KABANATA 10

1964 Words
"Wala pa si pogi," si Miss Yumi. Palinga-linga ito sa pila at orasan. Tahimik kong pinagpatuloy ang pag-aayos sa mga files, at hindi pinansin ang sinabi niya. Ngunit hindi ata siya makuntento at kinalabit pa ako sa braso. "Bakit po?" Nag-angat ako sa kanya ng tingin at nakitang nangunguso ito. "Di ba, ganitong oras pumipila iyon? Malapit ka na mag-out pero wala pa rin." Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ko sigurado kung sinong tinutukoy niya pero ang isip ko ay si Drake ang tinutukoy. Namula ang mga pisngi ko sa pagsagi niya sa isipan ko. Mas lalo na ng maalala ang hawak ko sa hita niya. Hita lang naman! Akala mo naman ay i-re-rape ko kung makareklamo! Umiling ako at pilit na binura iyon. Nilingon ko si Miss Yumi na tumatanaw pa rin sa pila. "Sino po ba?" tanong ko sa kanya. "Si Drake. Dapat nandito na 'yon," mahinang bulong niya at tila sa sarili lamang sinasabi. Napataas ang kilay ko dahil doon. Hindi naman mayaman si Drake para araw-araw na nasa bangko. Baka rin wala pang ipa-pa-deposit ang boss niya. "Hindi ba ay sinusundo ka no'n, Veron?" Kusang namilog ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Napahawak ako sa sariling batok at alanganing ngumiti. Hindi ko alam kung aaminin ko o hindi. Hindi ko mawari ngunit iba ang nahihinuha ko sa tanong niya. "Hindi naman po. Nagkataon lang." Bahagya niyang ginilid ang ulo atsaka ako tinignan. Napakurap pa ako sa nakikitang hindi paniniwala ng mga tingin niya. "Ilang beses kitang nakitang sumabay sa kanya. Veron, ayos lang naman iyon. Gusto ko lang sanang itanong kung close kayo." "Oh? Hindi naman masyado. Bakit po ba?" Ngayon ay may iritasyon na akong nararamdaman sa kanya. Wala namang masama sa sinabi niya, at hindi naman talaga kami masyadong close ni Drake. Mas malapit siya kay Mareng. "Kasi, Veron, single ako. Tapos ready to mingle na. Baka lang single rin siya." Tuluyan niya na akong hinarap at itsurang nanghihingi na ng tulong. Bakit ba hindi na ako nabigla sa sinabi niya? Kanina ko pa naiisip ang punto niya. And then I said the best lie I can weave. "Single po siya, single dad." Walang kurap na sabi ko. Sorry for lying. But I found the need to tell it. Napaawang ang mga labi ni Miss Yumi, at napakurap. Umiwas ito ng tingin at kunot noong bumalik sa pagtitipa. Kusang tumaas ang isang kilay ko. Ayaw niya sa single dad? Napailing ako at binalik na lamang ang atensyon sa pag-aayos ng mga papeles. Ngunit maging ako ay nabahala na wala nga si Drake sa pila. Hindi ko mapokus ang atensyon ko sa trabaho. Ilang beses pa akong lumingon sa pinakapinto upang makumpirma kung nasa labas na ba sila ni Mareng, ngunit wala. Nilukob ng kaba ang dibdib ko. Miminsan pa akong napapatayo sa pagtanaw sa labas. Kaunting oras na lang ay out ko na ngunit wala pa ring anino nila ni Mareng. "Miss Yumi, hindi po ba pwedeng mag-under time?" She looked at me sideways, then glance at the clock, "Ilang minuto na lang ay out mo na. Tapusin mo muna. Sayang naman." Bagsak ang balikat na naupo akong muli. Minadali ko ang pag-ayos ng mga papeles, pagkatapos ay susulyap muli sa labas. Sa huling sulyap ko ay inatake akong muli ng kaba matapos matanaw ang pagpasok ni Mama at Papa sa bangko. "Uuwi na'ko, Miss Yumi!" Taranta kong sinara ang folder at agad tumayo ngunit napayuko matapos masalubong ang tingin ni Mama. "Ah, Veron?" Nilingon pa ako ni Miss Yumi. Hindi ko na siya sinagot at dumiretso na lamang ang pagsulat ko ng out time sa daily time record ko. Maging sa paglabas ay pilit kong tinakpan ang sarili sa bag upang hindi mapasin nila Mama. Seeing them today does not feel good. I mean, I have longed for them. But if they will still criticize me, then, it's not good at all. Hindi rin naman namalagi sa isipan ko sila Mama, mas nanalo ang kaba ko sa hindi pagsundo ni Drake at Mareng. Kaagad kong pinara ang tricycle na dumaan. Ang puso ko ay hindi makalma sa naiisip na maaaring nangyari. "Kuya, sa daycare po." Tumango lamang ang driver. Iilang beses akong umiling. Bakit ko ba pinagkakatiwala si Mareng sa kanya? Paano kung totoong kidnapper siya? Urhgg, Veron! Hindi ko maiwasang maluha sa naisip. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kung mawawala si Mareng. Taranta akong bumaba ng tricycle at nagbayad. Halos madapa ako makarating lang sa waiting shed. Ngunit nanghina ang mga tuhod ko at mas lalong kumabog ang dibdib ko matapos walang madatnan. The shed is quiet, even the classroom. Walang bakas ng tao. Napatakip ako sa bibig sa pagtakas ng mga hikbi ko. I want to avoid thinking worse, but I can't help but to conclude. Please, keep my daughter safe! Huminga ako nang malalim at nagpunas ng mga luha. Isa lang ang option ko. Hiling ko lang ay madatnan sila sa Palengke. Hindi ko gustong mangyari ulit ito. I think, I need to get Drake's number, or totally prohibit him to fetch Mareng! Kahit itsura akong kalmado ay nagwawala naman ang kalooban ko. Kung wala sila dito sa Palengke ay mag-re-report na ako sa mga pulis. Wala na yatang mas masakit pa sa isiping tinangay ang anak ko. "Veron!" "Veron!" Wala sa loob na liningon ko ang tumatawag, only to found Christian with his wide smile and deep dimple. "Mamalengke ka? Samahan na kita. Nga pala, ibigay mo na 'yong number mo, lo-load-an na kita." Iniaabot pa nito ang telepono niya. Umiwas ako ng tingin. I don't want to be rude, but load is not my priority as of the moment. Nilingon ko si Christian at binigyan ng maliit na ngiti. "Pasensya ka na, Christian. Hinahanap ko kasi si Mareng. Hindi ko kasi siya nadatnan sa school." Kita kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya, "Nawawala si Mareng? Nag-report ka na ba sa mga pulis? Tutulungan kitang maghanap." Hinila ako nito sa kamay. Wala sa loob na napasunod ako sa kanya. His concern is genuine. Kung tanggap lamang siya ni Mareng ay okay na sana ako kay Christian, but Mareng doesn't like him. Mareng. Muling bumalik ang takot ko at pag-aalala kay Mareng. Dinig ko pa ang pagtatanong ni Christian sa mga nakakasalubong at pag-de-describe kay Mareng. Pinapanalangin ko na sana ay nasa Mango store sila. Kung wlaa ay hindi ko alam kung saan pa ako maghahanap! Giniya ako ni Christian papuntang Vegetable section ngunit pinigilan ko ang kamay niya. "Hindi diyan. Dito, Christian." Bumitaw ako sa hawak niya at naunang naglakad sa Fruit section. Dinig ko namang nakasunod siya. "Dapat yata humingi na tayo nang tulong, Veron. Baka kanina pa nawawala si Mareng." Ani nito. "Sino bang kasam niya?" dagdag na tanong nito. "Si Drake. Iyong bagong kapit-bahay namin." I heard his horrified tsk, "Dapat hindi mo basta pinagkatiwala si Mareng doon. Baka mamaya ay ex-convict pa iyon." Hindi ko siya sinagot, hindi ko rin pinansin ang sinabi niya. Ang atensyon ko ay tutok lamang sa pagtahak ng daan patungo sa mango store ni Drake. But my nervousness double when I only see his co-worker. Mag-isang nag-aabot ng manga sa customer. Bumilis ang lakad ko dahil doon. Handa na sanang sumigaw at mag-eskandalo ngunit napatigil ako sa nadinig na mga hagikhik ni Mareng. I stop on my track, napakurap pa ako matapos matanaw sa loob ng tindahan si Mareng na nakaupo sa harap ng counter, umiinom ng shake habang nag-aabot ng sukli kay Drake. "Nandito lang pala si Mareng. Kinabahan ako doon, Veron." Ani ni Christian. Hinarap ko siya at binigyan ng ngiti, "Salamat, Christian. Dito na ako." Tumango siya bago nilingon ang mango store, nagtagal pa doon ang tingin niya ngunit ngumiti rin sa akin bago nagpaalam at tumalikod. Napahinga ako nang malalim bago mabilis na tinungo ang tindahan niya. Diretso kay Mareng ang mga tingin ko. Nakasimangot ito at tanaw si Christian na paalis. "Mareng!" Dinamba ko siya ng yakap kahit na nasa kabila siya ng counter. Pinuno ko pa ang mukha niya ng mga matunog na halik. Seeing her safe, made my worries disappear. "Mimi, ouchy na! Kasama mo pala si labanos. I hate him, Mimi." Mas niyakap ko siya kahit na nagrereklamo siya. Hindi bali nang maldita siya. Basta kasama ko siya at ako ang Mimi niya ay sapat na iyon. Pilit siyang kumawala kaya naman marahan ko siyang pinakawalan. Nanghahaba ang nguso niyang liningon pa si Drake para humingi ng tulong. "Pare, Mimi is OA!" Maktol pa niya. Napapikit ako nang mariin bago binalingan ang Pare niya. Binigyan ko ito ng matalim na tingin kahit na salubong lamang ang kilay niyang nakatanaw sa akin. "Sa tingin ko ay kailangan ko ng eksplanasyon mo. Sana man lang ay dumaan ka sa bangko para ipaalam na dinala mo siya dito! I was dead worried! Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa anak ko!" angil ko sa kanya. He gave me a bored look, then glance at Mareng. Nilingon ko rin ang anak kong inosenteng nakatukod ang mga siko sa counter at nakapatong ang baba sa mga palad niya. Her baby blue eyes shows that she's interested. "Mareng, tulungan mo muna si Didoy sa pagbalot ng manga," utos niya kay Mareng na umani ulit ng matalim na tingin sa akin. How dare him! Talaga bang inutusan niya ang anak ko? "Ow? Am I not allowed to watch and listen to your fights? Anyway, you look cute together, Mimi." Kumibit balikat pa ito bago agad na bumaba at dumiretso sa tinawag nitong Didoy. Sinubukan kong kumalma. Kumapit pa ako sa counter bago siya hinarap. "Ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Halos himatayin ako kakaisip at kahahanap. Drake, hindi magandang biro iyon! Ikamamatay ko kapag may nangyaring masama sa anak ko!" Hindi ko napigilan ang paghikbi sa harap niya. Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ko. Dinig ko pa ang pagmumura niya. Akala ba niya ay hindi nakakatakot na basta na lang isama ang anak ko? "Bakit kasi sinama mo? Sana iniwan mo na lang sa akin sa bangko." "Sorry," Ani nito bago ako giniya papasok sa counter area. Dinig ko pa ang paghila niya sa upuan at ang pag-alalay sa akin na maupo. "Sorry?! Akala ko ay hindi ko na makikita ang anak ko pagkatapos ay sorry lang?!" Muli akong humikbi. Dinig ko siyang muling napamura, pagmulat pa ng mga mata ko ay inaabot na nito ang puting t-shirt niya na kanina at suot lamang. "Wala akong panyo. Ito na lang damit ko ang pamunas mo." Mas nilapit niya pa iyon. Sumisinghot na kinuha ko iyon at pinampunas ng mukha. Kusang napatigil pa ako sa pagluha pagka-amoy sa natural na bango niyon. I heard him sighed, "Maaga kasi ang uwian nila Mareng. Nagyaya siya dito, hindi ko naman namalayan ang oras sa dami ng mga gawain kaya hindi na kita nasundo," paliwanag pa niya. Muli akong suminghot at sinulyapan pa siya, hindi ko nga lang nakayanan ang mga seryosong titig niya. Pinilit kong kumalma bago binalik ang t-shirt niya sa kanya. Hinanap ko pa ang cellphone ko sa bag at inaabot iyon sa kanya. "Paki-save ang number mo. Ayaw ko nang mabaliw sa susunod na hindi mo pagsundo." Tumango siya nang marahan bago kinuha ang cellphone ko. Napatagal pa ang titig niya sa basag na tempered glass no'n ngunit tinipa din ang numero niya at sinubukang tawagan. Namula nga lamang ang mga pisngi ko matapos marinig ang voice mail saying that I don't have enough balance. Taranta kong kinuha pabalik ang cellphone ko, "Wala akong load. Kapag may load na ako, tatawagan kita." Ano'ng tatawagan, Veron?! He nodded simply, tinanaw pa ang bukas na lagayan ng pera. "Lo-load-an kita mamayang gabi, tawagan mo'ko," bigkas niya na muntik ko nang ikahulog sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD