Groggy pa ako nang magising kinaumagahan ngunit hindi ko rin napigilang ngumawa sa harap ni Mama. Bakit naman kasi ako pa? "Mama, hindi na po ako magkaka-anak." Suminghot ako at pinigilan ang maiyak. Kagabi pa ako nababahala. Ni hindi ko na alam kung ano ang mga ginawa ko, pati ang cellphone ko ay basta ko na lang hinagis sa sahig. "Ano na namang pinagsasabi mo, Verona?!" Binaba pa nito ang sandok na hawak at linapitan ako sa mesa. "Mama, hindi na po ako mabubuntis. May sakit po ako!" Hindi ko na napigilan at basta na lang umiyak doon. Sinabi ko pa kay Mama ang hinuha kong sakit. Natampal pa ako nito sa braso na hindi ko maintindihan. "Hindi ka pa nga nakapagpatingin sa doktor ganyan na ang iniisip mo!" "Sigurado na 'to, Mama. Hindi ko po alam paano ito magagamot." Muling pumatak a

