KABANATA 9

2095 Words
'Dalawang dosena, XL.' Pilit iyong pumapasok sa isipan ko. My gosh, Veron! Hindi na yata ako patatahimikin ng mga salita niya. Hindi ko na nga halos siya matignan kanina sa pagsabi niya ng order niya. Kung hindi ko pa hinila si Mareng pabalik kila Aling Flor at walang lingon-likod na lagpasan sina Drake ay hindi ako kakalma. Ngayon namang nasa bangko ay miminsang inookupa ang kaisipan ko. Hindi ko alam kung anong meron diyan kay Drake at lagi na lamang akong ginagambala. Sa totoo lang ay maayos naman siyang makisama at galante, ngunit masyado lang ding pilyo. Napailing ako ngunit natigil matapos mamataan ang lalaking iniisip ko sa pila. Mag-isa at hindi na kasama ang bisita niya. May hawak na paperslip at ballpen. "Veron, pasuyo muna. Magbabanyo lang ako." si Miss Yumi. Hindi pa man ako nakakasagot ay umalis na ito. Alanganin tuloy akong ngumiti sa matanda. "Anong po ang sa inyo, Lola?" Pinilit kong gandahan ang ngiti ko upang gumaan ang pakiramdam ng matanda. Tumikwas ang kilay nito at ang naniningkit na mga mata ay linilingon ako. "Ipa-update ko sana ang account ko. Dumating na kasi ang pensyon ko." Iniabot nito sa akin ang bank book niya na malugod ko namang kinuha. Tinipa ko sa computer ang account ni Lola bago nilagay sa machine ang bank book niya upang ma-update at lumitaw kung magkano ang dumagdag sa account niya. Nang matapos ay agad ko iyong binalik kay Lola. "Thank you po," magalang ko pang pasasalamat. Tumango lamang ito bago agad na tumalikod. Napanguso ako ngunit agad na natigilan matapos malingunan si Drake na sunod sa pila ngunit umiling ito sa kasunod at pinauna iyon. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Nakangiti ko pang pinagsilbihan ang ginang na nag-deposit. Ngunit agad ding bumalik ang kaba ko pagkaalis nito at makitang muli na si Drake na ang susunod. Kagaya kanina ay umiling ito sa kasunod at iyon muna ang pinauna. Kung kanina ay kinakabahan akong attend-an siya ngayon naman ay nangungunot ang noo ko sa hindi niya paglapit. Baka akala niya ay hindi ko alam ang trabaho ko at natatakot siyang magkamali ako. Salubong na ang kilay ko ngunit pilit kong tinutuwid upang hindi naman maasiwa ang ginang na nagde-deposit. Malapit na itong matapos nang muling liningon ko ang pila. But aside from Drake, ginang na diretso ang titig sa akin ang nalingunan ko. Her knotted brows and that strict line on her lips shook my nerves. Nanginig ang kamay ko at napayuko. Kumabog ang dibdib at pinigilan ang mga luhang nais tumakas. To see Mama right in front of me now is fearful. Bumabalik ang sakit at hinanakit. I don't know why she is here. Masyadong malayo ang bangkong ito sa bayan nila. Sana ay si Drake na ang mauna bago siya, ngunit nagkamali ako. Hindi ako makapagtipa nang maayos matapos mahagip ng tingin ang suot nitong pulang damit at itim na pants. Amoy ko din ang mabagsik nitong pabango na nanunuot sa ilong ko. "Magbubukas ako ng account," diretso at matigas nitong sabi. Tila nalunok ko ang dila ko at hindi makabuo ng salita. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba si Mama o mananatili sa computer ang tingin ko. Sa huli ay bumagsak sa keyboard ang tingin ko. "Ako na, Veron. Pa-double check na lang noong mga files sa green folder," si Miss Yumi. Mabilis akong tumayo at lumipat ng upuan. Nasalubong ko pa ang nakataas na kilay at nanunuring tingin ni Mama. Agad akong napayukong muli at halos hindi makagalaw sa nararamdamang titig ni Mama. Linukob ako nang pangungulila ngunit bahagya din akong pinangungunahan ng hinanakit. "Pangalan po, Ma'am." Kinuha ni Miss Yumi ang mga dokumentong dala nito bago nagtipa. "Emel Hernandez." Sinubukan kong huwag nang makinig. Pinilit kong magpokus sa binabasang papeles ngunit natitigilan lamang ako at bumabalik ang kaisipan sa kung paano nila ako hindi tinanggap. Kusang gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko lubos maisip na ang magulang ay magagawa iyon sa kanilang anak. If Mareng takes the wrong path, I will not disown her. I guide her back home, in the right path. Ngayon magulang na ako ay mas nananaig ang pagiging ina ko kaysa sa ano pa mang bagay o panandaliang kasiyahan. "Thank you, Ma'am Emel," Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Mas lalo na ng marinig ang mabibigat nitong hakbang paalis. Wala sa loob na napapaypay ako gamit ang kamay at napabuga ng hangin. Ngunit natigil din matapos malingunan sa counter si Drake at kunot-noong nakatingin sa akin. "Yes, sir?" Agaw ni Miss Yumi sa atensyon nito ngunit hindi niya nilingon ang teller at inabot lamang ang paperslip, bank book, at mga perang nakagoma. Kaninang ako ang nasa counter ay hindi siya lumalapit, ngayong si Miss Yumi ay agad siyang lumapit. Siya lang pala ang hinihintay niya kaya't pinauna pa ang iba. I glared at him because of that, but he equaled my stare. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin. His menacing eyes are searching the deepest part of mine. Binura niyon ang kaninang naramdaman ko kay Mama. Kung hindi pa siya muling tinawag ni Miss Yumi ay hindi pa matitigil ang pagtitig niya. "Thank you, Drake." Inabot pa nito pabalik ang bank book. Ang akala ko ay may sasabihin pa siya ngunit dumapo lamang ang tingin niya sa mga papeles na binabasa ko bago umiling at tumalikod. Tinapos ko ang duty bago hinintay ang pagsundo nila sa akin ni Mareng. Tumatawa pang yumakap si Mareng sa akin at nag-abot ng isang balot ng Trolli candies. "Mareng, nagpabili ka ba niyan sa Pare mo?" mahinang bulong na tanong ko. Hindi ko alam kung anong iaakto lalo pa't seryoso si Drake at tila naiinip kahihintay sa amin. "Mimi, no. Ay yes pala, ay hindi pala. Hindi naman ako binili ng limang malaking box na Trolli candies ni Pareng Drake. Hindi, Mimi. No talaga." Niyakap pa nito nang mahigpit ang pack ng candy matapos ko siyang bigyan ng naniningkit na tingin. "Mareng," I impatiently called. Namimilog ang mga mata nitong umiling bago tumakbo kay Drake. Maging nang makasakay sa tricycle ay kay Drake siya nagpakandong. Pareho ko silang binigyan ng matalim na tingin. Hindi na ako magtataka kung makakita man ng malaking kahon sa bahay depende na lang kung itinago nila. Gusto ko sanang pagalitan si Drake ang kaso ay kunot ang noo nito at seryoso ang tingin sa unahan. Tinikom ko ang bibig ko at nanahimik. Pansin kong kanina pa siyang wala sa mood. Maging sa pag-uwi ay tahimik lang nitong binitbit si Mareng at nagbayad sa tricycle driver. Hinuha ko lang, baka naman wala na siyang pera at inubos ni Mareng. Dahil doon ay naniningkit kong tinignan si Mareng na nagbubukas ng Trolli candy. Inosente itong kumapit sa balikat ni Drake at hindi ako pinansin. "Veron, sa linggo ay bayaran na ng upa at kuryente. Iabot mo na lang ang sayo kapag may pera ka na." si Aling Flor. Nakangiwi ko itong nilingon. Maging si Drake ay napatigil at napatitig sa ginang. "Sige oh. Salamat po." Ngumiti ako dito bago tuluyang binuksan ang pinto ng apartment ko. "Mimi, maghihirap na naman ba tayo? Kukunin na naman ni Aling Flor ang pera natin?" si Mareng na bumaba mula sa bisig ni Drake. Napangiwi akong muli at hindi makatingin kay Drake. "Hindi, Mareng. May pera pa." Pinapasok ko siya sa loob bago hinarap si Drake na sinusundan ng tingin si Mareng na papasok ng kwarto. "Uhm. Papasok na ako," paalam ko sa kanya ngunit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya hindi ko alam kung dapat ko na bang isarado ang pinto o hindi. "Uhm. Isasarado ko na." Kahit hindi pa siya sumasagot ay isinara ko na ang pinto. Hindi ko alam kung kabastusan iyon, ayaw ko naman na manatili pa siya sa pinto. Bukod sa bayarin ay iniisip ko din kung bakit ganoon si Drake. Baka nga nagsawa na siya kakapabili ni Mareng. Bakit niya naman kasi laging pinagbibigyan gayong hindi naman kalakihan ang sahod niya. Pagdating ng umaga ay mas maaga kong iniwan si Mareng kila Aling Flor. Ayaw ko na munang makasabay si Drake sa tricycle kaya naman nang makitang lumabas ito pati ang kaibigan niya mula sa apartment ay agad akong pumara ng tricycle. Kita ko pang nanatili sa akin ang tingin niya matapos makitang sumakay ako. Inalis ko iyon sa isipan ko. Baka naman ay may dinadamdam lang ang tao. Pinilit kong maging matiwasay ang trabaho ko. Kahit nakailang utos si Miss Yumi ay hindi ako umangal. Sa ngayon ay mas gusto kong gumagalaw at hindi manatili sa upuan upang hindi maisip si Drake. Ngumingiti ako sa bawat customer at miminsan ay tumutulong kay Miss Yumi sa bawat nag-oopen ng account. Nawala nga lamang ang ngiti ko matapos matanaw muli si Mama na papalapit sa counter namin. Ang tingin nito sa akin ay nang-uusisa, bumaba pa ang tingin nito sa uniporme ko. Napatayo ako nang tuwid at pinilit ngumiti. I do really want to forget what they did to me. Gusto kong malugod silang patawarin ni Papa. After all, they are still my parents. Baliktarin man ang mundo ay sila pa rin ang magulang ko. "Yes, Ma'am? Mag-de-deposit po ba?" tanong sa kanya ni Miss Yumi ngunit hindi niya binaling ang tingin dito. "Hindi ka pa kasal?" matigas nitong tanong. Dinig kong napasinghap si Miss Yumi. Akala yata ay para sa kanya ang tanong. Ngunit alam kong para sa akin lalo na at matalim ang tingin ni Mama sa nameplate ko. Napayuko ako dahil doon. Hindi na nga nila ako tinanggap, ngayon naman ay hinahanap nila ako ng asawa. Marahan akong umupo at hindi na muling nilingon si Mama. "Hindi ka pa kasal, Miss Yumi?" Baling nito kay Miss Yumi. "Wala pa po akong Jowa, Ma'am." Bahagyang humagikhik pa si Miss Yumi. Iyon ang umukopa sa isipan ko. Mabuti na lang at tapos na ang duty ko kaya't hindi pa man ako pinapaalis ay agad akong nag-out at lumabas ng bangko. Tumayo ako sa bandang gilid ng guard at naghintay kila Mareng. Kumukunot ang noo ko at napapadals ang tingin sa cellphone para sa oras. Ilang minuto na silang huli sa dating oras. Hindi ko maiwasang kabahan dahil doon. Kung hindi ko pa narinig ang boses ni Mareng na papalapit ay hindi pa ako makahihinga nang maluwag. "Mimi! I have stick-O! Pareng Drake bought this for me." Lumapit ito at pinakita pa ang yakap na isang malaking bote ng stick-o. "Mareng, thanks God." Niyakap ko siya nang mahipit at binigyan nang matunog na halik sa pisngi na kinahagikhik niya. "Mimi, Pareng Drake knows your sister," bulong nito na kinakunot ng noo ko. Sister? Wala naman akong kapatid. "He wants me to call Frey as Tita Frey. So, I assume she is your sister!" dagdag na bulong nito. Tumikwas ang kilay ko at nilingon si Drake na nakasandal sa tricycle. May ngisi na at naninitig. Tinaliman ko siya ng tingin dahil sa binalita ni Mareng. Akala yata niya ay hindi nagsusumbong ang bata. "Kung mabait ang Tita Frey mo ay tawagin mong Tita. Pero huwag kang mang-iistorbo kapag nag-uusap sila ng Pareng Drake mo." Bahagya pa akong lumuhod bago binuhat si Mareng. Malay ko ba kung girlfriend niya 'yong Frey. Ayoko naman na si Mareng pa ang maging dahilan nang pag-aaway nila. Nang makalapit ay agad na lumipat sa kanya si Mareng na kinataas ng kilay ko. Bakit ba mas nagiging malapit sila ni Mareng. Nasalubong ko ang nagtatanong nitong tingin ngunit umiwas ako ng tingin at muling tumingin sa bangko. Halos manlaki ang mga mata ko matapos makita si Mama na papalabas at lumilinga. "Mauna ka nang pumasok." Hinawakan ko sa likod si Drake at kahit na nagtatanong siya kung bakit ay hindi ko sinasagot. Inalalayan ko pa ang ulo niya na huwag mauntog pagkapasok niya sa tricycle. Nang bumalik ang tingin ko kay Mama ay sakto sa mga mata ko ang tingin niya. Kinabahan ako at mabilis na pumasok sa tricycle at kumapit sa braso ni Drake. "V-eron," mahinang bulong niya ngunit sinenyasan ko ang driver na paandarin na ang sasakyan. "Veron," muling tawag niya. Salubong ang kilay na nilingon ko siya. "Bakit?!" may inis na tanong ko. Hindi na nga ako magkamayaw sa pagtakas kay Mama tapos ay tawag pa siya nang tawag. "Kamay mo," muling bulong niya. "Napaano?" "Iyang kamay mo ay nakahawak sa hita ko. Utang na loob, alisin mo diyan," nahihirapang sambit niya. Namilog ang mga mata ko at nilingon pa ang kamay kong nasa hita niya at malapit sa.. Basta! Agad ko iyong binawi at nahihiyang umiwas ng tingin. Hindi ko naman alam!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD