Kim. Umasim ang sikmura ko pagkakita sa guro. Padalos-dalos akong umupo sa higaan at balak na sugurin ang guro kung wala lang matipuno at may kagaspangang kamay ang pumigil sa braso ko. "You're weak. Rest for awhile, then I'll take you home." Natigilan ako sa mababang boses ni Draco at nilingon ito mula sa kabilang gilid ko. Natitigan ko ang mga asul nitong mga mata na puno ng pag-aaalala. At kahit nang malinaw na masilayan ang kisig niya, alam ko sa sarili k

